。゚゚・。・゚゚。
゚。 38
・。・゚
#forlovers1wp✱ ✱ ✱
[ DIALOGUE ]
< ESCAÑA RESIDENCE,
Kyle's Bedroom — 5:21 PM >
RIS
Kai.
Kumatok ako sa pintuan ng kuwarto ni Kyle kahit nakabukas na 'yon, may dalang dalawang hanger.
RIS
Ano'ng mas okay?
Hindi ko sigurado kung narinig niya ba ako sa hina ng boses ko. Ngayon lang kasi ako nagtanong sa kaniya ng ganito.
Ngayon lang talaga.
Pupunta lang naman kami ng perya, pero . . . .
KYLE
Buy.
KYLE
Seryoso ka ba?
Kinabahan ako sa tanong niya. Pangit ba pareho?
KYLE
Pinapapili mo ako kung ano'ng mas magandang suotin diyan?
Naibaba ko nang dahan-dahan ang dala kong mga damit. Napakurap-kurap ako sa kaniya.
'Tapos bigla siyang natawa.
KYLE
Taena, buy. Parehas namang plain t-shirt 'yan.Pinapapili mo ako kung ano'ng mas maganda sa white at black?
Sabi na't maling lumapit pa talaga ako sa kaniya.
RIS
'Wag na nga.
Nagmartsa ako paalis, pabalik sa kuwarto ko. Narinig ko si Kyle na sumigaw.
KYLE
'Wag ka na mag-black! Ang init-init!
✱ ✱ ✱
Nakailang suklay na ako sa buhok gamit ang kamay, hindi mapakali sa ayos ng buhok.
BINABASA MO ANG
Professional Cuddlers
Roman d'amourIlang beses nang sinubukan ni Gingging na kalimutan ang nararamdaman niya sa kapitbahay niyang si Ris. But when fate does its thing, you may never do anything about it. Alam ni Gingging na walang patutunguhan ang nararamdaman niya kay Ris, kaya nama...