PART 3 💜

64 3 0
                                    

Late ng nakauwi ang tatlo dahil kakatapos lang ng mga duty nito, pag bababa sa bus, hirap nanaman silang mag abang ng tricycle na masasakyan.

JUSTIN
"Ano ba yan, hirap talaga makipag unahan sa mga to, kainis kasi tong si Ken bagal bumaba ng bus."

KEN
"Sorry na nakatulog, kasalanan ko bang puyat ako?"

STELL
"Oo kasalanan mo, kung hindi mo sana kinakareer yang live stream mo odi sana kompleto tulog mo, sobrang multitask mo kasi, sana all madaming time."

KEN
"Atleast kumikita ako sa live stream, saka sino bang nang lilibre tuwing lumalabas tayo?"

STELL
"Bakit pinilit ka ba para manglibre? Saka masama pala loob mo, huwag ka mag alala babayadan ko!" Eye rolled

DRIVER
"Sakay kayo?"

JUSTIN
"Huwag na kayong magaway ponyeta, meron ng tricy."

Napatitig naman ang tatlo sa tricy na naka hinto sa harap nila.

KEN
"Diba siya yung kahapon?" Whispered

JUSTIN
"Oo nga medyo creepy ah." Whispered

STELL
"Guys sa iba nala-

KEN
"Hoy Stell, di ka pa sasakay?

Napa hilamos nalang ng muka si Stell, dahil hindi niya pa natatapos ang sasabihin nakasakay na pala kaagad ang dalawa sa loob, kaya wala na ulit itong choice at naupo na sa likod katabi ng driver.

KEN
"Kuya angas ng tricy mo ah, sumasali ka sa show?"

DRIVER
"Hindi naman, hobby ko lang."

JUSTIN
"Buti nalang dumating ka kuya, kundi baka mamaya pa kami makauwi."

DRIVER
"Nasabi kasi ni Stell, ganitong oras kayo umuuwi, kaya dumaan ako, baka kasi wala kayong masakyan eh."

STELL'S POV
"Luh kelan ko sinabi? Saka bakit kilala niya ako." Kinilabutan

KEN
"Teka kuya close na pala kayo ni Stell, alam mo pa pangalan niya, talking stage?" Mapang asar na natawa ito.

JUSTIN
"Yiee~ Ikaw Stell ah hindi mo sinasabi samin, nakipag kilala ka na pala kay kuya. So kelan date niyo?" Pang aasar nito

STELL
"Hoy anong sinasabi niyo, saka kuya bakit mo alam pangalan ko, stalker kaba?"

DRIVER
"Uyy, hindi naman ako stalker, narinig ko lang kanina, tinawag kasi ng kaibigan mo pangalan mo."

KEN
"Ay hehe sorry Stell, ako pala salarin."

Sa halong kaba at inis hindi na nag salita si Stell, naihatid nadin ang dalawa, kaya lumipat na ito sa loob. Habang nasa daan, nagulat ito dahil sa ibang direksyon siya dinala ng driver, binubot nito ang telepono sa bulsa pero lowbat ito, kaya mas lalo siyang nakaramdam ng takot.

STELL
"Kuya saan mo ako dadalhin? Pulis tatay ko! Kaya huwag mo akong sasaktan!" Matigas ngunit kabadong sabi.

Natawa naman ng bahagya ang driver bago ihinto sa gasoline station

DRIVER
"Masyado ka namang kabado, kakakape mo siguro, saka hindi naman kita aanuhin, mag papagas lang baka matirikan tayo eh." Ipinasok pa nito ang ulo sa maliit na uwang para medyo malapitan ang muka ng istudyanteng nasa loob, at nginitian ito.

STELL'S POV
"Gago kinabahan ako, akala ko mababalita nalang ako. Pero infairness hindi lang pala cute si kuya, pogi din pala lalo na sa liwanag."

Nang matapos na makapag pa gas ang driver, sumakay na ulit ito at nag drive. Napansin niya namang hindi na nag salita si Stell, kaya parang nakonsensya ito sa hindi agad nag sabi kanina.

DRIVER
"Huy ano kaba natakot kaba sakin? Sabi ko nga hindi naman kita aanuhin, takot ko nalang sa batas no." Hindi padin ito pinapansin ni Stell, busy ito sa telepono, kunwari may kachat kahit obvious namang lowbat ito.

DRIVER
"Amm, Paulo pala." Sabi nito pagkaabot ng bayad ni Stell.

STELL
"Anong paulo?" Nagtaas ng kilay

DRIVER
"Paulo ang pangalan ko."

STELL
"Ah okay, sige baba na ako baka makita ka ng papa ko bigla ka nalang barilin."

PAULO
"Sungit mo naman, basta huwag ka na matakot sakin ah."

Hindi nalang ito pinansin ni Stell at nag madaling pumasok sa gate nila.

Hindi nalang ito pinansin ni Stell at nag madaling pumasok sa gate nila

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Tricycle Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon