PART 19 💜

64 4 0
                                    

Dahil nadin sa walang masakyan, kahit bangenge ang tatlo, napag desisyonan nilang mag lakad nalang pauwi. At sasakay nalang sila kapag may nakita na silang tricycle.

Parang pasan pasan ni Ken ang kasalanan ng san libutan dahil sa bigat ng dalawang kaibigan na sabay niyang inaakay, para hindi sumemplang sa pag lalakad.

KEN
"Walangyang buhay to, ako na nga nag bayad kanina, ako pa pala mag bubuhat sa inyong dalawang." Nag tawanan naman ang lasing na Stell at Justin. "Kapag kayong dalawa lang talaga pumasa sa board exam sisingilin ko kayo, at kayong dalawa bubuhay sakin."

JUSTIN
"Awko bhAla sayo." Lasing na sabi nito, bago humarap kay Ken at pisilin ang pisngi nito. Bigla naman nawala ang pagod ni Ken sa pag akay sa dalawa. (kilig si gago 😭)

 (kilig si gago 😭)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

--

Patuloy lang ang pag lakad nilang tatlo, umaasa si Ken na may makikitang tricycle sa daan pero mukang malas ata siya dahil wala talaga, mga pribadong sasakyan lang ang dumadaan sa highway.

Dahil sa pag kahilo bigla nalang napa takbo si Stell dahil nasusuka ito, ganun din si Justin. Na stressed naman si Ken dahil hindi na niya alam kung anong gagawin at sinong uunahin asikasuhin sa dalawa.

KEN
"Buset kayo, dapat talaga sa bahay nalang tayo numinom. Ako pala mag dudusa sa inyo."

Hindi ito pinakinggan ng dalawa dahil para silang bata nag hahabulan habang tumatawa. (Imagine lasing na Justin at Stell na sobrang kulit 😅)

Nang mahabol na ni Ken si Justin iniupo niya muna ito sa gilid buti nalang may waiting shed na walang bubong. Bago habulin si Stell. Napabuntong hininga nalang ito nang maiupo na ang dalawa, at napa punas ng pawis bago maupo sa tabi nila.

KEN
"Ayaw ko na, napapagod na ako sa inyong dalawa, please po sana may dumaan dito na tricy. Masisiraan na talaga ako ng ulo dito."

Halos mga naka 30mins nadin sila sa pag upo, kaso wala padin talagang na daan sa high way kaya wala nang choice si Ken kundi akayin ulit ang dalawa. Sinalabay niya si Justin at hinawakan sa kamay si Stell para mas mapadali ang buhay niya. Mukang effective naman dahil nag behave sila. Kaya mapayapa ang pag lalakad nila.

JUSTIN
"Stell look, si Paulo iyon diba?" Nagulat si Ken nang bigla nalang mag salita si Justin at tumuro sa kabilang direksyon. Sabay naman napatingin si Stell at Ken. At mas nagulat sila sa nakita, dahil may kayakap itong ibang lalaki.

Sa sobrang bilis ng tibok ng puso ni Stell, bigla nalang nawala ang epekto ng alak sa sistema niya. Hindi niya alam kung anong gagawin, kung dapat bang isa walang bahala at umalis nalang siya. Pero dahil nadin sa sama ng loob sa pang ghoghost sa kanya, napa takbo nalang ng kusa ang mga paa nito papunta sa direksyon kung na saan si Pablo pati nadin ang kasama nitong lalaki.

KEN
"Tangina, Stell sandali!" Mura nito nang napabitaw sa kamay ni Stell.

Parang pinag bagsakan ng langit at lupa si Stell nang mas malapitan ang nobyo, na naka ngiti habang yakap yakap ang lalaking likod lang ang kanyang nakikita.

Bumagsak ang mga luha nito nang unti unti nang bumalik sa alala ang mga pangako ni Paulo sa kanya na, mag sasama sila habang buhay. At kung gaano siya kamahal nito.

PAULO
"Ste-stell?" Gulat na sabi nang makita ang nobyong umiiyak sa harap. Napaharap naman ang lalaking kayakap nito dahil sa pag tataka kung sino ang kausap ni Paulo.

Nang mamukaan na ni Stell ang lalaki, mas lumakas ang pag hagulgol nito dahil hindi siya makapaniwala sa nakita. Napasugod ito sa nobyo para sampalin.

STELL
"Gago ka pala eh, hindi ka na nga nag rereply o kaya seen manlang! Tapos makikita kita dito na may kayakap na iba?? Tangina naman Paulo, sana sinabi mo na gusto mo nang secured na future! Sana sinabi mo na ayaw mo na sakin, na hindi mo na ako mahal. Ano bang laban ko sa pinalit mo sakin, istudyante palang naman ako." Bitter laugh.

PAULO
"Teka Mahal mag papaliwanag ako." Hinawakan ang kamay ni Stell pero hinawi niya ito.

STELL
"Para saan pa? Para mag dahilan ka, para mag sinungaling ka? Please Paulo huwag mo na dagdagan yung sakit na nararamdaman ko sa pang ghoghost mo." Napapikit ito, kaya mas bumagsak ang luha sa mata.

"Mabuti pang mag hiwalay nalang tayo." Nang hihinang sabi.

Tumalikod ito, para iwan si Paulo at ang lalaking kasama nito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tumalikod ito, para iwan si Paulo at ang lalaking kasama nito.

PAULO
"Mahal makinig ka naman sakin please, mag papaliwanag ako."

Pilit na hinabol si Stell pero hinarangan ito ni Ken.

KEN
"Para sa kaibigan ko." Sinuntok sa muka si Paulo "Sana hindi ko nalang hinayaan na maging tulay sa inyong dalawa, sasaktan mo lang pala si Stell. Kaya Paulo please lang, layuan mo kaibigan ko." Malakas na tinulak pa ito, kaya napa salampak si Paulo sa sahig.

Agad ding sinundan ni Ken si Stell dahil nag aalala ito.

JUSTIN
"Sa dami dami nang lalaki, bakit ikaw pa Pres? I hate you!" Naluluhang sabi.

Ilang taon ng gusto ni Justin si Pres. At akala niya may chance na siya dito pagka graduate kaya nasaktan din siya sa nakita.

 At akala niya may chance na siya dito pagka graduate kaya nasaktan din siya sa nakita

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


KEN
"JUSTIN ANO BA, SUMUNOD KA NA DITO UUWI NA TAYO!" Sigaw nito sa kaibigan.

Sasagot palang sana si Josh sa binata, pero tumalikod na ito para sumunod sa mga kaibigan.

Sinubukan pang habulin ni Paulo ang tatlo, pero sakto may dumaan na tricy kaya nag madaling isinakay ni Ken ang dalawa sa loob.

PAULO
"Ken, kakausapin ko lang si Stell. Please pababain mo naman siya oh, promise saglit lang."

Hindi na ito pinansin ni Ken, at sumiksik na sa loob ng tricy at sinabihan ang driver para umandar na. Napa mura naman sa inis si Paulo sa mga nangyari.

Ken's house..

Inalalayan niya ang dalawa makapasok, buti nalang wala ang mga magulang nito kaya hinayaan niya nang humagugol ang kaibigan. Alam niya kasing masakit sa part ni Stell ang lahat ng nakita, ganun na din para kay Justin na umiiyak din, dahil alam niyang apat na taon ng crush ni Justin si Josh na president ng buong School nila.

Tricycle Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon