CHAPTER 5

413 16 11
                                    

CHAPTER 5

PARANG NAGSISISI na tuloy ako na dumiretso pa ako rito sa treehouse. Nakaupo pa rin ako sa terrace at natanaw lang sa sapa habang nagmuni muni. Mga kuliglig ang aking naririnig at wala ng iba. Bukod sa sinag ng buwan ay lampara rin ang nagsisilbing ilaw rito sa akin pwesto.

Pinapapak na ako ng lamok pero binalewala ko na lang 'yon. Bukas ay kailangan ko ng simulang asikasuhin ang mga bagay na puwedeng maayos dito dahil ito muna pansamantala ang magiging tirahan ko.

Napabuntong hininga na lang ako at tumayo na sa aking kinauupuan. Kinuha ko na rin ang lampara at pumasok na sa loob ng treehouse. Sinarado ko ang pintuan at hinayaan lang na nakabukas ang pintuan na nakapwesto sa terrace. Yung isang bintana ay nakabukas din pero hindi ito kagaya sa isang bintana na nakapwesto malapit sa terrance dahil pagdungaw mo roon ay ibaba na 'yon.

Kinuha ko ang picture frame ni mama at papa pagkatapos ay pinatong 'yon sa maliit na lamesa. Mapait akong ngumiti at hinaplos ang kanilang litrato. Naupo ako sa lumang foam at niyakap ang aking tuhod.

"Goodnight po, 'ma, 'pa," mahina at malambing kong tono.

Tumagal saglit ang aking tingin sa litrato ni papa. Nakangiti ito at may hawak na isang malaking isda. Heto yata yung araw na may nabili siyang malaking tulingan at inulam namin 'yon pagkagabi. Dahil sa pagkatuwa ay kinuhaan ko siya ng litrato sa digital camera nito.

"Ang sakim lang po ng kapatid mo, 'pa," pagsusumbong ko, halata nasa aking boses ang pagkapagod dahil sa kaganapan ngayong araw. Sa kalaunan ay ngumiti na lang ako at muling hinaplos ang litrato. "Pero okay lang, kung doon siya masaya sa bahay natin hindi na ako mamimilit. Pasalamat na lang dahil ginawa mo 'tong tree house, 'pa. Kahit papaano may bago akong matitirahan," mahina kong sambit.

Huminga ako ng malalim at dinala sa aking dibdib ang picture frame nito. Nang makita ang litrato ni mama ay kinuha ko rin 'yon. Nakangiti siya sa litrato at nakasout na kulay puting dress. Ang itim at bagsak nitong buhok ay nakalugay habang ang bangs nito ay umabot lang sa taas ng kilay niya. Ang kanyang kamay naman ay nakahawak sa bilugan nitong tyan habang naka side view naman ang posisyon ng kanyang katawan sa litrato, ako 'yong nasa loob ng tiyan na. Ang ganda niya no'ng pinagbubuntis niya ako.

"Marami pong salamat sa lahat, 'ma, 'pa," mahina kong sambit habang mahigpit na niyakap ang picture frame.

Bago pa tuluyan tumulo ang aking luha ay binalik ko na sa maliit na lamesa ang picture frame at pinagpag muna ang foam. Binalutan ko 'yon ng tela na nakuha ko lang sa loob ng bag na dala ko. Kulay itim 'yon kaya ginawa ko na lang 'yon na bedsheet.

May maliit na unan akong nakita sa loob ng bag kaya nilabas ko 'yon kasama ang manipis na puting kumot. Pinatay ko na ang lampara at nahiga na sa foam. Tulala na nakatingin ako sa labas ng bintana kung saan dumadaan ang sinag ng araw.

Hindi ko alam pero bakit hindi ako natatakot ngayon, sobrang dilim sa buong pwesto ko lalo na sa labas at ang sinag lang ng buwan ang nagsisilbing ilaw sa loob.

Takot ako sa dilim yung tipong wala na ako halos makita, pero bakit ang pagiging matatakutin ko sa dilim ay parang naglaho. Pakiramdam ko ay may nagbabantay sa akin kaya dapat hindi ako makaramdam ng takot.

Napailing na lang ako at ipinikit ang aking mata para matulog.

HINDI KO ALAM KUNG ANONG oras na ngayon, naalimpungatan ako sa mahimbing kong pagkakatulog dahil pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin. Hindi ako sanay at naiilang ako.

Kahit na inaantok ay dinilat ko ang aking mata at dahan dahang bumangon galing sa pagkakahiga. Bahagya pang nanlabo ang aking paningin ng tumingin ako sa bintana. Isang rebulto ng tao ang nandoon at alam kong sa akin nakatingin iyon.

Her Desirable Love (Gorqyieds Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon