Napamulat ako nang maramdaman ko ang pagtama ng liwanag sa aking mga mata. Iniharang ko ang aking kamay upang pigilan ang pagtama nito sa aking mata nang magmulat ako kasabay noon ang pagkislot ng sakit sa aking ulo.
Uggh! Fucking Hang Over! Kahit hindi ko pa tuluyang namumulat ang aking mga mata ay dahan-dahan akong bumangon sa kabila ng nararamdaman kong pagkirot ng aking sintido.
"Ateng naman! Diba sabi ko huwag na huwag niyong bubuksan ang bintana ng aking kwarto hanggat hindi pa ako nagigising?" Ungot ko na ang tinutukoy ang kasambahay namin at napasuklay ng aking buhok gamit ang dalawang kamay.
"Good morning, Sexy Drunkard.." Bati ng isang tinig mula sa aking gilid.
Natigilan ako at tuluyan nang nagmulat, saka ko palang napagtanto na wala ako sa sariling kwarto. Kaagad kong nilibot ang kabuuan ng kwartong kinarororoonan ko. From the dark color of the room makukumpirmang hindi ito ang kwarto ko.Hindi ko na matandaan ang mga nangyari kagabi sa bar basta ang alam ko nandito ako ngayon at buhay na buhay pa rin.
Napabaling ako sa pinanggalingan ng tinig na bumati sa akin knina where he was seating pretty at the black sofa near the window. And to my shock, napaawang ang bibig ko nang mapagsino ito. Bigla na lamang bumilis ang tibok ng aking dibdib na matagal ko nang pinipigilang patibukin pagdating sa kanya..
"C-calvin?" Nauutal na sabi ko. Until now, nararamdaman ko pa rin ang kakaibang emosyon na sa kanya ko lang naramdaman mula noon.
Napangisi sya at umiling-iling. " Damn, my twin." Mahinang aniya na umabot sa aking pandinig at napakagat sa kanyang ibabang labi.
Napakunot ang noo ko.. Hindi sya si Calvin? Kung ganoon.. Then it hit me! saka ko lang narealize na hindi nga sya si Calvin.. from the looks of him ibang iba sa Calvin na kilala ko. Mas makapal ang kilay nito kumpara kay sa binata at meron itong maliit na nunal sa gilid ng ibabang labi nya na wala si Calvin. Although magkamukha sila, may pagkakaiba sa features nya na wala si Calvin.
"Done familiarizing my face?" He said playfully na nagpabalik ng tingin ko sa mga mata nya. Nakita ko ang isang nakakalokong ngiti na nakapaskil sa kanyang labi.
"Where Am I?" Tanong ko nang makabawi.
"At my place." Simpleng tugon nya at nagkibit balikat.
"Why did you bring me here?" Kunot noong tanong ko at dahan dahang bumaba ng kama..Laking pasalamat ko dahil kung ano ang suot ko kagabi ay yun pa rin ang suot suot ko ngayon ngunit hindi ako pakampante sa lalaking kasama ko ngayon.. Kaagad nahagip ng aking paningin ang black stiletto na suot ko kagabi.
"Where should I brought you? Sa Hotel?" Mapanudyo nyang saad na nagpatigil sa akin sa pagsuot ng sapatos at dahilan para uminit ang aking pisngi.
Nanatili pa rin syang nakaupo sa kanyang kinauupuan habang sinusundan lamang ako ng tingin sa bawat pagkilos ko.
"Dapat hinayaan mo nalang ako doon sa bar kagabi nandoon naman ang mga kaibigan ko." Masungit na turan ko at sunod na hinanap ko ang purse na dala-dala ko kagaabi.
BINABASA MO ANG
Fool Again..
General Fiction"You won because you made me fool by you. And it hurt big time because I was once be Fool by the person I learned to love most."