Chapter 8
MAAGANG nagising si Riley. Nakipagtitigan lang siya puting kisame ng kuwartong kinalalagyan niya. Tinatanong ang sarili nang paulit-ulit.
Bakit ko nga ba hinayaan na angkinin ako ng lalaking iyon?
Mariin siyang napapikit. Ngayon na hindi na siya lutang ay nagagawa na niyang mag-isip na may logic. Ang nangyari kagabi ay isang... Ano ba ang tamang salita? Nadala sila pareho ng init ng katawan. Teka, parang hindi magandang pakinggan. Pero nagpaubaya siya dahil sa tukso. Na-curious siya kung ano ba ang pakiramdam kapag inangkin siya ng isang lalaki. At hayon na nga, aaminin niyang nasiyahan siya kagabi, sino ba ang hindi? First time niya iyon at iningatan siya nito hanggang sa nawala na 'yong sakit at napalitan ng kiliti. Magaling si Aiden, ginawa nito ang lahat para maging memorable ang unang karanasan niya.
Kaya ngayon na nasa banyo si Aiden at naliligo ay hindi siya dapat magalit dito kapag lumabas na. Ginusto niya ang nangyari at hindi naman siya nito pinilit, 'di ba? Saka hindi siya dapat matakot. Gumamit ng proteksyon ang binata bago siya inangkin, patunay doon ang used condom na nakita niya sa lapag kanina.
Tama kaya dapat relax lang ako.
Huminga siya nang malalim saka bumangon at ibinalot ang comforter sa kanyang katawan. Walang balat niya ang makikita maliban sa ulo. Ilang sandali pa ay narinig niyang bumukas ang pinto ng banyo. Iniluwa niyon ang binata na bagong ligo, nakatapis ng puting tuwalya ang ibabang bahagi ng katawan at tumutulo pa ang ilang patak ng tubig sa malapad nitong dibdib."Gising ka na pala," nakangiting sabi nito saka naupo sa gilid ng kama. "Tungkol pala sa nangyari sa 'tin—"
"Alam ko, wala lang 'yon. Huwag kang mag-alala, hindi ako galit kasi ginusto ko rin 'yon." Mabilis niyang putol sa ibang sasabihin nito.
"Lei, ako ang nakauna sa 'yo."
"Wow, tinawag mo ako sa palayaw ko, ha? Alam mo ba na mga malalapit lang sa akin ang hinahayaan ko na tawagin ako sa palayaw ko?"
Napangiti ang binata. "Ganoon ba? Well, inoobliga ko na ang sarili ko na mapalapit sa 'yo," sabi nito saka hinawakan ang pisngi niya.
Kimi naman na ngumiti si Riley. "Alam kong nagi-guilty ka, virgin ako nang makuha mo pero huwag mong masyadong isipin iyon. Hinayaan ko na madala ako ng curiosity at init. At ang tungkol naman sa plano na magiging pretend girlfriend mo ako, tuloy pa rin 'yon."
"Lei, hindi ako matatahimik kung alam kong—"
"Please, sinabi ko nang wala lang sa 'kin iyon at hindi ako galit kaya tapos ang usapan. Saka naging safe naman ang nangyari sa 'tin, hindi ako mabubuntis kung iyon ang iniisip mo. Wala ka dapat ipag-alala, okay?"
Napabuntong-hininga si Aiden, hindi na nagsalita pa. Tumayo si Riley at pumasok sa loob ng banyo. Sakto nang sinara niya ang pinto ay may malaking salamin na sumalubong sa kanya. Nakita niya ang sarili roon. Magulo ang buhok at para siyang baliw sa ayos niya. Kalat ang lipstick at ang eyeliner niya, Diyos ko! Mukha pala siyang panda! Ano 'tong hitsura niya? Si Joker na mukhang panda? Saka itong comforter na nakabalot sa katawan niya, kulang na lang ay tawagin niya ang sarili na taong-suman.
Pero hindi lang iyon ang napansin niya. Nakita niya ang sariling mga mata. May lungkot siyang nakikita roon at hindi niya alam kung bakit.
Lumapit siya sa salamin at tinanggal ang comforter na nakabalot sa katawan. Hindi na siya nagulat kung madami siyang kiss mark sa kanyang dibdib. Talagang pinanggigilan siya ng lalaki roon. Napangiti siya at sinimulan na ang pagligo. Nang matapos ay nagtapis siya ng tuwalya sa katawan at lumabas na. Naabutan niya si Aiden na nakabihis at may inilalabas itong mga damit mula sa closet."Gamitin mo muna itong mga damit ko," nakangiting sabi nito. "Hindi mo na magagamit ang damit mo kagabi dahil nasira ko 'yon nang..."
Bigla siyang nag-iwas ng tingin. Alam niya ang ibig sabihin nito. Nasira kasi ng binata ang damit niya dahil nagmamadali itong mahubad ang damit sa kanya.
YOU ARE READING
Sweet Experiment (Approved under PHR)
Storie d'amore(Soon to be published) Aiden and Riley