Chapter 6

154 13 3
                                    

                         CHAPTER 6

UMIIYAK NA INIWAN ni Drake sa loob ng kwarto si Mira matapos ang nangyari. Humahagulgol ito sa pag-iyak habang yakap yakap ang sarili.

Hindi niya akalain na magagawang pagtangkaang gahasain siya ni Drake. Ang akala niya ay mahal siya nito ngunit paano nito nagagawang saktan siya ng ganon.

Napapikit si Mira ng marinig niya ang malakas na sigaw ni Drake mula sa labas ng rest house. Dinig niya ang sakit at paghihirap sa pag-iyak at pagsigaw nito.

Sa ibang banda, alam niyang may kasalanan din siya. Oo nga't mali ang ginawa nitong pagdukot at pagbihag nito sa kanya sa Isla. Pero naging kaibigan niya si Drake. Kasama niya itong lumaki mula pagkabata, ngunit hindi niya ito binigyan ng pagkakataong patunayan ang sarili nito sa kanya. Pinangunahan siya ng galit at inis sa ginawa nito.

Hindi niya ito binigyan ng chance para maipakita nito ang pagmamahal sa kanya. Kaya kahit papaano ay sinisisi niya ang sarili. Naging matigas siya at bato ang puso para dito.

Naalala pa niya ang sakit sa mga mata ni Drake ng matauhan ito sa ginawa niya. Alam ni Mira na hindi nito gusto ang ginawa niya. Dala siguro ng matinding kalasingan kaya niya nagawa ang bagay na iyon.

Huminga ng malalim si Mira saka pinunasan ang luha sa mukha. Kailangan niyang kausapin ng masinsinan si Drake. Nasasaktan din siya sa nangyayari sa kanila.

Ibinalot niya ang kumot sa katawan saka lumabas ng kwarto. Paglabas niya sa pinto ng rest house ay hindi niya nakita ni anino ni Drake.

Kinain siya ng matinding pag-aalala para dito. Inalis niya ang kumot na nakabalot sa kawatan saka mabilis na tumakbo sa dalampasigan.

"Drake!" Sigaw ni Mira. Ngunit walang sumasagot sa kanya.

"Drake, where are you?" Sigaw muli ni Mira.

Tumakbo siya sa magkabilang side ng dalampasigan ngunit hindi niya ito nakita. Madilim at tanging liwanag lang ng buwan ang nagsisilbing ilaw niya.

Pagod sa pagtakbo at hinihingal na siya. Hindi na rin niya maipaliwanag ang nararamdaman ng mga oras na iyon.

"Drake please! Lumabas ka na..." Naputol ang pagsigaw niya ng may maaninag siyang bagay na nakalutang sa dagat.

Natulos siya sa kinatatayuan at hindi agad nakakilos. Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang nakalutang.

"N-Nooo!!! D-drake?" Umiiyak niyang ani saka siya mabilis na tumakbo palapit sa dagat.

Nilangoy niya ang pagitan nila ng binata saka niya ito niyakap at hinila pabalik sa dalampasigan.

"Drake! Drake no! D-Don't do this me! Please!" Sumisigaw at nanginginig niyang ani habang ginigising niya ito.

Pinakinggan niya ang tibok ng puso nito ngunit mahina na iyon kaya lalo siyang natakot.

Agad niyang isinagawa ang CPR. Naghahalong takot, galit at pag-aalala ang nararamdaman ni Mira ng mga oras na iyon. Umiiyak siya habang isinasagawa ang CPR kay Drake.

"Drake please. Huwag mong gawin sa akin to. Huwag ganito!" Umiiyak niyang ani habang inililigtas ang nag-aagaw buhay na binata.

Nanlalambot na siya dahil sa panginginig at pagod. Nawawalan na rin siya ng lakas ngunit hindi niya tinigilan mag CPR dito.

"Come on Drake! Breath! Open your eyes for me, please! Don't leave me!"

Isang pump pa ang ginawa niya sa dibdib ni Drake ng biglang umubo ito. Marami itong isinukang tubig dagat habang hinahabol ang hininga.

His Obsession Series 1 (Drake Montenegro) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon