Nang muli syang magising ay isang doctor naman ang kanyang nabungaran. Inilibot nya ang tingin at tsaka nya lang napansin na iba ang kulay at disenyo ng ceiling. Hindi iyon ang kwarto nya! Black ang kulay ng kanyang ceiling, because black is her favorite color. Not blue! She hates color blue!
Nasaan ba talaga sya? At paano sya nabuhay? Nakatakas ba sya kay Dark? O may nagligtas sa kanya sa kamay ng baliw na iyon kaya buhay pa sya ngayon? Pero kung ganon nga ang nangyari, humanda ang Dark na iyon dahil sa oras na gumaling sya at bumalik ang kanyang lakas ay sya naman ang papatay dito.
"You're awake, Mi'Lady" napatingin sya sa doctor na nasa gilid ng kamang kinahihigaan nya.
"Obviously" pabalang nyang sabi.
Nagulat naman ang lalaking doctor.
Pero bago nya balikan si Dark para patayin ay uunahin nya munang malaman kung anong pangalan nitong lalaking doctor na nasa harapan nya.
"He's handsome! He looks hot with eyeglasses on. The type of man that I like. Hmm..." malanding aniya sa isip ni Helliczara at napangisi na nauwi sa ngiwi nang mapahawak syang muli sa kanyang kaliwang dibdib dahil ramdam nya na naman ang kirot doon.
"You better cure her, Enzyro. Don't even let her have scars."
Tila hindi makagalaw at nanigas si Helliczara sa kanyang hinihigaan nang may marinig na sobrang lamig na boses sa kabilang gilid nya, at naramdaman nya ang isang napakalakas at nakakatakot na aura mula sa taong iyon.
Dahan-dahan nyang nilingon ang pinanggalingan nang malamig na boses at ng nakakatakot na aura na iyon.
And there she saw a man with no expression shows in his face and with so much coldness in his deep green eyes. Nagsimulang kumabog ang kanyang dibdib habang pinagmamasdan ang mukha ng lalaki.
"I will, man. Don't worry. I won't let Heaven got scars." rinig nyang sambit ng lalaking doctor sa kabila nya na ang pangalan ay Enzyro.
Nanatili ang mga mata ni Helliczara sa lalaking walang anumang ekspresyon na makikita sa mukha at may malamig na tingin nang biglang mag-sink in sa utak nya an itinawag sa kanya ng doctor.
Heaven...
"Wait, what???"
Hindi pa nakaka-move on si Helliczara sa tinawag sa kanya ng gwapong doctor nang bumukas ang pinto at may mga pumasok. Isang lalaki at babae na hindi rin nya kilala kung sino ang mga ito.
Nakakunot ang noo nyang pinagmasdan ang maluha-luhang babae na nakatingin sa kanya at nagmamadaling lumapit.
"Heaven, anak! I thought we would lose you!" naiiyak nitong sambit at yayakapin na sana sya ngunit umiwas sya at sinamaan ito ng tingin.
Duh! Hindi nya kilala ang babae at tinatawag syang anak. Hindi naman ito ang Mommy nya.
Ano ba talagang nangyayari? Sino ang mga taong to? At bakit Heaven din ang tawag sa kanya?
Mukhang nagulat ang babae dahil ginawa nyang pag-iwas at pagsama ng tingin dito. Maging ang lalaking kasama nitong dumating ay natigilan.
"What's wrong, anak? B-Bakit ganyan ka makatingin? Are you mad? Then forgive me, then. I'm sorry, Heaven. Ako ang iyong ina pero di ko nagawang magpaka-ina sayo. Patawarin mo ko, anak dahil ikaw ang sinisisi ko sa pagkawala ng Ate mo. Dahil sa labis kong pagdadalamhati sa pagkawala ng Ate mo, sinisi kita at sinaktan. Nakalimutan ko na may isa pa akong anak. Kaya patawad, Heaven! Patawarin mo si Mommy. I promise I'll be better now. I will be a good mother to you. Ayokong mawalan pa ulit ng anak. I willtake care of you." umiiyak nitong sabi.
May kung anong naramdaman sya. Awa at saya. Pero nalilito na talaga sya.
"Ano bang sinasabi mo? Who are you? Who's Heaven? Can someone f*cking explain to me?"
Napaawang ang mga labi nila sa gulat.
"Heaven, anak? What do you mean? Doc?" baling ng lalaking kasama nung babae dumating sa lalaking doctor habang naguguluhan. "Did my daughter has amnesia?"
"Mr. Decaner, she was shot near her heart. Hindi naman sa nauntog or what kaya imposibleng magka-amnesia si Heaven."
"Ano ba?! Bakit Heaven kayo ng Heaven? Sino ba yang Heaven na yan?" naiinis nyang tanong.
Napatulala nalang sa kanya ang babae, tumutulo parin ang mga luha nito.
Nagulat sya nang lapitan sya ng lalaking walang ekspresyon ang mukha at may green na mga mata.
"Wife—" sambit nito na agad nyang pinutol dahil sa pagtataka dahil sa tinawag nito sa kanya.
"Wife? F*ck! Kailan pa ako nagka-asawa?!" gulat nyang usal. Napaawang ang mga labi ni Helliczara. Isa lang ang naiisip nya. Hindi sya naniniwala sa ganon pero kailangan nyang kumpirmahin dahil talagang hindi na nya maipaliwanag ang nangyayari!
Bakit sya tinawag ng mga ito na Heaven? Sino si Heaven?
"Mirror! Give me a mirror!"
"Why? Anong gagawin mo, anak?"
"Stop calling me, anak! I don't know you, okay? And ano ba ang ginagawa sa salamin? Just get me a f*cking mirror!!" hindi na naman nya napigilan ang bibig.
"Damn it, Wife! She's your mother. And when did you learn to cuss, huh?" sinamaan nya ng tingin ang lalaking tumatawag sa kanya ng 'Wife'.
"Here" napatingin sya sa gwapong doctor nang may iabot itong salamin. Kikiligin na sana sya pero naalala nya na may problema pa nga pala sya.
Agad nyang kinuha ang salamin at tinignan ang sarili dito.
Ang pagkalito nya ay mabilis na napalitan ng pagkagulat nang makita ang kanyang itsura sa salamin.
Nanlaki ang kanyang mga mata, hindi makapaniwala.
"AHHHHHHHHH!!!"
BINABASA MO ANG
An Angel Turned Into A Devil
RandomDalawang babae na magkaiba ang mundong ginagalawan ngunit parehong may hindi magandang kapalaran. Parehong mamamatay sa parehong araw at oras ngunit ang isa ay mabibigyan ng pagkakataong mabuhay sa ibang katauhan nga lang. ••• Helliczara "Hell" Devi...