"So, how did you two, met? " Panimula ni Mommy sa usapan habang nasa hapag kami. She's so excited to get some info about us of how we met.
I am sitting in front of her, si Daddy naman ay sa kabisera nakaupo, nasa kaliwa nya si Mommy at ako ay nasa kanan habang katabi ko naman si Calix sa kanan ko.
Hindi ko sya sinagot at nanatiling sa harap ng pinggan nakatingin. Wala akong maisip na dapat isabi sa kanya dahil kahit ako, hindi ko alam kung paano kami nagsimulang magkakilala.
Sabihin na nating, matagal ko ng kilala ang kambal but I've only known Calvin because he's my EX.. Pero ibang usapan na pagdating kay Calix dahil alam kong nag umpisa sa hindi magandang pagkakataon ang una naming pagkakakilala.
Alangan namang sabihin ko sa harap ng mga magulang ko na "Hey Mom, we met at the bar, I got drunk and after that, I woke up in his room. That is how we met. " Take note the sarcasm. Paniguradong balde baldeng sermon ang makukuha ko hindi lang sa aking ina, pati narin kay Daddy.
"We met at School po. Actually she's my classmate in Literature before and after that I started following her." Panimula nito, napalingon ako sa kanya ng may pagtataka.. "Sinubukan ko pong magpapansin sa kanya, but nothing happened. Until one day I just woke up that she's already my girlfriend. " Simpleng pagkwento nito at nagkibit ng balikat na para bang easy lang sa kanya na sabihin ang hinabing kwento sa aking parents.
I want to give him a slow clap dahil sa galing nyang gumawa ng kwento. I'm his classmate in Literature before? How come? Bakit hindi ko maalala iyon? At ano iyong sinasabi nya na sinusundan nya ako at sinubukang magpapansin? Kusang kumalabog ang puso ko dahil lahat ng mga sinasabi ay hindi ko maalala!
Nilapag ni Mommy ang hawak nyang kubyertos at mataman kaming tinitigan.. "How did you court her? Or may ligawan nga bang nangyari bago ka sinagot ng anak ko? " May pagdududang tanong muli ng aking ina at naningkit ang mata sa aming dalawa.
Ay naku Mommy, kung alam niyo lang po. Dinaan ako nito sa santong paspasan at inangkin kaagad! Napairap ako dahil sa naisip.
"Opo, Tita. I always send her Love letters everyday in school. " Sagot nito habang nilalagyan ng ulam ang aking plato.
Napataas ang kilay ko sa panibagong kasinungalingan. Love letter? Hah! Siraulo pala talaga itong lalaking ito! San nya napulot ang mga salitang iyon?
"That's so sweet! " Kinikilig na saad ni Mom, narinig ko ang marahang pagtawa ni Calix. "Naalala ko tuloy yung kapanahunan ko, ganyang ganyan din kung manligaw ang Daddy mo Allen. Kaya nga sobra akong nainlove sa kanya. " Masayang pagkukwento nito.
Sinulyapan ko lang si Dad na tahimik na kumakain. Napaayos ako ng upo ng bumaling sya sa aking katabi.
"By the way, how are you related to Adrian Sandoval? " Pormal na pagkakatanong ni Dad.
"He's my Father, Sir. " Magalang na tugon ni Calix. Walang bahid ng takot sa kanyang boses.
Napatango si Daddy. "You're one of his twins? The eldest? " Tanong nyang muli.
"Yes, Sir. I'm the eldest one. "
"I heard, may bago kayong condominium tower na itatayo sa Cebu? " Singit ni Mommy sa usapan.
He nod. "Yes, po. And the construction of the tower already started 3 months ago. " He replied.
Nakatikom pa rin ang aking bibig dahil hindi ko magawang sabayan ang usapan nila. I didn't know na ganun kayaman ang pamilya ni Calix. As far as I remember, may mga hotels sila dito sa Maynila but I didn't know that they're into condo's din pala!
BINABASA MO ANG
Fool Again..
General Fiction"You won because you made me fool by you. And it hurt big time because I was once be Fool by the person I learned to love most."