Chapter 4

134 9 2
                                    

                         CHAPTER 4


LIWANAG NG SINAG ng araw ang gumising kay Mira mula sa pagkakatulog. Nasapo niya ang ulo dahil nakaramdam siya ng pananakit nito. Dahan dahan niyang iminulat ang mata saka tumingin sa paligid ng kinaroroonan niya.

Ilang segundo niyang iniikot ang mata bago siya napabalikwas ng bangon at takot na isiniksik ang sarili sa gilid ng kama.

Takot siyang tumingin sa paligid ngunit wala siyang nakitang tao. Tanging siya lamang ang nasa loob ng kwarto.

Naalala pa niya ang ginawang pagdukot sa kanya habang nasa airport at pabalik na sana siya ng Paris.

Hindi niya kilala ang dumukot sa kanya. Wala siyang ideya kung sino ito at ano ang pakay nito sa kanya.

Agad niyang sinuri ang sariling katawan. Pinakiramdaman niya kung may parte ba sa katawan niya ang masakit lalo na sa ibabang parte nito. Ngunit napatigil siya ng mapansin na suot pa din niya ang damit niya mula kagabi.

Nakahinga siya ng maluwag dahil mukhang hindi naman rapist ang dumukot sa kanya.

Ang ipinagtataka lang niya ay hindi siya nakagapos o nakatali tulad ng mga napapanood niya sa tv na biktima ng kidnapping.

At talagang naghanap ka pa ng tali, girl. Adik ka. Pakikipag-usap ni Mira sa sarili.

Bukod doon ay ipinagtataka rin niya na imbis na sa isang maduming bodega o bahay siya dinala ng kidnapper ay sa isang maaliwalas at magandang kwarto siya naroroon. Mukhang bahay bakasyunan pa ang bahay kung nasaan siya.

"Wow! Mayaman ang kidnapper ko. Hindi tinipid." Aniya habang nakangiwi.

Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o maiinis sa sarili. Nasa delikadong lagay siya ngunit nakukuha pa niyang magbiro.

Dinig din niya ang ingay at hampas ng alon ng dagat sa dalampasigan na.

"Mukhang rest house nga." Aniyang muli.

Dahan dahan siyang bumaba sa kama saka maingat na sumilip sa bintana. Tama nga siya dahil mula sa bintana ng kwarto na kinaroroonan niya ay tanaw niya ang puting buhangin at asul na dagat.

Humugot siya ng malalim na hininga saka sinuri ang paligid. Agad siyang napatingin sa pintuan ng may marinig siyang kaluskos na nagmumula sa labas ng kwarto. Lumapit siya sa pintuan saka inilapat ang tainga saka mariing pinakinggan.

Agad siyang napatakip ng bibig ng marinig niya ang isang boses ng lalaki. Mukhang may kausap ito sa telepono dahil boses lamang nito ang naririnig niya.

"Who the hell are you?" Mahinang bulong niya habang patuloy na pinakikinggan ang lalaki.

Nagsasalita ito sa salitang ingles kaya inakala niya na isa itong foreigner.

"Shit, baka siya yung stalker na laging nagpapadala ng bulaklak kapag may show ako." Bulong ni Mira habang kagat-kagat ang hintuturo at kausap ang sarili.

"Pero ano naman ang kailangan niya sa akin?" Aniya muli.

Nanlaki ang mata niya ng matabig niya ang isang wall frame kaya gumawa ito ng ingay.

Agad siyang tumakbo at sumampa sa kama saka binalot ang sarili ng kumot.

Nang marinig naman ni Drake ang ingay na nagmumula sa kwarto kung saan niya iniwan si Mira ay agad siyang napatingin sa pintuan.

"Mom, I have to go. Tatawagan na lang kita ulit." Aniya sa ina na nasa kabilang linya.

"Drake please. Don't do this. Asan ka? Saan mo dinala si Mira?" Halos nagmamakaawang ani ng kanyang ina.

His Obsession Series 1 (Drake Montenegro) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon