"You're wrong, Mi'Lady. They can still use you to Lord Zaicob... Wala man pakialam sa inyo ang Magia Lord bilang kanyang asawa, at hindi man nya kayo kilalanin bilang kanyang Mafia Lady, ay may pakialam naman sya sa posisyon ninyo bilang Mafia Lady ng D.H.O. Isa pa ay hindi po magiging Mafia Emperor si Lord Zaicob ng buong Mafia World kung wala po syang magiging reyna. At kailangan nya parin po kayo dahil isa sa pinakamalakas na organisasyon ang organisasyon ng inyong pamilya. Ngayong bumalik na ang pagmamahal sa iyo ng iyong mga magulang ay tiyak na hindi sila magdadalawang isip na kumalas sa alyansa sa sandaling may mangyari sa inyong masama, mababawasan ang suporta ng Dark Hell Organization. Kahit ka-alyansa ni Lord Zaicob ang top 3, 4, 5, and 6 na makapangyarihang at kilalang organisasyon na pinamumunuan ng kanyang mga kaibigan ay hindi parin iyon sapat dahil mas marami parin po ang mga organisasyon na gustong kumalaban sa kanila. Ang organisasyon ng inyong pamilya ay kilalang malakas dahil kayo ang may hawak ng mga high end weapons at sa inyo nanggagaling ang mga baril at armas. Bukod pa doon ay isang Governor ang iyong ama, nagagawa nyang manipulahin ang mga nangyayari na may kinalaman sa illegal na gawain."
Naalala nya ang sinabi ni Jemi. Kahit walang pakialam si Zaicob kay Heaven, at hindi ito kinikilalang asawa o Mafia Lady nito ay may silbi naman ito sa kanya kahit papaano dahil hindi nito makukuha ang posisyon bilang Mafia Emperor ng buong Mafia World kung walang Mafia Empress. At nagagamit nya si Heaven para makuha katapatan ng Blue Phantom Organization na syang organisasyong hawak ng mga magulang ni Heaven at bilang ka-alyansa para mas lumakas ang Dark Hell Oragnization.
Tsk. Naiirita talaga sya sa pangalan ng organisasyon. Bakit kasi may Dark pa na pangalan ng baliw na pumatay sa kanya? Pwede namang Hell Organization lang, matutuwa pa sya dahil kapangalan nya.
Anyway. Ang kapal din ng mukha ng Zaicob na iyon. Sinasaktan nya si Heaven pero ito din pala ay pinakikinabangan nya para sa posisyon ng pagiging Emperor ng Mafia World!
That f*cking green-eyed man. She really hates him. How dare him hurt Heaven but use her?
But she's Heaven now. Hindi nya hahayang saktan sya ng lalaking iyon o ng kalaban.
Heaven might unwanted but a useful weapon too. Hindi man gusto pero nagagamit at mapapakinabangan.
Matapos magkulong sa kwarto ng ilang oras si Helliczara ay napagpasyahan nya ng bumaba matapos makapag-isip ng plano kung paano paparusahan ang asawa ni Heaven—or mas tamang sabihin na asawa nya dahil sya na si Heaven ngayon at plano kung paano makakalabas sa mansion na ito.
Nang bumaba sya ay nagtaka sya nang makita sila Ynah na abala sa paglilinis samantalang tanghaling tapat na. Di nya maiwasang magtaka dahil supposedly, ang paglilinis ay sa umaga ginagawa hindi sa tanghali.
Magka-krus ang mga brasong tumigil sya sa pagbaba ng hagdan at pinanood sila sa kanilang ginagawa. Nang di makapagpigil ay nagtanong sya.
"Wala ba kayong orasan at hindi nyo alam na pasado alas dose na ng tanghali? Bakit ngayon lang kayo naglilinis?" mataray nyang tanong.
Agad naman na nagsipag-tigil ang mga ito sa kanilang ginagawa nang marinig ang boses ng kanilang Mi'lady. Natagpuan nila itong nakatayo sa may hagdan at magka-krus ang mga braso sa may dibdib, nakataas ang isay kilay habang pinagmamasdan sila.
Napalunok naman sila dahil eto na naman ang tila kakaibang aura na kanilang nararamdaman. Aurang napakabigat. Pinagmasdan nila si Heaven.
Nagbago man ang ugali nito ay nakikita parin nila ang dating si Heaven. Pero di nila maiwasang kabahan sa tuwing nakikita ito. Pakiramdam kasi nila ibang tao na ito.
Nakakatakot.
"A-ah, Mi'lady. Naglinis na po kami kaninang umaga, pero naglilinis po kami ulit dahil darating po si Lord Zaicob. Ayaw nya po na makakita ng kahit akong dumi o alikabok, kami ang malalagot kapag hindi po kami naglinis ulit." eksplenasyon ni Ynah.
"At kasama po ni Lord Zaicob si Lord Enzyro at iba pang kaibigan nya."
Nang marinig ni Helliczara ang pangalan ng gwapong doctor ay parang nagliwanag ang paligid nya. Nagtaka naman ang anim dahil napansin nila ang pagbabago ng aura ng kanilang Mi'lady.
"Nagugutom ka po ba, Mi—" naputol ang dapat sana'y itatanong ni Savi kay Heaven nang mabilis itong putulin ni Heaven sa isang tanong din.
"Pupunta si Enzyro dito?"
Nagkatinginan naman ang anim dahil sa tanong ng kanilang Mi'lady, mukha pa itong masaya. Naningkit naman ang mga mata ni Ynah habang pinakititigan nya ang Mi'lady nila.
"O-Opo, Mi'lady" naguguluhan man ay si Arya ang sumagot.
"Okay." mas lalo silang naguluhan nang magbago ang ekspresyon ng mukha nito at naging seryoso. "Continue what you're doing. I'll just go back in my room." wika ni Heaven sa seryosong tono at nagsimula ng akyatin ang hagdan pabalik sa taas.
"Huh?" sabay-sabay na reaksyon ng anim.
BINABASA MO ANG
An Angel Turned Into A Devil
AlteleDalawang babae na magkaiba ang mundong ginagalawan ngunit parehong may hindi magandang kapalaran. Parehong mamamatay sa parehong araw at oras ngunit ang isa ay mabibigyan ng pagkakataong mabuhay sa ibang katauhan nga lang. ••• Helliczara "Hell" Devi...