Chapter 7

539 14 0
                                    

Chapter 7

MATAPOS ang mahabang pag-iikot sa mga restaurant dito sa Pasay ay nagpasya sina Riley at Aiden na sa Manila Bay, malapit sa MOA sila tumambay. Hawak ang plastic cups na naglalaman ng binili nilang fishball, tokneneng at kikiam ay naupo muna sila rito sa seawall para pagmasdan ang paglubog ng araw.
"Pasensya ka na, ha? Ito lang tuloy ang dinner natin. Alam ko hindi ito nakakabusog kaya hayon, sorry, Aiden." Mababa ang boses na sabi ni Riley habang tinutusok gamit ang stick ang kikiam na nasa plastic cups.
Napangiti ang binata sa sinabi niya saka kinain ang tokneneng na nasa stick nito. "Okay lang, ano ka ba? Saka mas maganda nga ang view mula dito. Very romantic ang dating sa akin."
Biglang natawa si Riley. "Maka-romantic ka naman dyan," sabi niya saka hinaplos ang braso niya. Nilalamig na kasi siya dala ng hangin na nagmumula sa malawak na karagatan ng Manila Bay.
Nakahalata naman ang binata kaya hinubad nito ang suot na dark blue coat at ipinasuot iyon sa kanya.
"Paano ka? Baka ikaw naman ang lamigin."
"I'm okay," sabi nito saka inubos na ang laman ng plastic cups.
Napatingin siya sa braso nito na pumuputok dahil sa muscle doon. Pati ang mga ugat na nasa pulso nito. Hindi niya mapigilan ang matakam. Sa totoo lang kasi ay malakas ang dating sa kanya ng mga lalaking ganoon dahil pakiramdam niya ay ang lakas-lakas nito. 'Yong tipong puwede kang maglambitin sa braso nito o di kaya ay kurutin ito doon. Napangiti siya. Bigla siyang nagkaroon ng urge na kagatin ang braso nito.
Diyos ko, Riley! Ano ka? Bampira? Bakit mo kakagatin 'yan?
"Why?" Nagtataka ang mga mata na tumingin ito sa kanya.
"W-wala," inubos na rin niya ang laman ng plastic cup. "Alam mo, hindi ko alam na kumakain ka pala ng mga street foods."
Napangiti ang binata. "Actually, hindi naman talaga ako kumakain nito. Napasubo lang ako kasi alam ko na gusto mo rito."
"Hala! Paano 'yan? Baka magsuka ka na lang bigla? Baka sumakit ang tyan mo kasi hindi ka pala sanay?"
"Nag-aalala ka ba sa 'kin?"
"Bakit naman ako mag-aalala sa 'yo?" Binalingan niya ito para sana taasan ng kilay pero siya ang nagulat dahil nakatitig pala ito sa kanya. May nakita siyang kislap ng kapilyuhan sa mga mata nito. "A-anong tinitingin-tingin mo dyan?"
"Wala lang," ngingiting-ngiti na sabi nito.
"Ewan ko sa 'yo. Ang weird mo," tumalikod na siya para sana bumaba sa seawall pero pinigilan siya ni Aiden. "Bakit?"
"Ang ganda kasi ng sunset dito. Romantic ang dating kung ito ang background natin. Picture tayo rito." Aayaw sana siya pero inunahan na siya nito. "Hindi ba at magiging pretend girlfriend kita kaya kailangan na medyo may romance sa pagitan natin."
Natawa si Riley pero sa loob-loob niya ay medyo kumirot ang puso niya. Magiging pretend girlfriend lang niya ako kaya siya ganito kalambing sa akin.
"Riley?"
"Oo, sige na nga."
Tumalikod na ito sa dagat para ma-capture ng lens ng camera ang sunset. "Bakit malungkot ka? Ngiti ka naman."
Pilit siyang ngumiti pero muli ay pinisil na naman nito ang pisngi niya. "Nakakarami ka na sa akin, ha?"
"Ang cute mo kasi."
"C-cute ako?"
"Yes, actually naalala ko noon si Charlotte noong baby pa siya. Ganyan din ka-cute ang pisngi niya noon."
Sus! Kaya naman pala panay ang pisil nito sa pisngi ko. Mukha akong baby sa paningin niya. Kung sabagay, ten years pala ang tanda niya sa 'kin.
"Lapit ka sa akin," inakbayan siya nito at ilang sandali pa ay nag-picture-an na sila doon sa may seawall.
_____
"NGAYON na mismo?" gulat na sabi ni Riley nang isang araw ay dumating si Aiden at isinasama siya sa opening ng restaurant ngayong linggo.
"Yes, ngayon na mismo."
"Pero paano ang kapatid ko? Paano kapag nagising na siya? Kailangan na ako agad ang makita niya."
Sa ngayon ay nasa loob siya ng private room kung saan naroon si Maru. Anim na araw na itong tulog. Sabi ng doktor nito ay maayos na ang mga vital signs ni Maru. Pero nasa malalim daw na pagtulog ito. Nakikita man daw niya na tulog ito ay gising naman ang subconcious mind nito. Meaning, aware ito na kapag nagising ay magagalit siya at pagsasabihan ito tungkol sa ginawa nito. Ang subconcious mind nito ang nagsasabi na huwag muna itong magising dahil nararamdaman ng pasyente ang galit niya. In short, natatakot ito sa kanya.
Napabuntong-hininga siya saka hinaplos ang buhok nito. "Alam mo, Aiden, nasa maayos nang kalagayan ang kapatid ko pero ayaw pa rin niyang gumising kasi alam niyang papagalitan ko siya tungkol sa ginawa niya."
"Why not talk to him? Iparamdam mo na hindi ka magagalit dahil sa ginawa niya. Na magiging masaya ka kapag nakita mong gising na siya."
"Pero kailangan ko pa rin siyang pagsabihan. Mali na sinangkot niya ang sarili sa droga."
"Bahala ka, baka hindi na magising 'yang kapatid mo."
Binalingan niya ito nang masamang tingin. "Huwag mo nga akong takutin ng ganyan, hindi magandang biro 'yan." Hindi niya napigilan na mangilid ang luha.
Para namang nakonsensya si Aiden. Nilapitan siya nito at kinuha ang kamay niya. "I'm sorry kung natakot kita pero gusto ko lang sabihin na ipagpaliban mo muna 'yang magagalit ka sa kanya kapag nagising. Hindi iyon ang kailangan ng kapatid mo, pang-unawa at pakikinig ng dahilan kung bakit niya nagawa iyon ang kailangan niya mula sa 'yo."
Napatitig si Riley sa binata. May punto ito.
"Isa pa, ang sabi mo sa akin ay hindi magagawa ng kapatid mo na gumawa ng masama lalo na ang masangkot sa droga. Sa tingin ko ay may dahilan siya, isang malalim na dahilan para gawin niya iyon kahit alam naman niya na mali."
Napabuntong-hininga siya saka binalingan ang kapatid. Hinaplos niya ang pisngi nito. "Gumising ka na, Maru. Kapag nakikita kita sa ganyang ayos ay nalulungkot ako. Nami-miss na kita. Please, gumising ka na. Huwag ka na matakot sa akin, okay? Promise, papakinggan ko ang dahilan mo. Basta gumising ka lang."
"Riley..."
"Bakit?"
"Sama ka sa 'kin, ha?"
"Aiden—"
"Ma'am, sumama na po kayo kay Sir," bigla ay nagsalita ang private nurse na kasama nila sa loob ng kuwarto. "Sa tingin ko po ay hindi aalis si Sir hangga't hindi kayo kasama. Kapag po nagising ang kapatid niyo ay ite-text ko po kayo agad."
"See? Kaya sumama ka na sa 'kin, okay?"
Napabuntong-hininga si Riley. Sa huli ay pumayag na rin siya.
_____
MEDYO nakakaramdam nang pagkailang si Riley habang nakaupo sa table for two na lamesa. Kanina pa kasi siya tinitingnan ng mga bisita ni Aiden sa restaurant na ito pagkatapos ay bubulong na ewan ba niya.
Nagtataka tuloy siya kung maayos ba ang damit na pinasuot sa kanya ni Aiden? Kung bagay ba sa katawan niya? 'Yong make-up na inapply kanina ng make-up artist, maayos pa ba? Baka nalusaw na? Baka nagkalat na ang liquid eye liner sa mata niya. Baka oily na ang mukha niya. Hindi niya mapigilan ang sarili na maging concious.
Kanina kasi nang makaalis sila sa ospital ay ipinilit ng binata na paayusan siya sa isang salon. Iniwan siya nito roon para maayusan at nang bumalik ay may dala na itong paper bag na naglalaman ng damit at sapatos na suot niya ngayon.
Black dress iyon na V-cut sa likod. Sa suot niya ay mas lalong umangat ang kanyang kaputian. May oval cut sa may bandang dibdib kaya kitang-kita ang magandang cleavage niya. Hindi sa nagyayabang si Riley pero may maipagmamalaki siya kung katawan lang din ang pag-uusapan. Nasa tamang sukat at laki ang dibdib niya. Sabi pa nga ng kaibigan niyang bakla doon sa hotel ay maganda raw ang hugis ng likuran niya at nakakainggit daw dahil wala itong matambok ng puwit. Ang sapin niya sa paa ay isang open toe three inches high heel na kulay itim din.
Napatingin siya kay Aiden na abala sa pakikipag-usap sa isang reporter.
Hmp! Hindi na 'ata ako naalala ng kumag na ito!
Hindi niya maiwasan ang mapasimangot habang nakatitig dito. Nakaramdam naman ang lalaki kaya napatingin ito sa kanya at isang pilyong ngiti at kindat ang binigay nito sa kanya. Napakurap siya saka napaiwas ng tingin dito. Bakit ba niya kailangan maramdaman iyon? 'Yon bang pagkailang at pagbilis ng tibok ng puso. Sa sobrang pagka-tense niya ay inisang lagok niya ang red wine na nasa baso. Napapikit siya. May naramdaman siyang kaunting hilo. Hindi pa siya na-satisfy sa ininom kaya nang may dumaan na waiter ay kumuha siya ng dalawang baso at sinimsim iyon habang naghihintay sa kinauupuan.
Sandali niyang inayos ang sarili. Wala man lang siyang kausap dito. Kanina ay kasama niya si Charlotte pero kailangan na nitong umuwi nang maaga dahil may pasok ito bukas sa school.
"Are you okay, Miss?"
Napatingala siya sa lalaking nasa harapan. Guwapo ito sa suot na itim na tuxedo. Matangkad at may maamong mga mata.
"Okay lang ako," pilit siyang ngumiti.
"Sa tingin ko nag-iisa ka lang, puwede ba akong umupo rito?"
Sasagot sana siya pero biglang sumulpot sa likod ng lalaki si Aiden. Hinawakan nito ang upuan saka hinila at umupo roon. "Ako ang hinihintay niya," nakangising sabi nito. "I'm sorry kung natagalan ako." Binalingan siya nito saka hinawakan ang kamay niya. Ang lalaki naman na nakatayo sa harapan nila ay walang paalam na umalis. "Mukhang type ka ng isang 'yon."
"Hindi naman siguro. Napag-trip-an kamo kasi nakita na nag-iisa ako." Nang-uuyam na sabi niya para makaramdam ito na naiinis siyang iniwan nito mag-isa sa lamesa. Inalis din niya ang kamay na hawak nito.
Pero ngumiti lang ito. "Alam mo, ang baba ang self-confidence mo. Maniwala ka sa akin, nilapitan ka ng lalaki kanina kasi natipuhan ka niya. Nagandahan siya sa 'yo."
"Ewan," hindi niya napigilan na isnaban ito pero ginawa niya lang iyon para mapaiwas siya sa mga mata nitong matiim na nakatitig sa kanya. Saka ano ba 'yong mata niya? Parang nangislap habang nakatitig sa kanya, 'yon bang parang may iniisip na kung ano sa kanya.
"Anyway, ang ganda ng music. Gusto mong sumayaw?"
Napakurap si Riley. Hindi niya namalayan ang magandang music sa paligid. Romantic jazz iyon kaya may ilang mga couple na rin ang tumayo at nagsayaw. Napatingin siya kay Aiden, nasa harapan niya ito habang nakalahad ang palad. Ang ngiti nito ay nakikiusap na tanggapin niya ang alok na makipagsayaw dito. Ang mata nito ay matiim na nakatitig sa kanya. Parang sinasabi na hindi siya nito titigilan hangga't hindi pumapayag.
Napangiti siya. Umangat ang kamay niya para tanggapin ang kamay nito. Ilang sandali pa ay nasa dance floor na sila. Nakalapat ang mga kamay niya sa malapad nitong dibdib habang ang kamay nito ay nasa baywang niya. Nararamdaman niya ang hinlalaki nito na pasimpleng hinahaplos siya doon. Pero hindi niya iyon masyadong napapansin dahil mas tuon ang atensyon niya sa mga paa, hindi kasi siya marunong sumayaw at natatakot siya na maapakan ito.
"Huwag ka na lang gumalaw, hayaan mong isayaw kita. Yakap ka sa akin nang mahigpit."
Napatingin siya dito. "Ayoko nga, mukha naman akong ewan 'pag gano'n."
"Hindi 'yan. Sige na."
Sa huli ay walang nagawa si Riley kundi ang sundin ito. Iniyakap niya ang mga kamay sa leeg nito. Sa ayos nilang iyon ay parang magkayakap na rin sila dahil nakalapat ang dibdib niya sa dibdib nito.
Napalunok siya. Bakit ba mabilis siyang napapasunod ng lalaking ito? Bakit hindi siya makatanggi at bakit parang may sariling isip ang katawan niya na tanggapin ang mga inaalok nito? Tulad ngayon, alam niya na nakatutok ang mga mata nito sa dibdib niyang nakalapat dito pero wala naman siyang ginagawa para tigilan nito iyon. Sa loob-loob niya kasi ay proud siya na humahanga ito sa kanya.
Diyos ko, Riley! Kailan ka pa naging malandi? Ano? Nagugustuhan mo na tinititigan niya ang dibdib mo?
Pero sa totoo lang ay hindi niya nararamdaman na nababastos siya sa ginagawa nito. May tiwala siya sa lalaki dahil alam niya na hindi ito gagawa ng bagay na ikakasakit niya o ikakawala ng tiwala niya rito.
At kailan ka pa nagkaroon ng tiwala sa kanya? Tandaan mo, halos dalawang linggo pa lang kayo nagkakasama ng lalaking 'yan! Umepal na naman ang matinong bahagi ng isip niya.
It was one month to be exact. Una kayong nakita doon sa factory. Tapos muli kayong nagkita noong under constraction pa itong restaurant niya. Binigyan mo pa nga siya ng pagkain noong nag-taong-grasa siya. Matagal na kayong magkakilala!
"P-puwede ba, huwag mong tingnan ang dibdib ko?" mayamaya ay sabi niya. Mas pinairal ang matinong bahagi ng isip.
"Bakit? Nababastos ba kita? Tell me, natatakot ba kita?"
"H-hindi kaya lang—"
"Kung naiilang ka, sa mukha mo na lang ako titig." Nakangiting sabi nito at pinagmasdan nga ang mukha niya.
Mas lalo siyang nailang! Parang gusto na niyang bumitiw pero ayaw naman sumunod ng katawan niya. Para bang may malakas na magnet na nakadikit siya sa katawan nito.
"Alam mo kanina nang makita kitang naayusan ay humanga ako. Sabi ko sa sarili ko, tama ako na may ilalabas ka pang ganda. I mean, maganda ka kahit na walang make-up, may natural kang ganda pero mas lumutang pa iyon nang naayusan ka. Mas maganda ka pa sa mga babaeng nandito. You're a natural beauty. You're a Goddess."
"Alam mo, nagiging mabulaklak na ang bibig mo. Lasing ka na kasi." Hindi niya papaniwalaan ang sinasabi nito dahil amoy alak na ang hininga nito pero kahit na gano'n ay mas nakadagdag pa iyon ng tensyon na nararamdaman niya ngayon.
Napangiti ito. "Hindi ako lasing, alam ko ang mga sinasabi ko. Nakainom nang kaunti, oo, pero ang mga sinasabi ko sa 'yo ngayon ay totoo. Saka ikaw din naman, ha? Amoy alak ka rin pero okay lang 'yan, mas naaakit nga ako sa 'yo."
Muli ay napatitig siya dito. Hindi niya alam kung napagtitripan ba siya o seryoso talaga ito. Naaakit niya ito? Pero nadadala siya sa mga sinasabi nito. At alam niya na anumang oras ay mahuhulog siya kaya bago pa siya lumagapak ay bibitiw na siya para maiwasan ito pero bago pa siya makababa ay muli siya nitong inabot at hinalikan pa siya!
Napatitig siya kay Aiden. Nakapikit ito at ninanamnam ang magkalapat nilang mga labi. Teka, ano ba ang dapat niyang gawin ngayon na hinahalikan siya nito? Itutulak ba ito tapos ay bibigyan ng mag-asawang sampal o gaganti ng halik dito? Pero nang humigpit ang yakap nito at nang hawakan nito ang batok niya para palalimin ang halik ay kusa na lang siyang napapikit. Tumugon kahit hindi niya alam kung paano.
Hindi niya alam kung gaano katagal na magkalapat ang mga labi nila pero nang humiwalay ito sa kanya ay para pa rin siyang nakalutang na hindi niya maintindihan. Naisip niya, ganito ba ang pakiramdam kapag may naka-first kiss sa 'yo? Parang namamaga ang labi niya, 'yon bang parang kumapal na ewan ba niya tapos nararamdaman pa niya 'yong pumipintig. Parang kumain siya ng siling labuyo, gano'n ang pakiramdam niya.
Nakakalito, halos hindi niya napansin ang palakpakan at hiyawan ng mga tao sa kanyang paligid. Napayuko siya, bigla siyang nahiya dahil sa nangyari. Ano kaya ang hitsura niya? Namumula ang pisngi o baka naman nagkalat ang lipstick sa labi niya dahil sa halik nito? Hindi niya mapigilan ang maging concious.
"Let's get out of here, okay?" bulong sa kanya ni Aiden. Hinubad nito ang suot na itim na coat at ipinatong iyon sa ulo niya para hindi makita ng iba ang pamumula ng pisngi niya.
Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa parking lot at sumakay sa pulang kotse nito. Wala silang imikan sa loob. Lutang na lutang ang diwa niya. Gawa marahil ng alak na nainom niya. Hindi kasi siya sanay uminom ng mga alcholic beverages.
Ang alam lang niya ng mga sandaling iyon ay si Aiden na ang bahala sa kanya. Kung saan man siya nito dalhin, magpapatangay siya. Ipinasok ng binata ang kotse sa loob ng isang condominium building. Lumabas sila at nagmamadali na umakyat. Pumasok sila sa isang unit at muli ay hinalikan siya.
Para itong sabik na sabik sa kanya habang siya ay hinayaan naman ito. Napapaungol pa nga siya sa bawat kiliti na hatid ng kamay nitong nasa pagitan ng mga hita niya habang ang isa ay nasa dibdib niya. Ang labi nito ay nasa leeg na niya at malayang hinahalikan siya roon.
Hindi na alam ng dalaga kung paano natanggal ang mga saplot niya sa katawan pero nang lumapat na ang likod niya sa malambot na kama, alam na niya na isusuko niya ang sarili sa lalaking ito. Napatitig siya kay Aiden na nakatitig lang sa kanya. Parang gusto niya tuloy hablutin ang kumot at itakip iyon sa katawan pero mas malakas ang pilyang isip niya. Hinayaan niya lang na magsawa ito kakatitig sa kanya.
Samantala ay napangiti naman ito, hinubad na ang natitirang saplot sa ibabang bahagi ng katawan. Nanlalaki ang mga matang napatitig siya sa pagkalalaki nito.
"Why?" Nakangiting sabi nito saka pumaibabaw sa kanya. Hinalikan nito ang leeg niya pababa sa kanyang dibdib. Nang bumaba ang kamay nito sa pagitan ng mga hita niya ay napaungol siya dahil sa kiliti na hatid ng daliri nito.
Ilang sandali pa ay naramdaman niya ang pagpasok ng pagkalalaki nito sa kanya. Nang maramdaman niya ang pagkapunit ng laman ay biglang nangilid ang luha niya. Naidiin niya ang kuko sa balikat nito.
"Hey—" kusa itong natigilan, gulat na napatitig sa kanyang mga mata.
"Go on, nandito na tayo. Just please be careful, okay?"
Natauhan ito at bago gumalaw ay hinalikan muna nito ang mata niya na may luha. Ilang sandali pa ay inangkin na siya nito at nang magtagal ay wala na siyang naramdaman na sakit. Sinabayan niya ang bawat galaw nito at inilabas na niya ang ungol at daing dahil sa bagong karanasan na nararamdaman.

Sweet Experiment (Approved under PHR)Where stories live. Discover now