Napagkasunduan ng tatlo magkita sa mall para manuod ng sine, enjoy na enjoy si Stell sa panunuod samantalang yung dalawa hindi mapakali sa kinauupuan nila. Nang matapos na sila manuod ng sine, napag kasunduan nilang kumain sa isang fast food restaurant, si Stell na ang umorder para sa kanilang tatlo, kaya nauna ng umupo sina Ken at Justin.
KEN
"Ano ng plano natin?" Natatarantang tanong, napapa kuyakoy pa ito sa sobrang stressed.JUSTIN
"Sabing ikalma eh, nakakagago ka sa totoo lang ken, saka ponyeta nakaka hawa yang pagka praning mo!"KEN
"Tangina naman kasi ni Paulo, bakit tayo pa nakakita, ayoko ng ganitong feeling."JUSTIN
"Bakit sa tingin mo ba gusto ko? Akala mo ba hindi ako apektado dito? Kating kati na akong tanungin si Stell."KEN
"Kapag may nangyari naman sa kanilang dalawa, feeling ko naman mag kwekwento si Stell diba? Pero to be honest mukang okay naman siya, tawa pa nga ng tawa sa loob ng sine, samantalang ako, walang naintindihan sa pinanuod natin."JUSTIN
"Oo nga eh, hintayin nalang natin siya mag kwento."Nang maka order na si Stell, napa tingin siya sa dalawang kaibigan na kanina pa nag bubulungan.
STELL'S POV
"Gago amp, third wheel pala ako dito. Kelan kaya aamin tong dalawang to?"Natawa nalang si Stell bago makaupo sa tapat ng dalawa, habang kumakain, hindi maiwasang ma tense ni Ken, habang pinaglalaruan at kagat kagat ang kuku nito. Tinatapik at pinang didilatan naman ito ni Justin, nag sesenyas na huwag pahalata gamit ang kanyang mga mata, napapangiti naman si Stell dahil ang akala niya mag jowa na talaga sila.
Nang medyo madilim na, napag desisyonan na nilang umuwi. Buong hapon nag hintay ang dalawa sa incoming rants ni Stell, pero bigo sila, kaya isina walang bahala nalang muna nila ang kanilang hinala, since mukang happy naman si Stell kaka kwento sa mga ganap nila ni Paulo. At sempre excited na silang tatlo dahil ilang buwan nalang ay graudation na nila.