Kabanata 4: "Knowing Heaven's Life"

67 8 0
                                    

Hindi parin makapaniwala si Helliczara sa nangyayari ngayon sa kanya. She was reincarnated into someone else's body.

Akala nya ay may nagligtas lang sa kanya sa kamay ng baliw na si Dark at nabuhay, iyon pala nabuhay sya pero hindi sa tunay nyang katawan!

Hindi sya naniniwala sa reincarnation pero ngayong nangyari sa kanya ang bagay na iyon ay mukhang naniniwala na sya na totoo nga na maaari kang mabuhay pagkatapos mong mamatay ngunit sa ibang katawan o katauhan. Para ka lang kaluluwa na sumanib sa katawan ng ibang tao.

Dalawang araw na ang lumipas nang malaman nyang na-reincarnate sya sa katawan ni Heavenaih Decaner o Heaven kung tawagin ng mga tao dito sa mansion. Mukhang napaniwala nyang wala syang maalala kaya hindi nya kilala ang mga tao dito, although alam nyang hindi lubusang naniwala at duda ang sila na nawalan sya ng alaala.

Hindi naman nya pwedeng sabihin na hindi talaga sya si Heaven, baka patayin sya ng mga ito edi hindi sya nakapaghiganti sa baliw na si Dark.

Isa pa. Mukhang magagamit nya rin itong nangyari sa kanya para makapaghiganti sa baliw na iyon. Dahil hindi sya nito makikilala bilang si Hell.

Napabuntong hininga si Helliczara. Sa nakalipas na dalawang araw ay nandito lamang sya sa kwartong ito. Hindi nya gusto ang lumabas dahil una, wala syang alam sa lugar na ito. Wala syang kilala sa mga taong nandito, although nagpakilala naman ang lalaking may green na mga mata bilang kanyang asawa at yung gwapong doctor na ang pangalan ay Enzyro. Ang pangalan ng asawa ni Heaven ay Zaicob Vyle Rosht.

At lagi ring pupumunta rito ang mga magulang ni Heaven para bisitahin sya. Ngunit hindi nya ang mga ito nilalabasan at kinakausap. Pinanindigan nyang may amnesia kunno sya.

"Mi'lady, hindi nyo po ba gustong lumabas ng kwarto nyo? Ngayon pong wala kayong maalala hindi po ba dapat ay hindi kayo nagkukulong sa inyong kwarto at lumalabas kayo para tignan ang labas at sa ganun makatulong ito na bumalik ang alaala nyo?" wika ng madaldal na maid. Ito yung babaeng maid na una nyang nakita nang magising sya sa lugar na ito.

Mukhang loyal na maid ito ni Heaven. Ito lang din kasi ang nakakapasok na maid dito sa kwartong to, yung iba kasi nasa labas lang.

Nagtataka tuloy sya. Bakit ganon umasta ang ibang tao dito? Tila takot na lumapit sa kanya. Para bang hindi hinahayaang makalapit sa kanya ang mga ito bukod sa babaeng maid na ito na nasa harap nya.

"Walang kwenta kung lalabas ako sa kwartong to para lang makaalala. For sure wala namang magagawa ang paglabas ko dahil hindi ako makakaalala." seryoso ang mukha nyang sambit dito. At hindi naman talaga si Heaven, wala syang amnesia kaya wala talaga syang alam sa alaalang meron ito. "But, can you tell me all that you know? Sabihin mo sakin, kung sino ba ako. Lahat lahat. Gusto kong malaman. Sino yung lalaking may green na mata? Asawa ko ba talaga sya? Pero kung asawa ko sya, bakit wala sya dito at hindi ako pinupuntahan?"

Pero dahil ngayon ay hindi na sya si Hell kundi ay si Heaven na sa mata ng mga taong ito, kailangan nyang malaman kung ano ang buhay ni Heaven at kung sino ito bago sya napadpad sa katawan nito.

"Ikaw po si Heavenaih Decaner-Rosht, pero ang tawag po sa inyo ay Heaven. Wala po akong masyadong alam tungkol sa inyo dahil one year palang po akong nagta-trabaho dito. Ang alam ko lang po ay asawa kayo ni Lord Zaicob, at hindi po maganda ang pagsasama nyo." panimula nito.

"Hindi maganda ang pagsasama? Does it mean, Heaven and that green eyed man is not in good relationship? How come they were married if there is no love involved?"

"What do you mean? And what's your name?" tanong nya. Hindi nya pa pala alam ang pangalan nito.

Mapait na ngumiti naman ang maid. "Ynah po ang pangalan ko, Mi'lady."

Ynah...

"Okay, Ynah. Tell me all you know. Start with the last words you've said."

An Angel Turned Into A DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon