CHAPTER 19

339 11 0
                                    

CHAPTER 19

"ALAM MO MABUTI na lang at nakabisita kami rito, Lili."

Lumawak ang ngiti sa aking labi ng marinig ang sinabi ni Ate Rica. Ang kanyang kamay ay nakapatong sa tiyan kong anim na buwan na. Sa katapusan pa ang due date ko kaya konting tiis na lang ay malapit na namin makita ang anak namin ni Steven.

"Mabuti nga at binisita niyo ako," mahina kong usal.

Napagigitnaan ako ni Ate Rica at Ate Pia. Si Ate Mae ay nasa pangisahang upuan at kumakain nang gawa nilang pagkain.

"Kung kailan malapit kana manganak saka lang kami pinabisita ng asawa mo," nagtatampong sambit ni Ate Mae habang ngumunguya.

"Ate Mae, anong asawa ka diyan? Hindi pa kami kasal 'no," tugon ko.

Parehas kaming tatlo ni Ate Rica at Ate Pia na nagulat ng maramdaman ang isang sipa sa tagiliran ko.

"Mukhang may makulit sa tatlo, ah," nakangiting wika ni Ate Pia.

Nawiwili sila sa napakalaki kong tyan. Hindi ko na talaga makita ang paa ko kapag yuyuko o titingin sa dinaraanan ko kaya kailangan doble ingat.

"Gaga ka, Lili. Gano'n na rin 'yon kasi magkakaanak na kayo," tugon ni Ate Mae sa akin. "Atsaka oo nga pala 'no bakit ba hindi ka pinakasalanan no'n? Binuntis kana nga ng di pa kayo kasal."

Napakamot ako sa aking tyan. "Delikado raw," sagot ko. "Pero pinangako niya naman sa akin na papakasalan niya ako sa tamang panahon."

Gumusot ang mukha ni Ate Mae at halatang hindi nagustuhan ang aking sinabi.

"Tamang panahon?" naguguluhan niyang wika. "Baka makalima pa kayo ng anak bago 'yang tamang panahon na 'yan."

"Nauna na nga yung tatlo," pag singit ni Ate Rica. Tinuro niya ang malaki kong tyan. "Ayan na, oh. malapit ng lumabas ang inaanak natin."

"I wish na maging healthy ang mga baby girls natin," malambing na wika ni Ate Pia. Hinaplos niya rin ang aking tyan at sinunod ang aking buhok. "Ikaw rin, Lilianna. Ipagdadasal ko na maging maayos ang panganganak mo sa tatlo. Ang hirap manganak ng isa paano pa kaya ang tatlo."

Hinawakan ko ang kamay ni Ate Pia at pinisil 'yon ng mahina. Pasalamat na lang talaga at palagi silang nakakabisita rito, hindi ako mabuburyong dahil nandito sila.

"Anong oras ba uuwi si Steven?" tanong ni Ate Mae.

Nagkibit balikat ako. "Hindi ko po alam. Walang oras na sinasabi pero tuwing mag-gagabi siya umuuwi," sagot ko.

Napatingin silang tatlo sa akin, halata ang pagtataka sa kanilang mukha dahil sa sinabi ko.

"Uhmm, Lili," tawag sa akin ni Ate Pia.

Nilingon ko ito. "Po?"

Tumikhim muna ito bago magsalita. "Mas maganda siguro kung hindi muna palagi umalis si Steven para may kasama ka," malumanay na sambit ni Ate Pia habang hinihimas ang aking tyan.

"Tama si Pia, Lilianna," segunda ni Ate Rica. "Delikado na mag isa ka palagi rito sa bahay niyo lalo na at ang layo ng pagitan ng bawat bahay sainyo. Paano kung may mangyaring masama sa 'yo? saan ka makakahingi ng tulong?"

Napabuntong hininga ako at sumandal sa aking kinauupuan.

"Sinabihan ko na po siya tungkol diyan," tugon ko.

Sumasakit lang ang ulo ko kapag naalala ko 'yon. Nauuwi lang kasi sa tampuhan, ako lang naman ang nagtatampo dahil siya pinapaintindi niya sa akin na kailangan niya talaga bumalik sa bahay nila.

"Mukha ng naiistress si buntis mag change topic na lang tayo," biglang singit ni Ate Mae.

Umiinom na ito ngayon ng juice. Kumuha ako at uminom na rin.

Her Desirable Love (Gorqyieds Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon