Ikalima..

14 0 0
                                    


I initiated the kiss, did I?

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na ako mismo ang humalik sa kanya..

It was a soft, passionate yet intense kiss I felt in his lips. Parang tumatagos sa buong pagkatao ko ang kanyang mga halik, parang damang dama ko pa rin ang malalambot nyang labi sa akin hanggang ngayon..

Wala sa sariling napahawak ako sa aking kaliwang dibdib nang makaramdam ako nang kakaiba roon. Parang bumabalik nanaman itong pakiramdam na naramdaman ko na noon..

At natatakot ako, dahil ayoko nang muling maramdaman ang ganoong pakiramdam, dahil kapag hinayaan ko pa ang sarili kong ibalik iyon ay baka hindi ko na kakayaning mabuhay ulit nang matino..

Napapikit ako nang mariin habang naikuyom ko ang aking palad sa ibabaw nang aking kaliwang dibdib.. Marahas akong umiling...

NO! Not this time again.. Hindi ko na ulit hahayaan ang sarili ko.. I was once living on a hell before and now, hindi ko na ulit hahayaan ang sarili ko na maranasan ang ganoon ngayon..

Nasa ganoon akong posisyon nang biglang magbukas ang pinto sa aking harapan. Tila nagulat pa ito nang makita akong nakatayo sa tapat ng pintuan nya.. Napatuwid ako ng tayo at inayos ang aking sarili..

"Allen?" Gulat at naguguluhan nyang tawag saakin.. Ngumiti ako at lumapit sa kanya..

"Nay.." Tawag ko at niyakap sya nang mahigpit..

Naramdaman ko ang pagtugon nya sa aking yakap kaya hindi ko maiwasan makaramdam ng tuwa.. For once, naramdaman ko ulit na ligtas ako sa kanyang mga yakap.. Na para bang walang pwedeng makapanakit sa akin kapag nasa mga bisig nya ako..

"Anong ginagawa mo rito sa ganitong oras, bata ka?" Tanong nya na may himig ng pag-aalala nang kumalas sya sa aming pagkakayakap..Hinawakan nya ako sa magkabilang braso at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. "Tsaka ba't ganyan ang suot mo?" Nagtatakang tanong nito.

Ngumiti ako at umiling bilang sagot..

Napabuntong hininga sya at pinapasok ako sa mumunti nyang tahanan na dati ko ring naging tahanan..And I wish na hanggang ngayon ay dito pa rin ako nakatira.. Kahit na hindi karangyaan ang tahanan nito, mas nakakaramdaman ako ng saya rito. That I belong in this house. Mas itinuturing ko pa ngang tahanan ito kesa sa bahay. Dahil sa tuwing nandoon ako, para akong nasasakal. Rules are floating in our house. Kaya minsan nkakasakal na. 

Si Nanay Esther ang nagpalaki sa akin, malayong pinsan sya ni Mama na nag-alaga sa akin noong bata pa ako. Retired Teacher sya sa isang pampublikong eskwelahan bago pa man nya ako alagaan.. Sa tuwing umaalis ang mga magulang ko para sa mga business trip ay dito nila ako iniwan kay Nanay..

Sa tuwing nalulungkot ako kapag umaalis ang parents ko ay parating nandyan si Nanay Esther para iparamdam sa akin na mayroon akong isang magulang na nariyan lamang sa aking tabi..

Mula noon, siya na ang nilalapitan ko sa tuwing may mga mabibigat na pinagdadaanan ako.. Sa kanya ko sinasabi lahat ng problema ko na kahit ang mga magulang ko ay hindi alam.. At sya rin ang tanging nakakaalam ng dahilan kung bakit ako tuluyang nagbago.. The sweet and innocent Allyssandra Eunice before has gone now.

"Tumakas ka nanaman ano?" May pagdududang tanong nya nang hindi ako sumagot sa unang tanong nya..

"Dito na po muna ako magpapalipas nang gabi, Nay." Pag iiwas ko sa tanong nya at tumungo sa kalapit na lamesa upang magsalin ng tubig, pagkatapos kong uminom ay umupo ako sa maliit na sofa niya.

Narinig ko ang mabigat na pag buntong hininga nya pero binalewala ko na lamang iyon. Yumuko ako para tanggalin ang strap ng aking stiletto.

"Nag-away naman ba kayong mag-ama?" Malumanay na tanong nya. Nag-angat ako ng tingin ngunit hindi ako umimik.. Mukhang alam na nya ang sagot sa kanyang sariling tanong. Lumapit sya sa kinaroroonan ko at tumabi sa aking inuupuan. "Ano bang nangyayari sa iyo, Anak?" Nag-aalalang tanong nya at hinawakan ang aking hita. Napayuko na lamang ako. "Hindi kana man ganyan dati. You used to be happy before. Diba Daddy's girl ka pa nga? Pero nagkaganyan ka nalang nung--" Natigil siya sa pagsasalita nang bigla akong tumayo. 

"Matutulog na po ako, Nay." Pagpuputol sa kanyang sasabihin, I know that was rude but I can't blame myself. Ayoko nang ungkatin pa ang nakaraan. Umalis na ako sa sala at nagtungo sa isang pinto na nakalaan para sa akin. Ang kwarto ko sa bahay ni Nanay Esther. 

Akmang pipihitin ko na sana ang pinto ng aking kwarto nang bigla akong tawagin ni Nanay.

"Allen, Anak." Tawag nya. Hindi ako lumingon sa kanya pero ramdam ko ang awa  at lungkot sa tinig nya. Nanatili lamang akong nakahawak sa doorknob at hinintay syang magsalitang muli. "Learn to accept the things that had happened before. Hindi makakatulong sa iyo ito kung patuloy mo pa rin dinadala sa puso mo ang mga ala-alang iyon. Alam kong masakit pero kailangan mong tanggapin at I-let go ang mga bagay na iyon." Pahayag nya sa malumanay na tinig. 

Napahigpit ako ng hawak sa doorknob at nagsisimula nang mamuo ang mga luha sa aking mga mata. 

"Try to let go, 'Nak." Mahinang aniya at tuluyan nang tumulo ang aking luha. "Try to accept and move on. Dahil ayokong nakikita kang ganyan.. If you feel your life is miserable?" Tanong nya sa basag na tinig. "Then I'm feeling more than miserable seeing you like this. Mas nasasaktan ako, Allen." Aniya at napahikbi. Tahimik lamang akong umiiyak habang nakatalikod sa kanya. Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ko sa doorknob.



Huminga ako nang malalim at napapikit nang mariin habang patuloy lamang sa pagtulo ang aking luha.. Maya maya ay umiling ako.

"Hindi mo naiintindihan, Nay." Anas ko at pinipigilan ang pag hikbi. Umiling muli ako at yumuko. "Dahil kahit kailan walang makakaintindi sa akin.. Walang nakakaunawa sa akin, sa nararamdaman ko. All my life sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari--" Kaagad na pinutol ni Nanay ang sasabihin ko. Naramdaman ko na lamang ang presensya nya sa aking likuran.

"Hindi mo kasalanan iyon, 'Nak.. Wala kang kasalanan.." Madiin nyang sabi at hinawakan ang braso ko at pilit pinapaharap sa kanya ngunit nagmatigas ako at nanatili lamang nakatalikod sa kanya. "Listen, Allen. It was an accident. Walang may gustong mangyari iyon, it isn't your fault and don't blame yourself for that." Pilit na pagpapaintindi nya sa akin at naramdaman ko ang paghigpit ng hawak nya sa braso ko.

Umiling ako. "Kasalan ko lahat, 'Nay." Mahinang sagot ko. "Kasalanan ko dahil mas inuna ko pang paganahin ang puso ko kesa sa sarili kong utak. Mas inuna ko pa ang sarili ko kesa sa sarili kong kapatid.. I am so selfish. 'Nay." Mapait kong dugtong.

Patuloy lang sa pagtulo ang aking luha at nahihirapan na akong huminga dahil sa pag iyak ng tahimik. Sa pag-uusap namin ni Nanay, naungkat nanaman muli ang bagay na matagal ko nang iniiwasan. Na matagal ko nang pilit kinakalimutan at ibaon na lamang iyon sa limot.

I am so selfish.. Yun ang parati kong sinasabi ko sa aking sarili.. Ang selfish ko dahil mas inuna ko pa ang sarili ko. Mas inuna ko pa ang sarili kong katangahan kesa sa sarili kong kadugo..

And now, I'm paying those selfishness I did. Pinagbabayaran ko iyon sa pamamagitan ng sarili kong pamilya. Ng sarili kong ama.

Huminga ako nang malalim para pawiin ang bigat na aking nararamdaman. "Magpapahinga na po ako, Nay." Magalang na paalam ko. Tumango naman ito at unti unting niluwagan ang pagkakahawak nya sa aking braso.

"Magpahinga kna, Anak. Tatawagan ko nalang ang Daddy mo para ipaalam na dito ka magpapalipas ng gabi." Aniya. Tumango lang ako bilang sagot at tuluyan nang pumasok sa loob.

Nahiga kaagad ako sa kama at tulalang nakatingin sa kawalan..

I'm done for this night.. Masyadong mabilis at maraming nangyari sa araw na ito..

------

Update na!! Ano kaya ang nangyari kay Allen 6 months ago?

Hi readers! Kumusta? Nagbabasa pa ba kayo? Hihi

Salamat sa patuloy na pagbabasa nito..

Fool Again..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon