PART 14 💜

50 3 2
                                    

1 month later..

JUSTIN
"Hoy Stell, sumosobra ka naman na yata!" Puna nito sa kaibigan na kanina pa naka ngiti habang pinag mamasdan larawan nilang mag jowa.

STELL
"Luh anong drama mo? Akala ko ba masaya kayo dahil may boyfriend na ko?"

JUSTIN
"Happy naman kaso nakaka tampo, wala ka na kasing time samin ni Ken. Diba Ken nakaka sad?" Siniko pa ang katabing Ken.

KEN
"Ahh oo nga.."

STELL
"Ay sus, akala mo naman sad talaga si Ken, enjoy na enjoy naman masolo si Justin." Bulong nito.

JUSTIN
"Ano sabi mo Stell?"

STELL
"Ah wala, sabi ko nanjan na si Paulo! Tara na kaya, hatid na namin kayo."

KEN
"Nice libre pamasahe nanaman!"

STELL
"Lolo mo libre! Mag bayad ka oy! Parasite!"

KEN
"Stell friends kayo ni Lolo? Bakit siya libre tapos ako may bayad?"

JUSTIN
"Mukang tanga amp! Hayup ka Ken tara na nga sumakay dami mong ebas!"

Nakangiting sumalubong si Paulo sa mag kakaibigan, umangkas nadin si Stell sa likod ng tricy, at binigyan ng mabilisang halik sa pisngi ang kasintahan.

JUSTIN
"Luh may pakiss"

KEN
"Paulo, beke nemen pwede ng libre pamasahe namin ni Justin. Kami ata naging dahilan kung bakit ka nahahalikan ng kaibigan namin." Siniko ni Justin "Aray! Bakit nananakit ka jan Justin, hindi mo ba alam para sating dalawa tong ginagawa ko."

JUSTIN
"Para sayo lang Ken, huwag mo akong idamay sa kakapalan ng muka mo."

PAULO
"Naku huwag na kayong mag away dalawa, oo naman libre na pamasahe niyo."

KEN
"Nice!!! Naway mag tagal kayo ng kaibigan ko." Natawa naman si Paulo.

STELL
"Mahal, masyado mong iniispoil mga kaibigan ko, pano ka nalang kikita niyan, ako na ngalang hindi mo pinag babayad pati ba naman sila."

PAULO
"Ano kaba mahal, mailiit na bagay, saka kaibigan mo naman sila."

STELL
"Kahit na, hindi dapat ganun mahal, saka alam ko kung gaano nakakapagod ginagawa mo, mamaya mapagod ka bigla, paano nalang future natin, ng dahil sa buraot na Ken mawawalan ka ng kita."

PAULO
"Mahal akong bahala sa future natin mag aral ka lang ng mabuti, saka yakapin mo lang ako habang nag dridrive matatanggal na pagod ko."

STELL
"Ay sus, ikaw talaga mahal. Hayaan mo kapag naka graduate na ako tapos makapasa sa board exam, ako ng bahala sa future natin, hindi na tricycle idridrive mo, bibilhan kita ng lambo."

PAULO
"Wow, Sugar daddy Stell in the future, mukang ako ma ispoil niyan ah."

STELL
"Sempre naman, spoil kita ng material at pag mamahal!" Niyakap pa ito.

PAULO
"Pag mamahal lang masaya na ako." Kinikilig na sabi.

KEN
"Justin, magpababa na kaya tayo? Parang kinikilabutan ako sa dalawa."

JUSTIN
"Akala ko ba gusto mo ng libreng pamasahe, bahala ka jan mag dusa ka!"

Tricycle Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon