14

918 125 652
                                    

。゚゚・。・゚゚。
゚。       14
・。・゚
#forlovers1wp

✱ ✱ ✱

[ DIALOGUE ]

< DELA ROSA RESIDENCE,
Front Gate — 8:14 AM >


Pagkarinig sa tunog ng gate ng katabing bahay, mabilis akong nag-inhale at exhale bago iyon hinarap. Bumungad sa akin si Ris na kalalabas lang ng gate nila.


Looking so fresh in his white polo shirt at black slacks. Bagong ligo. Amoy ko agad ang pabango. Parang walang binabaliw at the moment (me) kahit na ang ginagawa niya lang naman ay huminga at magsara ng gate.


GINGGING
Ris.


Ang tapang niya, oh, ang tapang.


GINGGING
Good morning!


Ngumiti ako kahit na halatang nagulat siya sa presence ko. Kasi naman, Ging. Sino ka diyan at bigla-bigla kang magpapakita kay Ris before pumasok sa campus?


Habang papalapit siya sa 'kin, napakapit ang isang kamay ko sa strap ng bag pack.


RIS
Good morning.


Inangat ko ang kamay na may hawak na paper bag. Gets na niya agad kung ano 'yon dahil hindi na siya nagdalawang isip na kuhain.


GINGGING
'Yung shirt mo. Thank you ulit.


Before I could even realize it, sabay na kaming naglalakad sa sidewalk. Madiin ang kagat ko sa labi nang lumipat si Ris sa kabila ko—sa malapit sa kalsada.


Ging, 'di ka tatalandi, ha. Agang-aga.


Pero nakakakilig talaga. Bwisit. Ramdam ko pa na ang tangkad-tangkad niya sa tabi ko.


GINGGING
Deretso campus ka na?

RIS
Mh-hm. Ikaw?

GINGGING
Same din.


Maybe it's because pinahiram ako ng shirt ni Ris at f-in-ollow pa sa IG. At dahil sa pag-vote siya sa poll ko kaya feeling ko ngayon super friends na kami.

Professional CuddlersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon