28

1.5K 129 1K
                                    

。゚゚・。・゚゚。
゚。      28
・。・゚
#forlovers1wp

✱ ✱ ✱

[ DIALOGUE ]

< FOOD CENTRAL,
Benches — 7:27 PM >


Nakailang tingin na ako kay Ris na mata lang ang pinagagalaw ko. Kanina pa kami tahimik dito sa bench.


Saktong pag-alis ni Kate, nag-chat si Ris kung nasaan ako. Wala pang ilang seconds 'yung reply ko nu'ng nag-reply siyang hintayin ko raw siya rito.


Ngayon, magtatatlong minuto na kaming magkatabi rito sa bench . . . nang 'di nag-iimikan.


Mababaliw na ako kung wala pang magsasalita sa amin at this point.


GINGGING
Hindi pa ba tayo uuwi . . . ?


Sinilip ko siya. Nanatili siyang nakahalukipkip.


RIS
Hindi pa.


Napalabi ako. Alam ko namang may kasalanan ako sa kaniya pero . . . puwede bang 'wag na siyang magalit? Pinagsisisihan ko na nga e.


GINGGING
Ris, tingnan mo.


Pinakita ko sa kaniya 'yung paper bag na galing kay Kate.


GINGGING
Binigyan ako ni Kate. Bait niya, 'no?




RIS
Mag-best friend na kayo?


Natahimik ako sa sinabi niya.


Ris naman e!


RIS
Mukhang alam mo nang may kasalanan ka sa 'kin.


Nilapag ko ang paper bag sa tabi ko. Binalik ko kandungan ang mga kamay ko.


GINGGING
I'm sorry . . .



Professional CuddlersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon