32

833 100 520
                                    

n.: first pc update in september (and hopefully not the last eme) 🥮

ayos lang sana ang lahat. hoping for everyone's safety! :)


* * *


。゚゚・。・゚゚。
゚。      32
  ・。・゚
#forlovers1wp

✱ ✱ ✱

[ DIALOGUE ]

< ELEMENTARY SCHOOL,
Bldg. II | Classroom A — 11:45 AM >


Naging magkaklase nga kami ni Jinji pagkalipat ko sa school niya.


Magkatabi pa kami sa upuan dahil magkalapit ang initials ng apelyido namin.


At dahil din do'n, parehas kami ng araw kung kailan kami cleaners.


JINJI
Ako magbubura sa board!


Nag-angat ako ng tingin kay Jinji na nagbubura ng writings sa board.


Hindi ko namalayang hindi na pala maayos 'yung ginagawa ko.


LOUISE
Ris, hindi naman pantay 'yung upuan e.

RIS
Ah, sorry.


Inayos ko na ulit 'yung pagpapantay sa mga armchair.


Pero hindi rin nagtagal, pinanood ko ulit si Jinji. Napansin kong hindi niya maabot 'yung sulat ni Teacher sa attendance namin. Nasa pinakataas kasi.


RIS
Try mong tumalon.


Hindi ko na napigilang lumapit sa kaniya.


Tumingkayad siya para abutin 'yon, pero hindi niya pa rin nagawa.


JINJI
'Di ko pa rin abot . . . .


Nagambala ang bangs niya sa pagbuga niya ng hangin.


Nilingon niya ako. Nagbaba ako ng tingin sa pamburang inilahad niya sa 'kin.

Professional CuddlersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon