Kabanata 6: "Meeting the Six Deadly Daggers"

66 6 0
                                    


Helliczara is still shocked sa mga nalaman nya. Heaven's parents and husband is a part of Mafia. And that makes Heaven a Mafia too, but not really because she's weak and also she's an unwanted wife. Zaicob don't accept and acknowledge her as his wife and Mafia Lady.

After knowing those. Ay napagpasyahan na nyang lumabas ng kwarto. What informations she got from Ynah is not enough.

"Mukhang nakatulong po ang pagku-kwento ko sa inyo, Mi'lady dahil napagpasyahan nyo na pong lumabas ng inyong kwarto. Alam nyo po ay na-miss namin kayo. Sobra pong nag-alala kami dito nang malaman na nawala kayo dahil kinidnap po kayo ni Ma'am Shera para patayin. Pero salamat kay Lord Zaicob, dahil ibinalik nya kayo dito at natakot po talaga kami dahil akala po namin ay mawawala na kayo. Pero dahil malakas ka po, nakayanan mo pong malagpasan ang kamatayan. Salamat po dahil lumaban kayo, Mi'lady. Yun nga lang, wala po kayong maalala." mahaba nitong litanya.

Napangiwi naman sya sa kadaldalan nito. Ngunit binuka nya ang bibig para magtanong.

"Who's Shera?"

"Si Ma'am Shera po ay ang matalik nyong kaibigan. Para na nga po kayong magkapatid dahil hindi po kayo mapaghiwalay at lagi po syang nandito, halos dito na nga po tumira iyon. Pero noon pa man, hindi na po namin gusto yung kaibigan nyong yun. Kasi napapansin po namin na kapag nandito si Lord Zaicob ay lagi syang nakatingin kay Lord Zaicob. Tapos po sinusubukan nyang makipaglapit kay Lord Zaicob. Iyon po pala ay may gusto sya sa asawa nyo, pero hindi nyo po alam iyon dahil kaibigan nyo sya at tinuturing na kapatid. Sya po ang may kagagawan kung bakit po kayo muntik ng mamatay. May gusto sya kay Lord Zaicob at nais nya kayong patayin para sya na ang maging asawa ni Lord Zaicob."

Hindi naman makapaniwala si Helliczara. Maski sariling kaibigan at itinuring na kapatid ni Heaven ay nagawa iyon sa kanya? Walang pinagkaiba sa magulang ni Heaven at kay Zaicob.

Heaven really lived a painful life. Lahat ng pinahahalagahan nyang tao nagawa syang abandonahin, saktan, at patayin.

That Shera! What a fake. Just like that crazy Dark. Pareho sila ng baliw na Dark na yun.

Dark is Helliczara's comrade. Kasa-kasama nya ito, tulad nya ay isang assassin din. Pero di nya akalain na kaya sya nitong traydurin. Tinuring nya itong kaibigan, kasama sa lahat ng mission. Tapos ito lang pala ang papatay sa kanya. Ang dahilan? Para makuha ang mataas na posisyon sa organisasyong kanilang kinabibilangan. Hell's goal is to get the highest rank as an Assassin in Akuma Organization. It is also Dark's goal, but it's already said that Hell is the one who will get that highest position. Dahil mas magaling sya kay Dark bilang Assassin. She's more skilled, and she's genius. Dark is so jealous so he killed her para sa kanya na mapunta ang posisyon na iyon.

Anyway. Enough with traitor thingy. Naiirita syang malaman na kahit pala si Heaven ay naranasang traydurin at patayin ng sariling kaibigan. Mas lalo syang nagagalit.

"Mi'lady!" Helliczara's back to her reverie when she heard few voices greeted her.

Napatingin si Helliczara sa mga babaeng maid na nakatayo na ngayon sa harap nya at pawang mga nakayuko ang mga ulo.

Seryoso ang mukhang pinagmasdan nya ang mga ito hanggang sa magtaas ng ulo ang mga ito sa kanya.

Kita sa mata nila ang tuwa na makita sya, para bang kay tagal syang hindi nakita ng mga ito.

"M-Mi'lady" garalgal ang boses na wika ng isa na may maiksing buhok. Parang naiiyak, ganun din ang iba pa.

They were five young ladies. Hindi nalalayo ang edad ng mga ito kay Ynah.

"Ah! Mi'Lady? Sila po ang mga kasama ko rito at tulad ko ay tagasilbi sa inyo." sabi ni Ynah. Kapagkuwan ay malungkot ang boses na nagpatuloy. "Walang maalala ang ating Mi'lady kaya magpakilala kayo."

Nauna ang babaeng may maiksing buhok na maluha-luhang tumingin sa kanya bago yumuko. "Goya, Mi'Lady!"

"Goya? Yung chocolate? Seriously?" sa isip ni Helliczara.

"Arya po" sumunod naman yung isa na may highlight na green ang buhok. Yumuko din ito matapos magpakilala.

"S-Savi po" pakilala naman ng may maiksi ding buhok ngunit blonde ang kulay at may mala Dora'ng bangs. Among the five, she's the cutest. Mukhang pinaka-bata.

"Aomi" (A-yo-mi) anang pinaka-matangkad sa lima at may hanggang bewang ang haba ng buhok.

"Jemi naman po, Mi'lady" pakilala naman ng pinaka-huli na maiksi din ang buhok ngunit kulot ang buhok at kulay brown, may suot itong malaking salamin sa mata.

"Ynah, Goya, Arya, Savi, Aomi, and Jemi. All of them are young, and their names are too short. Kung anong ikinahaba ng pangalan ko ay ang ikinaikli ng kanila."

"Kayo lang? Nasaan ang iba?" tanong nya. Kailangan nyang makilala ang iba pang nandito sa mansion na toh. And she needs someone who can be her accomplice.

Kita nya ang gulat sa mg mata ng ito dahil sa walang makikitang ni isang emosyon sa mukha nya at malamig kung magsalita. Hindi nya masisisi ang mga ito, kilala si Heaven na mabait at palangiti.

Well, she's not Heaven. Sa panlabas ay sya si Heaven, ngunit sa panloob ay si Hell dahil nasa loob sya ng katawan nito.

"K-Kami lang po, Mi'lady." sagot ni Ynah.

Kumunot naman ang noo nya. Kadalasan sa isang malaking mansion ay marami ang tagasilbi. Pero kakaiba naman dito dahil bukod sa anim lang sila ay puro mga bata pa.

"Bakit anim lang kayo?" kunot noong tanong nya.

"Dahil mga miyembro din po kami sa organisasyon ni Lord Zaicob at kami po ay mga napiling maging tagasilbi at kasama ninyo, Mi'lady." paliwanag ni Ynah.

"At kami po ang Six Deadly Daggers, mga Assassins po kami."

An Angel Turned Into A DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon