Chapter 1

988 11 1
                                    

MAGKAHALUKIPKIP ang dalawang braso ni Marjorie. Nakatirik ang mga mata sa kisame at nakatabingi ang nguso.

Larawan ng pagkadisgusto sa isang bagay.

Kaharap niya ang amang si Don Rafael, isang mestiso at matabang lalaki. "Ano ba naman ang iniaayaw mo roon, iha? Ayaw mo ba n'on, matututo ka?"

Isang mariing padyak ang naging katugunan niya, pagkatapos ay parang batang sumalampak nang upo sa sofa. "Ang hindi ko naman kasi maintindihan, Daddy, bakit mo ba ako itinataboy sa iba?"

"Maiintindihan mo rin 'yon pagdating ng araw, iha. Pero sa ngayon, pag-­‐‑isipan mong mabuti ang sinasabi ko."

Umismid lamang si Marjorie, hindi pa rin sang-­‐‑ayon sa sinasabi ng ama. "Masyado mo naman kasi akong tinatratong bata, eh. I know what's good for me!"

Tumaas ang isang kilay ng matandang lalaki. Pagkuwa'y nilapitan nito ang anak at ini-­‐‑squeeze ang kanyang balikat. "Lahat ng ginagawa ko ay para sa kabutihan mo. Iyon ang gusto kong mangyari, kaya iyon ang mangyayari, okay?"

Hindi na hinintay ni Don Rafael na makasagot siya. Alam na naman nito ang isasagot niya: Ayaw! Kaya pumasok na ito sa silid para matapos na ang argumento.

Naiwang nakasambakol ang mukha ni Marjorie. Pilit niyang isinasaksak sa isip ang ideyang pumasok sa kukote ng ama.

More or less, ganito iyon.

Beinte-­‐‑dos anyos na raw siya. Nakatapos na ng kolehiyo sa kursong Business Administration, at sa isang exclusive school pa naman. Sayang naman daw kung hindi niya iyon magagamit. Kaya hinihimok siya nitong magtrabaho.

Okay, nandoon na siya sa point na talagang tinatamad pa siyang magtrabaho. . sa ngayon. Dahil nakaka-­‐‑pressure din naman ang pag-­‐‑aaral. Binibigyan lamang niya ng break ang kanyang sarili.

Pero kung ang gusto ng daddy niya ay magtrabaho siya—fine! Eh, di magtrabaho!

Isa lang ang hindi niya lubos maisip—bakit sa ibang kompanya siya pilit pinagtatrabaho ng kanyang ama? Samantalang may sarili naman silang negosyo, isang garment factory sa Fairview. Takot ba ang amang ipagkatiwala iyon sa kanya?

Tumindig siya, nagpaikot-­‐‑ikot sa sala. Nang mapagod ay tinungo niya ang kusina at kumuha ng soft drinks-­‐‑in-­‐‑can sa ref. Pagkabukas ay kaagad niyang nilagok iyon.

Bumalik siya sa dating puwesto na nag-­‐‑iisip pa rin.

At sino naman itong "Onofre Carvajal" na tinutukoy ng daddy niya? Bakit dito pa siya ipinagkatiwala ng ama?

At take note ang pangalan, ha? Onofre Carvajal. Parang pangalan ng mga kontrabida sa pelikula. Nakakasindak! Ano kaya'ng hitsura niyon? Bakit bilib na bilib dito ang kanyang ama?

Okay, nandoon na siya sa point na mayaman daw ito, maraming negosyo hindi lang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa. Pero hindi pa rin siya sang-­‐‑ayon sa kagustuhan ng kanyang daddy na pa-­‐‑under siya sa Onofre na iyon!

E, kaya nga siya hindi nagsunog ng kilay sa pag-­‐‑aaral, dahil alam naman niyang hindi na siya mahihirapang maghanap ng trabaho. Tapos ay heto't itataboy naman siya sa iba?

Hay naku, kung minsan. . ang hirap magpalaki ng magulang! naihimutok ni Marjorie. Buti sana kung guwapo itong Onofre na 'to? Pero sa pangalan pa lang, tipong hindi na pahuhuli nang buhay!

Mabuti na nga lang at marunong pumili ng pangalan ang mommy niya. Marjorie Enriquez. O, 'di ba't tunog-­‐‑celebrity? Bakit nga hindi ay mukha naman talaga siyang celebrity? Modesty aside, ang sabi ng kanyang mga classmates, local version daw siya ni Cameron Diaz. See? Ganoon kabongga ang beauty niya!

Pwede Ka Bang Mahalin - Liberty CaneteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon