Chapter 3

148 9 5
                                    

                         CHAPTER 3

"HAPPY NEW year party people!!" Sigaw ng ama ni Drake ng makapasok sila sa malaking bahay at rest house ng pamilyang Fernandez sa Isla Ortiz.

Hindi mo nga masasabing simpleng malaking bahay lang ito dahil sa pagdaan ng panahon, ang simpleng puting malaking mansion ay naging marangyang kastilyo dahil sa sobrang laki.

Sa pagdaan din ng panahon ay minabuti ng pamilyang Fernandez na palakihin ito dahil lumalaki na raw ang pamilya nilang lahat.

Talagang pamilya ang turing nila sa isa't-isa at hindi basta simpleng magkakaibigan lang.

Saksi ang bahay na ito at ang Isla Ortiz sa lahat ng pinagdaanan ng mga magulang nila at nilang magkakaibigan.

"Finally!"

"Buti naman at umuwi kayo."

"Tama. Akala namin iinindyanin nyo na naman kami."

Ani ng mga kaibigan ng magulang ni Drake bago yumakap sa kanila. Nakangiti siyang pinagmasdan ang mga ito habang nagtatawanan at nagkekwentuhan.

Naaalala pa niya noong bata pa siya. Lahat ata ng okasyon ay lagi nilang kasama ang pamilya ng mga kaibigan ng mga magulang niya. Halos kalahati na ata ng buhay niya ay kinamulatan niya ang mga ito.

Kaya naman naging matalik na kaibigan din niya ang mga anak ng mga ito.

"Hey bud! Nagparamdam ka rin. Akala namin tataguan mo na kami for the rest of your life." Tumatawang ani Kaleb bago yumakap sa kanya.

"How's life bud? Mukhang malalampasan mo na ang kayamanan ng mga Fernandez dahil sa kakatrabaho." Pagbibiro naman ni Axel sa kanya kaya mahina niya itong sinuntok sa balikat.

"Mga baliw!" Aniya saka ngumiwi kaya tinawanan siya ng mga ito.

Pumwesto sila sa veranda at doon ay masayang nagkwentuhan habang umiinom ng alak.

"Kuya Drake, balita ko darating si ate Thalie." Ani Braizen sa kanya kaya napatingin siya dito.

"Hanggang ngayon hindi pa rin talaga ako makapaniwala na naging kayo ni Thalie. Ni hindi man lang namin nahalata." Si Brandon habang umiinom ito ng alak.

"Sinabi mo pa. At ang malupit don, saka lang natin nalaman nung hiwalay na sila. Grabe diba?" Ani naman Bradley.

Muli siyang napangiwi lalo na ng sumulyap siya kay Jakon na matalim na nakatingin sa kanya.

"Bud, baka matunaw ako." Aniya kay Jakon na matalim na nakatitig sa kanya. Itinaas niya ang bote ng alak dito. Ngunit tinaasan lang siya ng gitnang daliri kaya natawa siya.

"You son of a bitch! Hanggang ngayon hindi pa rin kita napapatawad sa pagpapaiyak mo sa little sister ko." Galit na ani Jakon ngunit ngisihan niya lang ito.

Alam naman kasi niya na hindi talaga ito galit at alam nito kung ano talaga ang nangyari sa kanila ni Thalie.

"Bud, move on na tayo. Matagal ng tapos yon. Isa pa ay alam mo ang totoong nararamdaman ko para sa kapatid mo." Aniya habang nakangisi.

"Kung ako lang ang masusunod, matagal na kitang nilagyan ng gripo dyan sa tagiliran mo." Ani muli ni Jakon.

Tumawa siya ng malakas saka lumapit dito bago inakbayan si Jakon.

Napatingin sila sa sala ng makita nilang sabay sabay na dumating ang magkakapatid na Mira, Mateo at Atasha. Nasa likuran ng mga ito ang pamilya ni Lexus kasama ang asawa at anak nitong lalaki.

Sunod na pumasok sa sala ay si Natalie at ang kambal na si Kooper at Konnor.

Hanggang ang kanina lang na maingay ay lalong umingay pa na paligid, kaya minabuti ni Drake na lumabas ng rest house saka naglakad lakad sa dalampasigan.

His Obsession Series 1 (Drake Montenegro) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon