"I'm just kidding--"
"Wala na. Wala nang bawian. Sige na, bigyan mo na silang lahat, kahit buong barangay mo pa ang pakainin mo. Wala akong pakialam." Kunwari ay nagtatampo kong ani kahit wala pa naman talaga akong balak umuwi.
Nang saglit ko siyang sinilip, napaharap ako sa ibang direksiyon para maitago ang aking pag-ngiti nang makita ang itsura niya. He looks so apologetic na natatawa kasi at the same time. Mukhang nag-eenjoy pa ang gago, pero gusto pa rin naman mag-sorry!
He chuckled. "I'm just kidding nga--"
"Hindi, hindi talaga 'yun joke. Ramdam ko naman. Alam ko naman na kaya mo lang ako inimbitahan dito dahil kailangan mo ng taga-hugas ng plato--" hindi pa ako nakakatatlong hakbang palayo sa kanya nang huliin niya ang pulsuhan ko.
"Of course, not. I have my own maids. Here." Saka niya binigay 'yung plato kung saan niya nilagay lahat ng kakainin ko. Pinuno niya talaga ito?! Mabuti naman at alam niyang mauubos ko ito!
"Bakit mo ito binibigay sa akin? Wala na tuloy akong choice. I'm on a diet pa naman," malungkot akong napabalik sa aking inuupuan. Binilisan ko na dahil baka bawiin niya pa.
Ipinikit ko ang mga mata ko at itinapat sa umuusok na pizza. I can feel the warm smoke touching my skin! Ang bango talaga!
I raised my hand to get some, when he suddenly held my wrist.
"Wash your hands first."---
"Hmm, all the food, especially this pizza, tastes so good, Lewi, lalo na 'yung pinya! Hawaiian pizza talaga ang lasa! Grabe! Ang sarap-sarap talagang mabuhay dito sa mundong ibabaw! Is this life?" I can't help but to express Lewis how my taste buds were so happy with the lots of flavors that I can enjoy at this moment! Napapa-palakpak pa ako!
Natikman ko na lahat ng handa niya, maliban lang sa cake na hindi ko na minamataan dahil kuntento na ako sa kung anong meron ako.
Kinuha ko ang huling slice ng pizza. Deretso ko sana itong lalamunin nang mapansing kanina pa pala ako tinititigan ni Lewis, pinapanood niya akong kumain. Hindi ko mabasa ang iniisip niya lalo na't napapaangat ang isang sulok ng kanyang labi. What if jina-judge niya na naman ako dahil ang takaw-takaw kong kumain?!
Nahihiya kong isinara ang labi ko saka umayos ng upo para ibaba ang hawak na pizza. Isang slice na lang kasi ay buong pizza na ang makakain ko at mukhang hindi pa siya nakakatikim non.
"Kunin mo na 'to." Itinulak ko ang plato ng pizza palapit sa kanya pero mabilis niyang hinawakan ang kabilang side ng plato saka itinulak pabalik sa akin.
"I'm good, you can finish all of that." Casual niyang ani.
"Kunin mo na, pre. Kawawa ka naman. Nakakahiya kayang kumain habang may parang pulubing tumitingin-tingin nang ganyan sa aki--"
YOU ARE READING
Antidote for his Anesthesia (During Youth #1)
RomansaLewis is a total standard. He always stands out in everything. He grew up with that perfect image of a man: beyond reach, genius, wealthy, and untouchable. Besides, he thinks that achievements will always give him satisfaction, attention, respect, a...