Kabanata 43

334 8 0
                                        

Kabanata 43

Redemption

"Bethany, sa table 3 iyan," sabi ng kasama ko.

Kulang kasi kami ng tauhan ngayon, kaya kahit cashier ako, tumulong na rin ako sa pag se-serve. Since I was already done with my tasks, tumango ako at kinuha ang tray para ma-serve sa Table 3.

It's been three months since the last time I saw Amare. Those months have been heavy, but every time I think of him, I sometimes feel at peace. Pero minsan talaga, kahit anong gawin ko, hindi ko maiwasan ang bigat sa puso ko. I couldn't even find the right words sometimes to explain why I'm suddenly sad. My mind feels so clouded at times, to the point that I have to think of him just to calm myself down. Weird.

Habang papalapit ako sa mesa, mas lalo kong naramdaman ang pagbigat ng damdamin. Naiisip ko tuloy, nangungulila rin kaya siya sa akin? The last time we met, he was so sure, so determined to stay. Nagpatuloy kaya siya sa pag-aaral? Naalala pa niya kaya ang huli naming pag-uusap?

Sa gabing iyon, pagkatapos niya akong ihatid sa bahay, I looked at him one last time. Para akong nanghihinayang. Hindi dahil may kulang, kundi dahil alam kong hindi na kami muling magsasama. Magaan naman ang loob ko, pero ang hirap tanggapin na doon nagtatapos ang sa amin.

You pushed him away, Bethany. Okay ka lang ba talaga?

"Pasok ka na," sambit niya.

Tumango naman ako. Then I stepped forward to hug him, maybe for the last time. This warmth. . . I'll miss it. That soft voice, the gentle care, lahat, mamimiss ko.

"Hintayin mo ako, ha," malambing kong bulong habang yakap siya.

His hug was tight, tight enough for me to breathe him in, like I was memorizing his scent, his warmth, his presence.

"Hindi ba talaga ako pwedeng manatili?"

No, Amare. I need you to focus on yourself first. Naalala ko ang sinabi ng mama niya—na nag-drop out siya dahil hindi siya makafocus. Gusto kong sabihin 'yon, pero ngumiti lamang ako. I know I am the reason why that happened. But this time, I won't let it happen again. I'll motivate him even more.

"I just wanted to stay with you, Adri."

"Mag-focus ka na lang sa pag-aaral mo," sabi ko.

"I am focused!" he insisted.

"Talaga? Bakit ka nag-drop out? Copycat ka rin, noh?"

Naramdaman ko ang paghalik niya sa ulo ko.

"Malayo ka sa'kin, eh," bulong niya. "Sa tuwing naaalala kita, nanghihina ako at kating-kati nang umuwi."

Natawa naman ako. Bakit ang corny niya pakinggan?

"Alam mo, napaisip ako... baka will talaga ni God na paghiwalayin tayo, dahil ganyan ka."

Hindi siya sumagot. Ramdam ko ang hininga niya sa aking ulo. Mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko.

"Hintayin mo na lang ako," bulong ko. "At habang naghihintay ka, mag-focus ka sa future mo. Makikinabang pa ako." Tumawa ako.

"Kahit hindi ako sigurado kung kailan. . . hihintayin pa rin kita," he said sincerely.

Tinangala ko siya para tingnan ang kumikinang mga mata. Our eyes met, like an unspoken promise. His eyes never lied, and I held on to that truth.

"Mag-enroll ka ulit. Gusto ko, pag nagkita na tayo, medtech ka na, ha."

Kunot ang kaniyang noo. "Paano mo nalaman?"

I rolled my eyes at him. "Tss. May source ako."

Malambot siyang ngumiti. "Ako naman, gusto ko nando'n ako sa graduation mo. . . kung mag-aaral ka ulit."

Broken Vessels Stories to obsess over. Discover now