33

886 107 419
                                    

。゚゚・。・゚゚。
゚。      33
  ・。・゚
#forlovers1wp

✱ ✱ ✱

[ DIALOGUE ]

< NATIONAL HIGH SCHOOL,
Bldg. IV | Room C — 7:43 AM >


Dalawang beses akong b-in-lock ni Ginger. Dalawang gabi rin akong hindi nakatulog dahil do'n.


Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa na nalaman kong Ginger pala ang gusto niyang itawag ko sa kaniya, hindi Jinji. O mainis sa sarili dahil pinuna ko pa 'yung Facebook name niya.


May pa-'Ayaw mo ng Ako si Ginger?' pa kasing nalalaman.


Sa chat ko na nga lang nakakausap, na-block pa.


GINGER
Hello, everyone. I'm Gingermary Dela Rosa.


Galing sa ballpen na nasa ibabaw ng armchair ko, napunta ang tingin ko kay Ginger.


Naabutan ko siyang nilalagay ang tumatakas na buhok sa likod ng tainga, may nahihiyang ngiti sa labi.


Pagala-gala ang tingin niya. Hinintay kong mapunta 'yon sa 'kin.


Hindi nga lang dumating.


GINGER
You may call me Ginger.


Akala ko pa naman ako lang ang tatawag no'n sa kaniya.


GINGER
Pero puwede rin pong Gingging.


Nagbaba ulit ako ng tingin sa ballpen. Nalipat iyon sa glitter pen na nakapatong sa katabi kong armchair.


Magkaklase ulit kami ni Ginger ngayon grade seven na kami. Magkatabi ulit.


Parehas din kami ng service.


For the first time in a long time, ngayon na lang ulit kami nagkalapit nang ganito.


GINGER
Thank you, Kuya Manny! Bukas ulit!


Professional CuddlersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon