。゚゚・。・゚゚。
゚。 18
・。・゚
#forlovers1wp✱ ✱ ✱
[ DIALOGUE ]
< PERYAHAN, Booths — 8:09 PM >
Habang naglalakad kami para magpababa ng kinain, lumalakbay pa rin ang isip ko sa nangyari kanina sa Food Park.
Hindi tuloy ako makaambag sa usapan ngayon.
ELISHA
Ano'ng oras na ba? Open na ba 'yung ferris wheel?JESSY
Ferris wheel agad? Ang sakit pa nga ng tiyan ko sa kinain natin kanina. Gusto mong masuka ako?ELISHA
Ang bagra naman nito. 'Wag kang tatabi sa 'kin mamaya, ah?
KYLE
Ay, Ging!
Lumapit sa akin si Kyle. Ang laki ng ngiti sa mukha niya.
GINGGING (laughs)
Ano na naman 'yon, buy?KYLE
Naalala ko. May kaklase nga pala ako.Nagtatanong ng pangalan mo.
I swear, huling-huli ko kung paano nagsilingunan ang lahat—pati nga rin si Ris—kay Kyle.
ELISHA
Oh, ano? Sinabi mo ba?KYLE
Siyempre hindi!
Nakarinig ako ng buntonghininga sa bandang likod ko.
KYLE
Pero sinabi ko course mo.JESSY
Oh? Bakit? Crush niya si Gingging?KYLE
Parang gano'n.ELISHA
Bakit 'parang'? Aba, dapat 'yung sigurado.'Di ba, Ging? Ayaw natin nu'ng hindi siguro.
Nag-iinit ang pisngi ko sa mga sinasabi nila.
KYLE
Gusto raw makipagkaibigan sa 'yo e.RIS (whispers)
Makipagkaibigan.JESSY
Depende kapag pogi 'yan. 'No?
BINABASA MO ANG
Professional Cuddlers
RomanceIlang beses nang sinubukan ni Gingging na kalimutan ang nararamdaman niya sa kapitbahay niyang si Ris. But when fate does its thing, you may never do anything about it. Alam ni Gingging na walang patutunguhan ang nararamdaman niya kay Ris, kaya nama...