Chapter 12: Really?

5 2 0
                                    

Chapter 12:
Really?

DESIRE CARMELA

Hindi lang pala ako ang nagulat sa sinabi ni Tita Luna. Maging sila Daddy at Uncle Oly ay nagulat. Isang mahabang katahimikan ang sumunod bago humalakhak si Tita Luna.

"What's with the reaction? Hindi kayo makapaniwala?" Aniya.

Bakit naman ako maniniwala? Ako? Malakas? Really? I am?

I remember how the fake Hara Lewis killed Richard Alcayde.. ang tinawag ni Vanessa bilang Plutus. Mommy was that strong.

But wait.. kilala niya din si Mommy?

"What was that, Luna?" Medyo natatawa na rin si Uncle Oly pero ako'y bumaling kay Daddy at sa kanya naghintay ng reaksyon. Nakatikom lang ang bibig ni Daddy at di ko mabasa ang kanyang ekspresyon.

"Sorry, Oly.. Dion." Binalingan ako ni Tita Luna ngunit binalik niya rin ang atensyon kay Daddy.

"Kaibigan ko si Sun. Alam kong, kung ikukumpara ang oras na kasama niyo siya at ng sa akin ay walang-wala ako. Lumaki kayo, Dion at Oly kasama niya habang ako'y nakilala niya pa lang, bago siya nawala. But as you can see, on that short span. Nakilala ko na si Sun and right now, I could really conclude that your daughter who resembled your wife is another person."

Hindi ako naka-imik. Si Daddy rin at maging si Uncle Oly. Gusto kong patapusin si Tita Luna sa sinasabi niya. Iyan ang gusto kong ipaintindi kay Daddy. Kung ang inaalala niya ay ang panganib na dala ni Mommy sa buhay ko, eh di ba dapat alam ko kung anong klaseng panganib ang tinatahak ko? Kahit pa hindi ko malaman ang tungkol sa buhay ko pala na ina, malalagay at malalagay ako sa panganib kahit wala akong kaalam-alam.

I now know how dangerous she was.. I know the danger she holds. Hindi ba dapat ay mas lalo akong bigyan ng impormasyon ni Daddy patungkol sa kanya? So that I'm ready on what I'll be facing in the future?

Aside from the danger she holds.. bakit parang may iba pang tinatago si Daddy sakin?

What if it's not really about Mommy? What if.. it's really about me?

That thought cross my mind.

"You see, Sun is impulsive. Sometimes, she end up being ruined after a stunt. Just like now.. she's gone and we don't know where she is.. as of the moment, your family is ruined. Itong anak mo naman, umalis sa puder mo, ni hindi natin alam kung anong ginawa niya sa loob ng mga oras na mag-isa siya. Nakauwi naman siyang buo. Walang galos na kahit ano."

Wrong. I got injured. Tinatago ko lang sa suot kong damit. I don't think my ankle injury got even better kahit na sa mga nagdaang mga araw. But no one knows.

But what did she just say?

Sometimes, she end up being ruined after a stunt. Just like now.. she's gone and we don't know where she is.. as of the moment, your family is ruined.

Si Mommy ang dahilan kung bakit watak-watak kami?

Ang unang sumagi sa isip ko ng malaman kong buhay pa si Mommy ay dahil may ginawa si Daddy na hindi niya nagustuhan. But I did not really conclude that way dahil ang unang sinabi ni Dad ay delikado si Mommy.

So, si Mommy talaga ang dahilan ng pagkakahiwa-hiwalay namin.

Hindi ko maiwasang mag-alala sa mga kapatid ko. Snow and Blade.. wherever you are.. are still alive like Mommy?

Nasaan na kayo?

I only have some clue about Mommy pero sainyo, wala.

I hope, you two are still alive.

Code: PSYCHE (Code Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon