Ikatlo..

18 0 0
                                    


"Allen, focus!" Sigaw ng aming coach nang hindi ko natira ang bola na pumunta sa akin.

Tumigil ako sa paglaro at hinihingal na nagtungo sa mga bench para kunin ang maliit na towel at mineral water na dinala ko.. Nakita kong papalapit sa kinaroroonan ko ang aking coach na halata ang pagkainis sa knyang mukha..

"What's wrong with you, Ms. Salazar? Kanina ka pa nawawala sa focus, pati ang mga kateam mo hindi makalaro ng maayos dahil sa iyo!" Naiiritang sabi ng aming coach. Hinarap ko sya matapos akong uminom..

"Im not in the condition to play, coach." Sagot ko at inilapag sa upuan ang bottle at kinuha ang towel sa tabi nito para punasan ang gabutil na pawis sa aking noo at mukha..

Napabuga na lamang ng hininga ang aming coach at namewang sa harap ko..

"Kung ano man ang problema mo personally, please don't affect the team dahil pati sila nawawalan na ng focus.." Sabi nya.. Napailing na lamang sya.. "for now, exempted ka muna sa game. For now lang ha." Pag uulit nya sa nakakasigurong tono. "I want you to fix kung ano man ang problema mo, para nasa kondisyon ka nang maglaro bukas. Remember, you're the team captain of this team.." Pagpapaalala nya..

Tumango naman ako at ngumiti ng pilit.. "Okay coach." Sagot ko.. Tumango naman sya at bumalik sa mga kasamahan ko kung saan patuloy na nagpapraktis ng laro.

Napailing na lamang ako bago dinampot ang bag ko at nagtungo sa shower room upang makapagpalit ng aking damit. I need to do something to refresh my mind. Masyado nang loaded ang utak ko sa mga problema even at home.

Papalabas nko ng court ng may marinig akong tumatawag sa pangalan ko..

"Allen!" Rinig kong tawag na ngmumula sa may likuran ko.. Lumingon ako at kaagad kong nakita si Emerald na lakad takbo ang ginawa patungo sa akin. Nakasuot pa rin ito ng unipormeng panlaro na tulad ng saakin knina.

Hinintay ko syang makalapit nang nasa bukana na ako ng court, hindi naman kalayuan ang parking lot dito kaya madali na lamang akong makakapunta sa kotse na nasusundo sa akin.

"May party mamya." Hinihingal nyang sabi. "Sa Club Zone." Dugtong nya atsaka namewang bago tumingala para lumanghap ng hangin..

Umiling ako.. "Pass na muna ako, kayo nlang." Walang ganang sagot ko at nagpatuloy sa paglalakad.

"Pupunta ang Sandoval twins doon!" Pahabol na sigaw ni Emerald na ngpatigil sa akin.

Parang naging musika sa aking tenga ang pagkakarinig ko sa apelyidong iyon.. It looks like a magic word for me hearing that name. Agad na ngliwanag ang kninang hindi magandang mood ko dahil roon..

Bahagyang umangat ang gilid ng labi ko sa isiping maari ko nang umpisahan ang plano ko mula ngayong gabi..

I'm now going to start my plan later! "Count me in!" Magiliw na sigaw ko nang hindi humaharap kay Emerald bago nagpatuloy sa paglalakad. Napangiti ako ng malapad habang papalayo sa court.

"8 pm sharp, nadoon na sila!" Pahabol na sabi nya.. Hindi nako sumagot at patalikod na kumaway gamit ang aking kanang kama. Nangingiting nagtungo ako sa parking lot kung saan naghihintay ang isang body guard at driver na inatasan ni Daddy para magbantay sa akin..

Pinagbuksan nya ako ng pinto ng makalapit ako sa sasakyan. Pumasok naman ako kaagad, hindi sumagi sa isip ko knina na may bantay nga pala ako ngayon at mahihirapan akong lumusot mamya.

Napatingin ako sa aking relo, alas sinko y medya pa lang meron pakong dalawang oras para mag isip ng paraan upang makatakas..

Tumingin ako sa labas ng bintana ng sasakyan. Papalabas pa lang kmi ng school at 20 minutes pa ang byahe pauwi sa amin. Kailangan kong magpalusot, yung maganda na hindi nila kaagad mahahalata..Huminto saglit ang aming sasakyan dahil sa pagtawid ng mga studyanteng papalabas pa lamang ng school. Lumipat ang tingin ko sa kabilang bahagi ng bintana ng sasakyan..

Fool Again..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon