Timeskip..
School..Sabay nagpunta si Ken at Justin sa School, nang makuha na nila ang toga at invitation, nagulat silang dalawa nang makita si President na nag lalakad papunta sa direksyon nila. Sa sobrang kaba napa tago si Justin sa likod ng puno, napabuntong hininga naman si Ken sa kaibigan.
KEN
"Bakit nag tatago ka jan, akala ko ba naka moved on ka na?" Naka kunot noong tanong nito.JUSTIN
"Oo nga pala naka moved on na ako, saka ano bang pakealam ko kay President diba? Tara na nga bibili pa tayo ng prutas sa palengke para kay Stell."Kahit kinakabahan ng walang dahilan si Justin, nilakasan nalang nito ang kanyang loob. Nang malapit na sila sa gate nagulat naman ang dalawa nang tawagin sila ni Pres.
JOSH
"Ken and Justin can we talk?"JUSTIN
"Oh come on Mr. President, for what? Para ipa muka sakin na kayo na ni Paulo, para sabihin sakin na in the first place wala talaga akong chance sayo? Pres. hindi pa ba sapat na saktan ako?"JOSH
"Justin, I want everything to be clear, so please talk to me."Hinawakan pa ang kamay ng binata.
JUSTIN
"Once is enough, so I don't need your explanation. Kaya bitawan mo ako, dahil hiwalay na tayo."JOSH
"Huh?"Napa facepalm nalang si Ken sa narinig.
JUSTIN
"Ken let's go, sayang lang oras ko sa mga taong manloloko."Josh was left dumbfounded because he didn't understand what Justin was saying.
Habang nasa loob nang tricycle, napansin naman ni Justin si Ken na tahimik lang at hindi siya nito iniimik.
JUSTIN
"Huy, bakit hindi ka na nag sasalita jan?"KEN
"Justin ano yon?!" Iritang tanong nito.JUSTIN
"Sorry na na carried away lang, akala ko ako si Stell eh, hehe."KEN
"Well It's not funny, mas lalo mo lang pinaramdam sakin na hindi ka pa talaga nakaka moved on kay Pres."JUSTIN
"Bakit ba nag kaka ganyan ka Ken??!!"KEN
"Tangina Justin, 10years na akong may gusto sayo hindi mo ba talaga alam o nag papanggap ka lang na wala kang alam? Kaya please tama na, sabi mo nga once is enough, kaya hayaan mo muna ako."Hindi na nakapag salita si Justin sa nalaman, hindi niya kasi talaga alam na may gusto sa kanya si Ken at take note 10 years na. Akala niya kasi kaibigan lang ang turing nito sa kanya, kaya sobrang gulung gulo siya ngayon.
--
Hospital..
Dahil nadin sa mga nangyari nauna ng umuwi si Ken at hindi na ito sumama sa hospital, kaya nag taka si Stell bakit si Justin lang ang dumalaw sa kanya. Hindi naman masabi ni Justin ang tunay na dahilan, dahil kahit siya halos hindi padin talaga makapaniwala sa pag amin sa kanya ni Ken na halos sampong taon na pala itong may gusto sa kanya.
Kinutuban naman na si Stell sa mga nangyari dahil napansin niyang tulala ang kaibigan sa tabi nito.
STELL
"Justin, alam mo mas mabuting pag usapan niyo ni Ken yan." Hinawakan pa ang kamay ng kaibigan.JUSTIN
"Stell natatakot ako."Natatakot ito na masayang ang ilang taon na pag kakaibigan nila.
STELL
"Mabait si Ken, maiintindihan niya kung ano magiging sagot mo. Kaya mas mabuting pag usapan niyo kaysa isa walang bahala niyo, magiging ugat lang yan ng misunderstanding niyong dalawa baka mas lalong masira yung kung anong meron kayong dalawa."Nag stay pa ng ilang oras si Justin sa hospital bago tuluyang mag paalam kay Stell.