The wind blows lightly while I'm walking at the field of this school, tinatangay nito ang nakalugay kong kulot na buhok na hanggang likod ang haba. Malapit lamang ang parking area sa field pero hindi muna ako dumiretso doon.
Laman parin ng isipan ko ang mga sinabi ng dalawang babae sa loob ng c.r. ilang araw na ang nakararaan. Buong linggo hindi naging maganda ang mood ko dahil lang doon.
Sino ba naman ang gagaan ang mood kapag narinig mong sinabihan ka ng malandi?! Kahit hindi harap harapang sinabi sa akin iyon ay parang ganun na rin kasi ako mismo ang nakarinig eh. Naging aloof ako sa mga tao sa paligid ko sa loob ng isang linggo.
Iniiwasan ko ang taong nakapaligid sa akin maging ang mga kaibigan kong panay ang yaya na magbar kami. At ang nakapagtataka rin ay matapos ang insidente sa locker room, ay hindi ko na muling nakita o nakasalubong man lang si Calix.
Napailing na lamang ako dahil sa muling pagtakbo ng isip sa kanya.
Umupo ako sa lilim ng isang puno na malayo sa ibang mga studyanteng tumatambay rin dito ng ganitong oras. Nilabas ko sa aking bag ang sketch pad na parati kong dala at iba pang gamit na pang guhit. Ever since I'm a kid, passion ko na ang pagdodrawing at kahit na hindi iyon ang kinuha kong kurso ay pinagpatuloy ko pa rin ang mag guhit.
Ilang sandali akong nag-isip ng maaring iguhit sa blankong papel na nakalapag sa aking hita. Maya maya pa ay nagsimula na akong gumuhit.
Hindi ko maiwasang mapangiti ng mapait habang unti unting makita ang mga imahe na malapit ng mabuo sa aking pag guhit.
How I wish to have them back. Kung pwede nga lang hilingin na pabalikin ang oras at itama ang mga bagay na dapat itama, hindi na sana nagiging kumplekado ang lahat. But we can't do it anymore dahil sa lahat ng pwedeng hilingin, ang oras ang pinakamahirap na makuha.
Time is the most difficult thing we can get. It's like a treasure na kahit anong hirap mo sa paghahanap ay sa huli, hindi rin mapapasayo. Kapag may pagkakataon kang gawin ang mga bagay na gusto mong gawin, wag mo ng hahayaan pang palipasin ito. Kapag hindi mo ito nagawa habang may pagkakataon ka pa, then you'll gonna regret it in the end at hihilinging ibalik muli ito.
I let out a deep and heavy breath as I look at the outcome of my drawing. I gently touch it na para bang isang babasaging bagay ang papel na hawak ko. Bahagyang kumirot ang dibdib ko habang tumatagal ang titig ko sa larawang nasa harap ko. I felt the tears forming at the sides of my eyes.
The fragile Allen is showing. And I hate it because everytime I am at this state, I feel weak. Ayaw na ayaw kong ipakita sa ibang tao na mahina ako, I want them to see me as Allen who is the bitch and a heartless girl that can never tamed by anyone.
Tumingala ako para pigilan ang pagtulo ng nagbabadyang luha ng bigla akong matigilan nang makasalubong ko ang isang pares ng mata sa taong nakatayo sa harap ko at nakatanaw sakin. Tinatangay ng mabining hangin ang kanyang maikling buhok at hindi man lang inaalis ang titig nito sa akin. Unti unti ko nanamang naramdaman ang pag bilis ng kalmado kong puso.
Hindi ko inaasahang makita syang muli makalipas ang ilang araw and worst, sa ganitong sitwasyon nya pa ako makikita. Kahit ilang metro lamang ang layo nya sa akin, ramdam ko pa rin ang tagos ng pagtitig nya.
Nanatiling nasa kanyang mga mata nakapako ang aking tingin at kung hindi ako nagkakamali, lungkot at pag aalala ang nakikita kong nakapaskil na ekspresyon sa kanyang mga mata. Nag iwas ako ng tingin at kaagad na inayos ang aking mga gamit. Basta ko na lamang sinilid ito sa aking bag at bahagyang nakunot ang papel na ginuhitan ko kanina dahil sa pag mamadali.
Papalubog na ang araw at tiyak kong nasa bahay na ang aking mga magulang sa oras na ito kaya nang malagay ko na lahat ng gamit ko ay tumayo ako at pumihit sa direksyon papuntang parking area.
BINABASA MO ANG
Fool Again..
General Fiction"You won because you made me fool by you. And it hurt big time because I was once be Fool by the person I learned to love most."