。゚゚・。・゚゚。
゚。 26
・。・゚
#forlovers1wp✱ ✱ ✱
[ DIALOGUE ]
< DELA ROSA RESIDENCE,
Gingging's Bedroom — 9:18 PM >
GINGGING
Jinji . . .
Kanina pa ako palakad-lakad dito sa kuwarto. Pacing back and forth habang kagat-kagat ang dulo ng hinlalaki.
GINGGING
Jinji, ano'ng gagawin ko?
Bukas na 'yung victory party. The big question is: Kaya ko bang pumunta?
And the bigger question is: Kung pupunta, kaya ko bang magtagal?
There's no point din kung hindi ako sisipot. Una, nag-promise na ako kay Ris na sabay kami. Pangalawa, c-in-onfirm ko sa org ang attendance ko. Nakakahiya naman kung biglang hindi pala ako pupunta.
Nakita ko ang problemado kong sarili sa harap ng salamin.
GINGGING
Ano'ng problema ngayon, Gingermary?
Pupunta si Kate.
Pupunta rin si Ris.
GINGGING
O, sino'ng may kasalanan niyan???
Halos sabunutan ko na ang sarili ko.
GINGGING
Jinji, help naman, o!
Binalingan ko ang de-saksak kong cat lamp sa study table. Buti na lang wala akong kasama ngayon. Kundi na-judge na ang pagtao ko kung bakit ako kumakausap ng cat lamp.
Hinila ko ang upuan at halos isubsob na ang mukha sa ibabaw ng study table ko.
GINGGING
Kung pupunta ako, ano'ng gagawin ko?Ano'ng gagawin ko kapag . . .
BINABASA MO ANG
Professional Cuddlers
RomanceIlang beses nang sinubukan ni Gingging na kalimutan ang nararamdaman niya sa kapitbahay niyang si Ris. But when fate does its thing, you may never do anything about it. Alam ni Gingging na walang patutunguhan ang nararamdaman niya kay Ris, kaya nama...