Chapter 11: Stronger than Sun

5 2 0
                                    

Chapter 11:
Stronger than Sun

DESIRE CARMELA

"What's gotten into your mind, Carmela!" Singhal sa akin ni Daddy pagkarating na pagkarating ko sa Mansion namin dito sa Vierse City. Hindi ko alam kung ano ang ginawa nila Eros kay Vanessa Ruiz. Ang alam ko lang ay kinuha ni Anteros si Vanessa at dinala sa kung saan. Don't worry, she's not dead. She just got unconscious because of cupid's arrow. Si Romeo naman, I don't know about that dude. Sinikmuraan ko siya kanina dahil siya ang nagturo kila Eros kung nasaan ako.

Hindi na rin masama. At least I'm still alive.

"We look for you everywhere in Manila! God! You made me feel so worried!"

Hinayaan ko lang si Daddy na sumigaw ng sumigaw. Ng mapansin niyang hindi naman ako kumikibo kahit anong sigaw niya.. napahilot na lang siya sa kanyang noo.

Nagulat ako ng lumuhod si Daddy sa harap ko. Pumungay ang kanyang mata kaya napaiwas ako ng tingin.

"Carmela, I lost you once.. ng mahanap kita, hindi ka na makarinig. Please don't do this again.. You don't know how worried I am when you left."

Binalingan ko si Daddy. I know, Daddy might feel that way. Pero tinuloy ko pa rin ang plano kong pag-alis ng walang paalam. I want him to know that I'm serious.. That I will do anything just to know the truth. That I could let go his tight hold for this.

"If you're really worried, Daddy.. then just tell me the truth." Matapang kong sabi.

Napayuko si Daddy. Alam ko na ang sunod na mangyayari, hindi niya pa rin sasabihin.

Tumayo siya at matalim akong tinitigan.

"No, Carmela. Hindi mo na kailangan malaman pa." Pagmamatigas ni Daddy. Napailing ako sa sinabi niya.

Tumalikod sa akin si Daddy. "You are grounded. Lock her on her room! Eros, you can stay inside her damn room at wag na wag kang malilingat sa kanya!"

🥀

Everything is still going according on my plan.

Ang pag-lock ni Daddy sakin dito sa kwarto ko ay naaayon pa rin sa plano.

Pinag-isipan kong mabuti ang plano. Tatakas ako kila Eros, kukunin ang Data ko sa Gabriel Academy, babalik ako ng bicol region para mag-enroll sa Ertha Academy. Pagkatapos ay magmamasid ako sa buong syudad at hahanap ng kakaiba o kahit anong bagay na maaaring konektado kay Mommy. Nakahanap ako.. I gave Daddy a span of three days bago niya ako mahanap after kong mawala. I was amazed when they didn't find me in that time span. Umabot ng isang linggo bago nila ako nahanap. Alam ko na grounded ako for days or even weeks after. Kaya hindi na kataka-taka na rito lang ako sa kwarto.

Ang tanging hindi ko lang natatiya ay ang asungot na narito sa loob ng kwarto ko. I can't believe Dad let a man enter my room! He didn't just enter my room! He also let a man stay on my room! What the hell is wrong on my Dad's mind? He trusted this asungot this much?

Napapa-ikot na lang ang eyeballs ko tuwing nahahagip ng mata ko ang repleksyon niya sa salamin. Nakabusangot ang lalaki habang ako naman ay tinititigan lamang siya ng blangko.

Tss.

Buong araw niya ba akong tititigan dito? Baka naman matunaw ako nito? I rolled my eyes again.

Tumayo ako at binalingan ko siya. Nagkatinginan kaming dalawa. Parehong ekspresyon namin sa aming mga mukha. I wanna rolled my eyes again. Pinigilan ko na. Baka tumirik pa ang mata ko dahil sa inis ko dito sa lalaking ito. He seemed comfortable inside my room. Feel at home pa nga. Naka-de kwatro pa ang paa habang nakaupo sa couch.

Code: PSYCHE (Code Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon