Bumaba na sila ng bus pagka uwi galing duty, sama sama nag abang ng tricycle ang mga istudyante.
STELL
"Gago sandali naiwan ko aqua flask ko sa bus, mag abang na kayo ng tricy kunin ko lang sandali."KEN
"Tumatanda ka na kasi, kaya nag uulyanin ka na." Natatawang asar nito.STELL
"Epal, palibasa aqua fake yang gamit mo, may picture pa halatang pa give away sa birthday." Umirap pa ito bago bumalik sa bus.Napansin naman ni Justin ang color purple na tricycle na paparating kaya napatingin ito sa kay Ken.
KEN
"Bakit masama bang gamitin give away? Pati ba naman ikaw Justin i babash ako?" Hindi ito pinansin ni Justin, bigla niya nalang hinila si Ken, kaya nagulat ito.JUSTIN
"Trish diba taga xx ka? Sabay na kami ni Ken sa tricy."KEN
"Hoy justin paano si Stell?" Tinuro naman ni Justin gamit ang bibig ang kakahinto lang na tricycle ni Paulo. "Ah okay, haha"STELL
"Naka abang na ba kayo ng -" Hindi pa niya natatapos ang sasabihin, nang mapansin wala na ang mga kaibigan.STELL'S POV
"Gago galit ba si Ken kaya iniwan nila ako dito? Paano ako uuwi, ang sama talaga ng mga ugali, kainis!"PAULO
"Stell, bakit mag isa ka lang?"STELL'S POV
"Bakit nandito nanaman to, alam kong pogi siya pero, nakakairita na eh."STELL
"Ewan ko din, kanina tatlo pa kami tapos mag isa ko nalang, napikon ata si Ken kaya iniwan ako."PAULO
"Lika na hatid na kita."Hindi na nag inarte si Stell, kaya sumakay na ito.
PAULO
"Stell, kumain kana?"STELL'S POV
"Luh lilibre niya ba ulit ako? Sakto nag cracrave ako ng fries."STELL
"Hindi pa.." Kunwari walang pakealam.PAULO
"Grabe naman kasi duty niyo inaabot ng ganitong oras, sige bibilisan ko mag drive para maka uwi ka na agad."STELL'S POV
"Bwisit na to akala ko lilibre ako."PAULO
"Stell hindi ka na nag salita, akala mo ba mag dridrive tru ulit tayo?"STELL
"As if naman, duh!"PAULO
"Haha, ikaw naman masyadong matampuhin, sempre joke lang. Ano bang gusto mong kainin?"STELL
"Wala.."PAULO
"Dali na, ano bang gusto mo, kahit ano bibilhin ko para sayo."STELL
"Sabing wala nga! Ang kulit mo."PAULO
"Sorry na nga, huwag ka na mag tampo, sabihin mo na kung ano gusto mong kainin." Napasilit pa ito kay Stell kaya hindi niya naibalance ang manibela, at gumewang gewang ang tricycle niya.STELL
"Fries ponyeta fries!" Napasigaw sa kaba, akala sesemplang sila.PAULO
"Okay fries hehe, sorry."STELL
"Paulo naman kasi, yang mga mata mo sa daan lang please, may isang sem pa ako para maka graduate! Utang na loob maawa ka sa mga parents ko, kailangan ko pang bumawi sa gastos nila sakin."PAULO
"Sorry na, hindi ko kasi maiwasan titigan yang maganda mong muka."Hindi na ito pinansin ni Stell dahil sa inis, at kabog ng dibdib akala kasi niya matetegi boom boom na sila kanina.