(sa isang madilim na kwarto...)Pilit kinakalas ni Helliczara ang kadenang nakagapos sa kanyang isang paa.
May baliw na nagkulong sa kanya at nagkadena ng kanyang paa! At naiinis sya dahil sa oras na iyon ay pakiramdam nya ang hina-hina nya at hindi man lang sya makatakas sa baliw na kumuha sa kanya.
"F*cksh*t!!" mura nya at napapagod na tumigil. "Tang*na mong hayop ka! Kapag ako nakawala dito, bibitayin kita!!!" malakas nyang sigaw na pumuno sa buong kwarto na wala man lang kaliwa-liwanag.
Walang bintana ang silid na iyon. Sobrang dilim, pero dahil sanay ang mga mata nya sa dilim ay may nakikita naman sya kahit papaano.
'Nakaka-punyeta!'
Kapag talaga nakalabas sya rito ay papatayin nya ang baliw na iyon. Wala lang syang sapat na lakas ngayon at nanghihina pa ang kanyang katawan. May kung anong itinurok sa kanyang pampatulog at pampahina. Kung malakas lang sana sya ngayon ah tiyak naputol na nya ang kadena at nakalas ito kahit na walang susi.
Napatigil sya nang marinig ang pag-click ng seradura, at bumukas ang pinto. She gritted her teeth when she saw the crazy man who abduct her.
"You...punk!" may diin nyang sambit at matatalim ang mga matang nakatingin sa lalaking ngayon ay may mala-demonyong ngisi sa mga labi na nakatingin sa kanya.
Hawak-hawak nito ay isang Katana.
"Ang ganda mong tignan sa kalagayan mo ngayon, Hell. Look at you? You're weak, and hopeless. Will you beg me to spare your life, huh?" nakangisi nitong sambit at baliw na tumawa.
Sya? Si Helliczara Devianzer? Magmamakaawa sa lalaking baliw? Nah.
"Never, I will beg you Dark! Now come closer and let me f*cking kill you!!" Sinubukan nyang tumayo at abutin ito ngunit dahil sa kadenang nakagapos sa kanyang paa ay hindi nya ito magawang maabot.
Mas lalong lumaki ang ngisi ni Dark at itinaas ang Katana-ng hawak nito.
"Well, magkita nalang tayo sa impiyerno! Farewell, Baby!"
"I am Hell, Dark. Babalikan kita at ako mismo ang magpapahirap at papatay sayo."
(sa isang abandonadong building...)
"B-Bakit? Bakit mo ba to ginagawa?"
Walang tigil sa pag-agos ang nga luha ni Heavenaih habang nakatitig sa kanyang kaibigan.
Kaibigan pa nga bang matatawag? Hindi. Hindi na nya ito kaibigan! She's a traitor.
"Tinatanong pa ba yan ha, Heaven?! Dahil mang-aagaw ka! Inagaw mo sakin ang lahat!" nanggagalaiti nitong sigaw.
Napailing si Heavenaih. "Wala akong inagaw sayo!" wika nya.
Napasigaw sya sa sakit nang sampalin sya ni Shera at sabunutan. Hindi sya makalaban, dahil nanghihina sya sa dami ng sakit na natanggap nya mula rito at wala rin syang laban.
"No! Mang-aagaw ka! Nakalimutan mo na ba? Noong highschool palang tayo? Sinabi ko sayong gusto ko si Ivan, pero ikaw ang gusto nya! Tapos ano? Nalaman ko nalang na nililigawan ka na nya? Pagkatapos ni Ivan, si Redd naman! Sya ang first boyfriend ko, pero ano? Sinulot mo! Inagaw mo sya sakin! Inakit mo kaya nagkagusto sya sayo at hiniwalayan nya ako! Mang-aagaw ka! Ang tagal kong nagtimpi, Heaven! Pinaglapas ko ang maraming taon, pinigilan ko ang galit ko dahil kaibigan kita, pero ahas ka parin pala hanggang sa huli! Dahil pati si Zaicob, kinuha mo!" agad na nabuhay ang matinding takot kay Heavenaih nang ikasa ni Shera ang hawak nitong baril at itutok sa kanya. Galit na galit ang mga mata nitong nakatingin sa kanya. "Ako dapat ang asawa ni Zaicob ngayon! Pero dahil papatayin na kita dito, ay mangyayari rin iyon! Ako na ang magiging asawa ni Zaicob."
Di makapaniwalang napatitig sya kay Shera. May gusto ito sa asawa nya. Kaya pala...kaya pala. Noon nya pa napapansin ang kakaibang pagtingin ni Shera kay Zaicob. Ngunit hindi nya binigyan ng maling pag-iisip iyon malisya dahil kilala nya si Shera bilang pala-kaibigan, at kahit na cold na tao si Zaicob at walang puso ay mabait si Shera kung makitungo sa lalaki at walang takot dito.
'Ang tanga ko...Hindi ko man lang napansin.' Mapait na napangiti si Heavenaih.
Kahit kailan hindi na yata sya magkakaroon ng maganda at maayos na buhay. Lahat nalang ng tao sinasaktan sya, tina-traydor at iniiwan.
Ang magulang nya, ate, si Shera, at maging ang asawa nyang si Zaicob. Lahat sila...sinasaktan sya.
Bakit? Bakit lahat nalang ng taong mahalaga at mahal nya ay hindi sya kayang mahalin din? Mahirap ba syang mahalin? Ano bang mali sa kanya?
"I'm sorry, If I made you like that...I'm sorry." mahinang sambit nya habang umiiyak.
"It's too late for your sorry now, Heaven."
"Kill me now."
Tanggap na nya. Ito ang kapalaran nya.
*Bang! Bang! Bang!*
Tatlong putok ng baril. Bago sya tuluyang mamatay at mandilim ang paligid, ay nasaksihan nya pa ang pagbagsak ng kaibigan na tadtad ng tama ng baril.
"In my next life...I hope you're still my friend, Shera. And we will live without hate and jealousy towards each other."
BINABASA MO ANG
An Angel Turned Into A Devil
De TodoDalawang babae na magkaiba ang mundong ginagalawan ngunit parehong may hindi magandang kapalaran. Parehong mamamatay sa parehong araw at oras ngunit ang isa ay mabibigyan ng pagkakataong mabuhay sa ibang katauhan nga lang. ••• Helliczara "Hell" Devi...