Hindi ko alam kung paano ako nakauwi ng aming bahay sa lagay kong ito. Im stupid enough to let him kissed me.. Im so so fucking stupid! Hindi dapat nangyari ito kung kaagad ko syang naitulak. And now Im pissed at walang ibang iniisip kung paano ko paghihigantihan ang lalaking iyon, sila ng kambal nya. Alam kong makakaisip rin ako ng hakbang para sa aking mga plano..
"Naku Mam! Asan po ba kayo galing at inumaga ka ng uwi? Galit na galit po ang Daddy niyo nang malaman na wala ka sa kwarto mo kagabi." Naghihisteryang salubong sa akin ni Ate Mira, isa sa kasambahay namin. Halata sa mukha nya ang pag alala..
I just rolled my eyes dahil sa inis. I know my Dad.. He never change.. Kung ano ang gusto, yun rin dapat ang masusunod.
"I can manage it, Ateng. Ako nang bahalang kumausap sa kanya." Pag aassure ko nang makapasok sa loob ng bahay.Tumango lamang sya. "Si kevin nga pala, Ateng?" Tanong ko na ang tinutukoy ay ang kapatid kong lalaki na sunod saakin at nilingon sya saglit.
"Maaga pong umalis, Mam.. Mukhang may importante pong lakad." Sagot ni Ate Mira. Natigil ako sa paghakbang papanhik at tumaas ang kaliwang bahagi ng kilay ko.
Himala at maagang umalis ang isang iyon. Nagtatakang sabi ng utak ko na ipanagkibit balikat ko na lamang at nagpatuloy sa pagpanhik patungo sa aking kwarto.
Pabalya kong inihagis ang sarili kong katawan sa aking kama.. Ni hindi ko man lang naisipan magpalit ng aking damit. Im so damn tired not thinking to change my clothes, sumasabay pa ang pagkirot ng aking ulo dala na rin ng pagkakalasing ko kagabi..
Biglang sumagi sa aking isipan ang ginawang pang hahalik sa akin kanina ni Calix kung kaya't napadilat ako at napatingin sa kisame ng aking kwarto. Wala sa sariling napahawak ako sa aking labi na hanggang ngayon ay namamaga pa rin dahil sa marahas na pagkakagat nya. He's a devil inside him. He is worse than his brother. He is an ass compared to his twin. Hindi ko alam kung bakit pinahintulutan ko ang sarili ko na maangkin nya ang aking labi knina.
His soft lips touches mine. Kahit na mapangahas ang pag angkin nya sa aking labi, hindi ko maikukubli ang kanyang malambot na labi. Nakakapang akit na kamuntikan ko nang tugunin. But my mind reminds me na hindi magpapadala sa halik na iyon, dahil isa iyong patibong na kapag nahulog ka ay talo kana. Na kapag tinugon mo iyon, hindi ka na makakabawi.
Hindi iyon ang gusto kong mangyari, because this time I am letting my mind to control everything in my life. Dahil hinding hindi na ako magpapadala sa sinasabi ng aking puso. Hindi na ako makikinig sa kung anuman ang sinasabi nito. Because if you let you control your heart in every actions that you make, lulubog ka sa sarili mong emosyon na tanging ang puso mo ang nag uutos at hinding hindi kana makakaahon.. Tuluyan kanang malulunod sa sariling emosyon na binibigay nito.
Nangyari na minsan sa akin iyon. Hinayaan kong kotrolin ng puso ko ang sarili ko. Hinyaan kong masunod ito kesa sa aking utak. Kaya ang kinalabasan, ako ang nasaktan.. Ako ang naiwan sa huli. But I will make sure na hindi na uli mangyayari iyon. I learned to be more wiser now pagdating sa bagay na iyon. Sinisigurado ka na kung meron man ang maiiwan at masasaktan sa huli ay hindi na ako iyon..
Nagising ako mula sa mga ingay na naririnig ko sa labas ng kwarto ko na mukhang magtatalo. Hindi ko maklaro ang boses kaya dahan dahan akong bumaba ng aking kama at lumapit sa pinto, idinikit ko ang aking tenga rito para marinig kung kanino ang mga ito.
"Matthew, let her rest. Hindi makakatulong sa anak natin kung sesermonan mo pa." Rinig kong sabi ni Mommy mula sa labas.
"I will not tolerate her attitude this time, Eliza. Hindi umuwi si Allyssandra kagabi at hindi natin alam kung saan saan nagpupunta ang batang iyon!." Mariing sabi naman ni Daddy.
BINABASA MO ANG
Fool Again..
General Fiction"You won because you made me fool by you. And it hurt big time because I was once be Fool by the person I learned to love most."