Chapter 2: Hara Lewis

13 2 1
                                    

Chapter 2:
Hara Lewis

DESIRE CARMELA

"Desire.. hindi ka ba pupunta sa registrar para mag enroll?" Tanong sakin ni Eros habang nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip tungkol sa nangyari kanina.

Lumingon ako sa kanya. He had this very curious look on his face.

Eros is a bit tanned. Curly ang buhok niya na kulay brown. His eyes were hazel. Pareho lang sila ng mukha ni Anteros, you can only differ them based on how they styled themselves.

Si Eros ang laging nasa pinakamalapit sa akin at madalas akong kinakausap. I always see him wearing black. I hate him the most because for the last four weeks, he's being asungot.

Si Anteros naman, he look more Godly and kind. Dahil yun sa lagi siyang naka puti. Minsan niya lang din akong kausapin at mas malumanay ito magsalita than his twin.

"I don't need to go there to do that." Wika ko kahit hindi naman talaga. I still need to go there to enroll myself pero syempre kululitin niya ako kung sinabi ko iyon.

Linabas ko ang cellphone ko at muntik ko pa ngang malabas ang bigay sa akin ni Sir Herald dahil halos kasing size lang din iyon ng phone ko.

I dialed Art's number but he's unattended. Kaya si Gab na lang ang tinawagan ko.

Gab is older than me for about three months only. Siya ang panganay sa buong Moran. Kapatid siya ni Art. Pareho silang anak ni Uncle Arthur Moran, second cousin ni Mommy.

Sinagot nya ang tawag ko.

"We found something about Hara Lewis.."

Bungad iyon sa akin ni Gab mula sa kabilang linya. Thankfully, hindi naka loud speak ang cellphone ko.

"Oh right.. na enroll mo na ba ako?" Tanong ko. Hindi ko sinilip kong nakatingin ba sakin si Eros pero ramdam ko ang titig niya sakin.

"Huh?" Inosenteng tanong ni Gab.

"Thanks for enrolling me, makakauwi na rin ako. Just send me the details of my enrollment para alam ko kung anong section ako." Wika ko. Natahimik si Gab sa kabilang linya.

Nagkunwari ako na nakikinig saglit sa kabilang linya kahit alam kong naguguluhan si Gab sa mga sinasabi ko.

"Just send me the details." I said in a monotone voice.

Narinig ko ang pagtikhim ni Gab sa kabilang linya. Nakuha niya naman siguro ang gusto kong iparating kaya binaba ko na ang tawag at nag-aya ng umuwi.

Eros was the one driving the car. Nasa back seat naman ako umupo.

Anteros on the other hand, nakamotor ito habang nakasunod lamang sa kotse na sinasakyan namin.

I was having my peaceful nap when our car stop abruptly.

"What the hell was that!?" Singhal ko kay Eros dahil sa biglaan nyang pagpreno.

I saw him holding the steering wheel so tight. He had a very serious face while looking infront of us.

Pumwesto din si Anteros na naka angkas sa kanyang motor sa gilid ng sasakyan namin. Seryoso din itong nakatingin sa aming harap kaya sinundan ko na rin ang tinitingnan nila.

Sa unahan namin, hindi kalayuan ay may batang nasa harap namin. Nasa gitna siya ng daan habang umiiyak.

Sa likod niya ay isang puting van. Wala ang van na iyon sa tamang way ng daan. It was as if it was aiming the girl.

Sasagasaan nila ang batang babae.. I am sure of it.

"S-Save that girl.." naibulalas ko. "Eros.. do something.." wika ko habang hindi pa din maalis ang titig ko sa batang babae.

Code: PSYCHE (Code Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon