CHAPTER 18
HINDI AKO MAKAGALAW sa aking kinatatayuan dahil sa sinabi niya. Parang nawalan din ako nang lakas na makapagsalita at parang sirang plaka na paulit-ulit kong naririnig ang kanyang boses. Nanatiling nakatingin ako sa lolo ni Steven kahit na kinakabahan.
"A-ano po bang problema niyo sa apelyido ng mama ko?" matapang kong saad kahit na nauutal.
Tumaas lang ang gilid nang kanyang labi at napailing na lang sa aking sinabi. Tinalikuran niya ako at nag-simulang maglakad sa kabilang kanto. Malakas akong napabuga nang hangin na akala mo ay nilunod ako o sinakal.
Hindi ko na napigilan na umiyak habang hinihintay si Steven. Napatakip ako sa aking bibig para pigilan ang hikbi ng gustong kumawala. Pinunasan ko ang aking luha at kahit anong gawin ko ay may tumutulo pa rin. Hindi ko makontrol ang aking pag-iyak.
Mahihinang hikbi ang lumabas sa aking bibig kahit anong pigil ko.
Ayaw niya sa akin dahil may dugo akong Villafuerte? Ayaw niya ako para sa kanyang apo dahil mababa ang estado ko sa buhay at wala akong pinagaralan? Habang iniisip ko ito pasikip nang pasikip ang aking dibdib.
Napalingon ako sa gilid ng may naramdaman na pamilyar na presensya. Naibaba ko ang aking palad sa bibig at napalabi ng makita si Steven.
"Anong nangyari?" nagaalala niyang tanong sa akin ng makalapit siya.
Hinihingal ito dahil lakad takbo siyang nagtungo sa akin. Ang tangi ko na lang nagawa ay muling lumuha sa kanyang harapan. Dahil buntis ako, ang emosyon ko ay kakaiba. Para mas naging sensitibo pa ako lalo na sa pag-iyak.
"Doll, what happened?" muli niyang tanong, malikot ang kanyang mata habang nakatingin sa akin. "May nangyari ba? Okay lang ba kayo?"
Kapansin pansin din ang pagiging kabado nito ngayon para sa akin. Pinatong niya ang dala niyang box sa ibabaw ng kotse at pinunasan ang aking luhang walang tigil sa pagtulo.
"Yung l-lolo mo," nahihirapan kong sambit dahil humihikbi pa rin ako.
Dumaan ang pagkabigla sa kanyang mukha. Ang light brown niyang mata na ngayon ay natatamaan ng sinag ng araw ay kitang kita ko. Nanlalaki 'yon at halatang nagulat sa aking sinabi.
"Wait, let's get inside," seryoso at nagmamadali niyang wika.
Hinawakan niya ang aking kamay at pinagbuksan ako nang pintuan. Inalalayan niya ako hanggang sa makaupo sa loob. Humihikbi pa rin ako at may luha pa rin na tumutulo. Napasulyap pa siya sa kanan at kaliwang sidewalk bago umikot para makapasok sa driver seat.
"May ginawa ba siya sa 'yo?" nagmamadali niyang tanong at pinaandar niya ang kotse.
Umuling ako. "Wala pero pinagsalitaan ng hindi maganda, oo," tugon ko.
Natigilan siya sa aking sinabi at nilingon ako. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking ulo para yakapin. Medyo kumalma na ako sa pag-iyak pero dahil sa ginawa niya ay muli na namang bumuhos ang aking luha.
"Ayaw niya ako para sa 'yo," pagsusumbong ko na parang bata. "Villafuerte raw kasi ako at mababa ang estado ng buhay, hindi pa raw ako nakapagtapos ng pag-aaral. Ayaw niya ako na maging asawa mo, Steven."
"I'm sorry, Lili. I'll talk to him later, okay?" pag-aalo nito sa akin. "He has no rights to decide who I am going to marry," hinaplos niya ang aking mukha at pinunasan ang aking luha.
"Our babies will cry too if they feel that their mom is crying," malambing ang kanyang boses habang binabanggit 'yon.
Tumango lang ako at huminga ng malalim. Nakakulong ang maliit kong mukha sa kanyang malaking palad. Nakapikit ang aking mata at ilang beses na huminga nang malalim hanggang sa kumalma.
BINABASA MO ANG
Her Desirable Love (Gorqyieds Series #4)
Romance(COMPLETED) (this is the last installment of gorqyieds series, you can read this series as STAND ALONE, hope you enjoy it!) She knew within herself that she admired, or, let's say, had a crush on her childhood friend, Steven Thomas Donovan, when she...