Ikalabing-isa..

5 0 0
                                    

"Ano 'to? " Kunot noong bulalas ko ng makita ang mga bagay na nakalagay sa loob ng locker ko.

A stem of Blue rose and Blue Teddy Bear was placed inside it. Nagtataka kung sino ang naglagay ng bagay na iyon, gayong ako lamang ang nakakaalam ng password ng padlock ko. Wala ring ibang letters na sumalubong sa akin, kung dati ay araw araw akong nagtatapon sa trash can, ngayon kahit ni isang letter ay wala.

Kinuha ko ito at pinagmasdang mabuti ang mga iyon. Kung sino man ang nagbigay ng mga bagay na ito sa akin, I'm sure he knows me that much to even know my favorite color.

Preskong presko ang bulaklak na halatang kakabili lamang nito, ang teddy bear na kulay asul din ay may suot na black ribbon sa kanyang leeg. Nakuha ang atensyon ko sa isang sobreng kulay asul sa loob na kasama ng bulaklak at teddy bear.

It's the familiar blue letter. Hindi ko mawari ang biglang paglagabog ng dibdib ko sa pinaghalong tuwa at kaba sa nakita, kaagad ko iyong kinuha.

Nagdadalawang isip kung bubuksan at babasahin na ang sulat or mamaya na lamang pag nakauwi na ako. But curiosity strike me, sinunod ko yung una. Binuksan ko ang letter at agad na binasa iyon.

My Allyssandra,

Hope you like my gifts for you and make your day happy. I know you are wondering about who I am and why am I giving you all of these. It's hard to explain in this note but, you'll going to know me and my reason one of this days. Take care yourself for me.

LIX..

It was just a simple note pero ang hirap intindihin. LIX. Who the hell are you? Bakit mo ginagawa ang bagay na ito sa akin? Kilala ba talaga kita?

"Sino nagbigay nyan? " Usisa ng taong nasa likuran ko sa hawak na rose at teddy.

Hindi nya na hinintay ang sagot ko at sya na mismo ang umagaw at bumasa sa sulat na hawak ko.

"LIX? Who's this, Allen? Kilala mo ba ito? " Sunod sunod na tanong nito.

Hinarap ko sya at umiling.

"Hindi, Tessa. Basta nakita ko na lang ang mga ito sa loob ng locker ko. " Tukoy ko sa mga bagay na hawak ko.

"Is this Roman numerals or Acronym? " Naguguluhang bulong nito at pinasadahan ng tingin ang mga hawak ko, namilog ang kanyang mata. "Oh my gosh! Allen, and he knows your favorites!" Tili nya kaya nakurot ko sya sa kanyang tagiliran dahilan ng pagkakadaing nya.

"Shut your mouth, Tessa. Baka may makarinig." Madiing saad ko sa mahinang boses. Kinuha ko muli ang sulat sa kanya at sinilid ito sa aking bag.

"Whoever he is, I guess you're important to him, Allen." Humagikhik si Tessa na tila kinikilig.

"Don't assume too much, Tess. " Iling ko. Nagsimulang maglakad palabas ng locker room. I look at my wrist watch to check the time.

"Why? Oh come on, Allen! Don't be bitter! Who knows baka sya na ang Forever mo? " Tuya nya na nakasunod pala sa akin.

Napaikot ang aking mata sa narinig. Ghad! How I hate that word! Napahinto ako at tiningnan sya ng may iritasyon.

"Forever your Ass, Tessa! Don't believe in that word." Asik ko.

Napairap siya. "Bitter mo, Girl. Naku pag ikaw nainlove kay Calix, kakainin mo yang sinabi mo." Tukso nya.

Isang matalim na pukol ang ibinigay ko sa kanya. Nagtagis ang mga bagang ko.

"That won't happen to me." Madiin kong sagot.

Napangisi lang sya at nagkibit balikat sa sinagot ko. "Let's see." Hamon nya bago ako tuluyang iniwan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 31, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fool Again..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon