05

1K 110 380
                                    

。゚゚・。・゚゚。
゚。       05
・。・゚
#forlovers1wp

✱ ✱ ✱

[ DIALOGUE ]

< CITY WET MARKET — 10:51 AM >


Kunwari interesado ako sa pagtitingin sa mga hotdog. Kahit na sinigang ang ulam namin mamaya. Wala naman kasing sinigang na hotdog.


GINGGING
So, uhm . . . inutusan ka ba ni Tatay?


Pansin ko ang paglingon sa akin ni Ris pero hindi ko siya binalingan. Kahit gustong-gusto ko. Shocks naman. Pa-nonchalant pa kasi, Gingermary!


RIS
Hindi naman.




RIS
Papunta rin kasi ako rito, kaya . . .


Bumaling ulit siya sa 'kin.


Huwag kang lilingon, Ging. Nagmu-move on ka.


RIS
Ako na lang.

GINGGING
Ahhh.


Ikaw lang naman talaga ih.


Gingging, ano ba!!!


GINGGING
Thank you.

RIS
Welco—


Nagbunggo ang mga braso namin dahil sa biglaang dagsa ng tao. Muntik ko nang mabitawan 'yung hawak kong eco bag pero buti na lang nahawakan ni Ris ang kamay ko.


'Yung kamay ko. Nahawakan niya.


Ni Ris. Kamay ko, 'tapos kamay ni Ris.



Ang babagal naman maglakad!


Hala.


Teka laaang! Moment ko 'yun e!


Professional CuddlersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon