" Take Me To Your Place " ( FINAL CHAPTER ) Dormitory Series #4

2 1 0
                                    

DORMITORY SERIES: Take Me To Your Place
FINAL CHAPTER [ REUNITED ]

clark’s pov.

“ oh, lola... dami niyo naman pong niluluto anong meron? ” tanong ko kay lola. “ kasi... sabay tayong mag didinner mamaya. ” sagot naman ni lola habang hinihiwa ang mga sangkap sa kaniyang lulutuin. “ gusto mo 'kong tulungan? ” tanong ni lola. “ oo naman po... ” sagot ko pagkatapos ay kinuha na ang mga iba pang gulay at hinugasan ko na ito.

habang hinihiwa ko ang mga gulay ay hindi ko parin malimutan ang mga nangyari sa 'kin nung iniwan ako ni ely. “ bakit niya ba ako iniwan? hay... siguro hindi talaga kami para sa isa't isa... ” tugon ko sa isipan ko. “ clark!? ” tapik sa 'kin ni lola “ ha? bakit po lola? ” tanong ko. “ ano bang iniisip mo d'yan? baka mamaya masugatan ka pa! ” sabi sa 'kin ni lola. “ wala po 'to lola... ” sabi ko pagkatapos ay pinagpatuloy na ang ginagawa ko.

“ yung babaeng 'yon parin bang iniisip mo? ” tanong ni lola at hininto na ang ginagawa niya. “ hindi ko siya mawala sa isip lola eh... ” tanging nasabi ko. “ sini ba yang babaeng 'yan? ” tanong ni lola. “ siya si ely, lola... maganda, mabait, at 'tsaka... matalino din. ” sabi ko kay lola.

“ ang mga ganiyang babae... mahirap ma kuha, kung ayaw sa 'yo ng dad niya, p'wede ka pa din namang mahalin niya... pero hindi niya ginawa 'yon. ” usal naman ni lola. “ syempre po, alam ko naman na mas hihigit talaga yung dad niya kaysa sa 'kin eh. ” ani ko. pagkatapos naming mag-usap ni lola ay umakyat na muna ako sa taas para magligo at magbihis.
___________

ely’s.

habang inaayos ko ang mga nilalabhan kong damit kanina ay bigla nalang nag-ring ang phone ko kaya iniwan ko muna ang ginagawa ko at sinagot ang tawag.

“ lola? ” tanong ko dahil si lola pala ang tumawag sa 'kin.

“ oh, yung pinangako mo sa 'kin ah. ”

“ opo lola, promise pupuntahan ko po kayo d'yan ”

“ ano pa bang ginagawa mo, dapat on the way kana ngayon. ”

“ lola naman, masyado naman po kayong nagmamadali... sige po, magbibihis nalang po ako. ”

“ 'yan ang gusto ko sa 'yo eh... ”

“ sige po lola, tatawagan ko nalang po kayo kapag papunta na ako. ”

“ okay... mag ingat ka lagi ha? ”

“ oo naman po, lola ” sabi ko at binaba na ang tawag. hay naku! ito talagang si lola miss na miss na ako, gusto agad akong makita.

tapos na akong magbihis at mag-ayos kaya naman tumawag na ako ng taxi kaya hinihintay ko nalang 'yon para maka-alis na ako, maya-maya ay dumating na ang grinab kong taxi kaya naman sumakay na ako.
_____________

ely’s pov.

ilang oras ang lumipas ay nakarating na ako sa labas ng bahay ni lola, “ wow... ang laki naman ng bahay ni lola, yayamanin. ” mahinang sabi ko sa sarili ko pagkatapos ay pinindot na ang door bell.

( ding dong, ding dong )

lola amarie’s pov.

“ oh ayan na pala siya ” —amarie

“ may bisita ka, ma? ” — max

“ ah... oo, nakilala ko s'ya sa airport nung nakaraan lang. ” — amarie

“ maganda ba lola? sabihin niyo naman sa 'kin para i-reto ko dito kay kuya, para naman maka-mive on na 'to kay ate ely. ” — clara

“ clara, tumigil ka nga! ”

“ kuya, hindi mo ikaka-cool ang pagiging cold mysterious person kase mukha kang gurang, pero tama ka naman eh... butong buto di naman ako kay ate ely. ” — clara

“ kahit sino pang i-reto niyo sa 'kin, hinding hindi ko sya ipagpapalit. ” — clark

“ tama na nga 'yan, ” — max

“ si clara dad oh! ” — clark

“ sumbongero! ” — clara

“ bahala ka d'yan, kukunin ko nalang po muna yung drinks lola. ” sabi ni clark pagkatapos ay kinuha na ang mga drinks sa refrigerator.

“ pupuntahan ko muna si kelly sa labas. ” — amarie

“ KELLY!? ” pagtataka ni clara. “ bakit apo? may problema ba? ” tanong ni amarie. “ ah-ah... wala po lola, oa lang po ako. ” mangutal ngutal na sabi ni clara.
_________

clara’s pov.

’ kelly... ’ ah... baka ka-pangalan niya lang, ano ba 'tong iniisip ko, baka na ano na ako kay kuya na puro kelly nalang nakikita't naririnig. hay... tama na nga 'tong kahibangan na 'to.

“ ma'am amarie, pinapasok ko nalang po siya... ” sabi naman ng kasambahay namin at laki naman ng gulat ko nang makitang si ate ely nga ang babaeng sinasabi ni lola.

“ oh... ayan na pala siya... ” tugon ni lola at niyakap si ate ely. “ lola... ” sabi naman ni ate ely habang niyayakap si lola. “ ate ely? ” tanong ko. “ clara?... ” pagtataka ni ate ely.

“ nandito na yung drin— ” hindi na natuloy ni kuya ang sinabi niya nang makita si ate at dali daling inilagay sa mesa ang mga inumin at niyakap si ate ely.

“ e-ely... ” — clark

“ clark? ” — ely

“ bakit ngayon ka lang nagpakita ulit? alam m-mo bang nami-miss na kita... ely, 'wag mo na 'kong iwan ulit... please... matagal kitang hinanap, malapit na akong mabaliw kaka-hanap sa 'yo. please... please stay... hindi ko na kayang mawala ka pa ulit... please stay here... ely, mahal kita... ” sabi ni kuya at umiiyak habang nakayakap kay ate ely.

“ anong nangyayari? ” mahinang tanong ng kasambahay namin. “ siya yung matagal nang hinahanap ni kuya. ” sagot ko naman at tumahimik na kami.

“ lola... thank you, thank you kasi dahil sa 'yo nakita ko ulit siya. ” pagpapasalamat ni kuya habang naka-hawak sa kamay ni ate ely.
_____________

ely’s pov.

habang kumakain kami ay hindi parin binibitawan ni clark ang kamay ko, hindi ko inakala na apo pala siya ni lola, habang nag-uusap kami ay nagtawanan nalang kami, mas hindi ko inakala na magiging tanggap na pala kami ng dad ni clark nung mga oras na 'yon.

lumipas ang dalawang araw ay bumalik si dad sa maynila, hinanap ako at kinausap ang dad ni clark... humingi ng patawad si dad sa mga paratang na sinabi niya tungkol kay tito max na dad ni clark. nalaman na kasi niya na hindi pala si tito max ang dahilan ng pagka-bankrupt namin ni dad.

masaya na kaming lahat na wala nang humahadlang sa 'min. tanggap kami ni lola, ng dad niya, at ni clara at higit sa lahat kay daddy. kahit masakit ang nakaraan namin ay nagawan parin namin ng solusyon kaya masasabi ko na ang kwento namin ay may 'happy ending'.

The End.
___________

Originally written by: thepenofljba

୨•୧—ljba’s note:
                  grammatical errors and vulgar words ahead‚ small letters intended‚ work of fiction‚ read at your own risk‚ taglish.

d – i – s – c – l – a – i – m – e – r – s :

✍️ : this story is fictitious. names‚ characters‚ events‚ incidents are either from author’s imagination‚ or use in fictitious manner.  any resemblance of a person‚ dead or alive are purely coincidental.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 05 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

" Take Me To Your Place " Dormitory Series #4Where stories live. Discover now