Chapter 13: Modern Ninjas

9 2 0
                                    

Chapter 13:
Modern Ninjas

DESIRE CARMELA

Suot ko ang isang itim na cropped top and black leather jacket, black jeans and black boots. Nagsuot rin na itong na facemask at itinali ko ang pula kong buhok into a bun.

Naririnig ko pa rin ang paulit-ulit kong pagkanta sa record sa baba. Nasa attic part ako ng kwarto ko at may mga bagay na pinagkaka-abalahan ko noong mga nakaraang taon ang narito.

Kinuha ko ang isang tali na kasing kulay ng mismong pader ng aming mansion sa labas. Binuksan ko ang bilog na bintana ng attic at nakita ko ang ilang rumurondang gwardya sa paligid. How can I escape those men? Hmm..

Itinali ko ang lubid sa isang poste dito sa attic at inihulog ko na ang ilang bahagi nito sa labas ng bintana.

Walang pag-aalinlangan akong bumaba gamit ang lubid. Medyo mahirap ngunit kinaya ko ang lahat. Nagtago agad ako sa likod ng halaman.

Binalingan ko ang veranda ng kwarto ko.. naririnig ko ang bahagya ang boses ko mula sa banyo doon. Hindi pa rin nahahalata ni Eros? Great. That's good.

Naghintay ako ng ilang saglit para makalusot sa mga gwardya. Noong may tumawag sa kanila at pinalapit sila para sa munting pagpupulong. Agad kong kinuha ang pagkakataon na iyon para tumakbo papunta sa mala Maze na bakod ng aming lupain.

Saulo ko ang bawat sulok nito kaya hindi na ako nahirapan pang makalabas. Tahimik akong naglakad sa kagubatang pumapaikot sa aming lupain bago ko narating ang kalsada. Walang masyadong dumadaan na sasakyan dahil sa liblib ang lugar. Nagkibit na lang ako ng balikat. I have my own vehicle anyway. Isang hawi ko lang ng mga vines, nahanap ko agad ang big bike ko. Oh yes, I have a big bike hidden on the jungle. Nakatago iyon sa loob ng maliit na kweba.

Agad akong sumakay roon at nagmaneho papunta sa Ertha.

Something inside me woke up the moment I heard about the truth.. It's like.. my old self is back.. A monster hiding inside an innocent face of Desire Carmela..

🥀

Para akong isang ninja. Nagtatago sa bawat sulok na madilim sa loob ng Ertha. I don't know that Ertha is very secure like our Mansion. Bakit ako pinagbabawalan ni Daddy dito when it is also this strict?

May mga umaaligid na security guard kahit saan.

"Hindi natin alam kung kailan susugod ulit ang mga gulay na iyon. Talagang lulutuin ko sila ng buhay pag nakita ko sila."

Narinig ko iyon sa mga naguusap-usap na guard. Gulay? What?

"Tss.  Kawawa naman si Sir Hubert. Sobrang sakit noong pagkakapatay sa kanya." Ani ng isa pa.

May napatay? Saan? Dito? Kaya ganito sila ngayon?

Napailing na lang ako. I have no idea about everything but I should really be ready at any harm.

Hinanap ko ang Admin building. Balak ko kasing pumunta sa office ni Dad and Lolo Droco. Doon ko gustong maghanap ng files na maaring magbigay sa akin ng clue.

Tahimik ang buong building ng pasukin ko. Fire exit ang ginamit ko para makataas sa opisina ni Daddy at Lolo. Hindi naman mahirap hanapin dahil si Lolo Droco and chairman at si Daddy ang next in command. I saw a shadow from a far, hindi nga lang ako sigurado kung tama ang nakita ko, may anino kasi sa harap ng pinto ng opisina ni Daddy.

Ganon pa man, nagpatuloy ako sa plano ko. Nagulat na lang ako ng sa pagbukas ko ng pinto ay may babaeng nakatayo sa harap ko.

She's wearing an all black clothes just like me! Nakaitim na hoody jacket, itim na pantalon at itim rin na sapatos. Natatakpan ng isang itim na tela ang kanyang mukha pero sigurado akong babae ang nasa harap ko dahil sapagkakahubog ng kanyang binti.

Code: PSYCHE (Code Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon