CHAPTER 15
TIPID AKONG NGUMITI sa harap ng salamin habang pinagmamasdan ang sarili roon. Pinagpag ko ang white flowy skirt ko at sinunod ang fitted long sleeve na parang knitted ang design, may kulay pink na ribbon 'yon simula sa aking dibdib hanggang baba na akala mo ay 'yon ang parang butones.
Ang aking mahaba, itim, at maalon na buhok ay nakaponytail at may kulay pink na ribbon na nagsisilbing tali no'n. Dumating ang ilang linggo ay kaarawan na ngayon ni Steven. Kaya may kaonting salo salo lang naman sa baba ng treehouse na kami lang ang kakain.
At nung gabi na nagkaroon ako ng tampo dahil may hindi siya sinasabi sa akin ay nagkaayos naman kami sa mismong gabing 'yon. Hindi ko pa rin kasi maintindihan na bakit kailangan niyang maglihim sa akin.
Kahit pa minsan minsan ay nakikita ko siya o nakakasama ay gusto ko itong tanungin ulit tungkol doon pero wala naman akong makukuhang matinong sagot sa kanya dahil iniiwasan niya 'yon.
"Doll?"
Napalingon ako sa lalake na bagong pasok lang dito sa treehouse. Nakasout siya na button down polo shirt na kulay dark pink at khaki short na kulay krema. Nakabukas ang dalawang butones ng kanyang polo kaya sumisilip doon ang kanyang tattoo sa dibdib.
Lumapit ako sa kanya at niyakap ang kanyang baywang. Awtomatik naman na pumalibot ang kanyang braso sa aking baywang at hinagkan ako ng mahigpit. Ang kanyang ulo ay yumuko at magaan na hinalikan ang tuktok ng aking ulo.
"Maligayang kaarawan, Steven," mahina at malambing kong sambit sa kanya.
"Thank you," tugon niya sa akin at ng tignan niya ang aking mukha ay mabilis niyang hinalikan ang aking labi. Kinulong niya ang aking maliit na mukha sa kanyang palad at tinignan ako ng maigi. "Let's go downstair, at baka lumamig na yung pagkain natin."
Tumango ako at umalis sa pagkakayakap nito at hinawakan ang kanyang kamay. Pinagsiklop namin 'yon at sabay na nagtungo sa baba. Nakahanda sa ibabaw ng lamesa na may mantle na kulay baby pink ang mga pagkain namin. Siya ang nagluto no'n at hindi na ako pinakilos pa.
"Hindi mo man lang ako hinayaan na tulungan ka kahit mag-ayos man lang," wika ko ng makababa na kami.
Nakahilera sa gitna ang mga pagkain. Tapos may mga disenyo pa 'yon na maliliit na kandila pero hindi pa sindihan. Napapailing na tinignan ko siya at muling binalik ang paningin sa lamesa. Ang maliit na cake na binili niya ay nasa loob pa rin ng box.
"It's fine, don't worry," tugon niya. Hinawakan niya ang aking baywang at hinila ako papunta sa kanya. "Your role today is just to be beautiful, okay?"
Tumango ako at ningitian siya. Pinaupo niya ako sa pahabang lamesa at tumabi siya sa akin. Pinanood ko siyang ipaghanda ako, hindi maalis sa aking labi ang ngiti. Medyo madilim na ngayon dahil palubog na ang araw. Kaya pang hapunan na itong kakainin namin. Hindi naman sobrang dilim dito dahil may kinabit siyang fairylight sa malaking katawan ng puno kung saan nakapatong ang treehouse.
Habang pinagmamasdan ko 'yon ay natutuwa ang aking puso. Ang ganda lang para sa akin ang nangyayari ngayon. Pinagmasdan ko siyang lagyan ng pagkain ang kanyang plato at sabay na kaming kumain.
"Hindi ka ba nauumay?" tanong ko kaya nilingon niya ako.
"Nauumay saan?" kunot noo niyang tanong sa akin.
Nginuso ko ang spaghetti sa kanyang plato. May nakalagay rin na pizza roon at sa bandang gilid ay ang lumpiang shanghai.
"Hindi ka ba nauumay sa spaghetti?" tanong ko sa kanya. Parang sa tuwing may ganap sa ating dalawa hindi 'yan naaalis, ah.
Umangat ang aking kamay at pinunasan ang sauce sa gilid ng kanyang labi. Dinala ko 'yon sa aking bibig at ningisihan siya ng makita ang aking ginawa. Napailing na lang ito sa aking ginawa.
BINABASA MO ANG
Her Desirable Love (Gorqyieds Series #4)
Romance(COMPLETED) (this is the last installment of gorqyieds series, you can read this series as STAND ALONE, hope you enjoy it!) She knew within herself that she admired, or, let's say, had a crush on her childhood friend, Steven Thomas Donovan, when she...