Chapter 1

293 12 4
                                    

                         CHAPTER 1

"YOU FUCKING bastard, akala mo hindi namin malalaman ang ginawa mo? Gago ka, Lexus!" Sigaw ni Brandon kay Lexus habang nasa bakuran sila ng mga Fernandez.

Nakakuyom ang kamao nito at namumula sa galit habang pinipigilan ito ng iba nilang kaibigan.

Si Drake naman ay nasa tabi lang ni Lexus tila ba inaalalayan ito.

"Bud, It's just one mistake. At wala akong alam sa nangyari." Balik na sigaw ni Lexus sa kaibigan nila.

"You fucking moron!" sigaw naman ni Bradley.

Susugurin na sana ito ng magkapatid ng biglang dumating ang mga magulang nila.

Lumayo si Drake ng bahagya saka sumandal sa hood ng nakaparadang sasakyan.

"Ano bang kaguluhan ito! Ha?! Ano bang nangyayari sa inyo?! Bakit kayo nagsasakitan?!" Sigaw ng tita Nathalia nila.

"Brandon, what's the meaning of this?" nagtatakang tanong ni Brando sa anak.

Pero imbis na sumagot ay tumingin ito sa nakababatang kapatid na umiiyak.

"No kuya.. Please, walang kasalanan si kuya Lexus. Hindi namin sinasadya." nagmamakaawang ani Robyn. Basa na sa luha ang buong mukha nito.

"At ano, hahayaan na lang natin ang ginawa nangyari? No Robyn, hindi kami papayag na hindi niya panagutan ang ginawa niya sayo."

Naguguluhang tumingin ang mga magulang nila sa kanilang lahat. Mga nakakunot ang noo na tila ba nanghuhula sa mga nangyayari.

"Ano ba talagang nangyayari? Wala bang magsasabi sa amin kung ano ang pinag-aawayan nyo?!" Sigaw naman ng tito Jake nila.

Masamang tumingin ang kambal na si Bradley at Brandon kay Lexus habang nakayakap si Rowyn sa kakambal nitong si Robyn na umiiyak.

"Bakit hindi mo sabihin para malaman nilang lahat ang nangyari!?" tanong ni Brandon kay Lexus.

Umiling si Lexus at tahimik itong tumingin sa mga magulang na naguguluhan na rin.

Dinuro ni Brandon si Lexus bago ito nagsalita. "That bastard!"

"Kuya nooo..!" pagmamakaawa naman ni Robyn habang umiiyak ito.

"No Robyn. Kailangan nilang malaman." Ani naman ni Bradley.

"Ano, Lexus, wala ka talagang balak umamin? Sige, para hindi ka mahirapan ako ang magsasabi sa kanilang lahat." Ani muli ni Brandon.

Humalukipkip si Drake na para bang inaantok sa napapanood nitong tila isang pelikula.

Humugot ng isang malalim na hininga si Brandon bago ito tumingin sa mga magulang.

"May nangyari kay Lexus at Robyn."

"What??!!" Halos sabay sabay na sigaw ng mga taong nakarinig.

Para itong isang bomba na sumabog sa lahat ng nakarinig.

Kasabay nito ay ang tunog ng mga babasaging bagay kaya doon natuon ang atensyon nilang lahat.

Nanlalaki ang matang nakatingin si Mira kay Lexus. Nagsimula na ring mag-unahan ang luha nito sa mata kaya mabilis itong dinaluhan ng mga magulang at kapatid.

Tatangkain sanang lapitan ito ni Lexus ngunit mabilis itong napigilan ng ama ni Mira.

Agad na umalis ang pamilya ni Mira kasunod ang pamilya nila Brandon.

Napatulala lang si Drake dahil sa nangyari saka mabibigat ang paang umalis sa mansion ng mga Fernandez.

Dumeretso siya sa kanyang condo. Pagpasok niya ay agad niyang hinubad ang pang itaas na damit bago kumuha ng isang can ng alak sa ref.

His Obsession Series 1 (Drake Montenegro) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon