CHAPTER 9

95 7 0
                                    

⚠️ this chapter contains the following words: killed and unalived (used in slight contents), naka-shabu (used in unserious content)

⚠️ this chapter contains the following words: killed and unalived (used in slight contents), naka-shabu (used in unserious content)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"POTANGINAAA! NASAAN NA ba 'yung tsinelas ko?! Baka bawiin bigla ni Lewis 'yung food!"

Hindi ko alam kung ilang minuto ko nang hinahalughog 'yung buong unit mahanap lang 'yung letseng tsinelas ko. Never naman itong nakipaglaro sa akin ng tagu-taguan! Ngayon lang talaga!

Napatingin ako sa wall clock ko, at maslalo pa akong napamura nang malamang hindi pala ito gumagana. Kailangan na yata ng bagong battery. Bakit ngayon pa?!

Maagap akong tumigil sa paghahanap para lapitan ang bintana, hinanap si Lewis. At napabagsak ang mga balikat ko nang makitang pumasok na siya sa sasakyan niya.

"Tangina! Aalis na tuloy!" Padabog kong sinipa 'yung paharang-harang na water bottle sa semento bago ko naiiyak na ibinagsak ang aking katawan sa aking higaan. Sayang 'yung food! Nag-effort pa naman si Lewis na puntahan ako dito sa ganitong oras. Mukha tuloy akong ungrateful! Isa pa, gutom na gutom na rin talaga ako!

Pinagsusuntok ko ang aking kama habang sumisigaw sa loob ng aking unan.

Halos mahingal ako sa ginagawa ko nang tumunog 'yung phone ko. Tinatamad ko itong inabot.

Lewis sent a message.

I looked at our convo, may sinend siyang video.

"I don't know how I'm supposed to start this video, but," inayos niya 'yung pagkakalapag ng paper bag kung saan nakalagay ang mga transparent na tupperware. Iginilid niya ito hanggang sa lumawak ang space sa passenger seat.

Nagtaka ako sa ibig niyang sabihin. Akala ko ba umalis na siya?

"This is buttered seafood," inalis niya 'yung unang tupperware sa paper bag saka nilapag sa passenger seat. "This is grilled bangus with grilled tilapia, with sawsawan, of course, ripped mango and watermelon, fried okra, I think?" He struggled when he opened the tupperware he's holding kasi literal na isa-isa niyang nilalabas ang mga lalagyan para lang ipakita sa akin kung ano 'yung mga putaheng dala niya.

Tumayo ako habang hawak-hawak 'yung phone ko at bumalik sa may bintana. Doon ay naabutan ko si Lewis, nakatayo sa labas ng kanyang sasakyan habang bitbit na 'yung paper bag, nakaharap sa kinaroroonan ko na para bang hinihintay niya akong lumabas.

I smiled as I continued watching the video.

"Yeah, fried okra. Ahm... What do we call this Filipino food ba?" He paused for a while to remember the name of the dish he's holding na, "Pinakbet? I think, it's pinakbet. We always have that sa hospital. And lastly, rice, if you want rice."

LwsRmngtn:
I'll just leave this paper bag sa guard

I hope you'll enjoy the food.

I laughed as I sent him a voicemail. "Don't go anywhere yet. Wait for me, I'll meet you there."

Antidote for his Anesthesia (During Youth #1)Where stories live. Discover now