Chapter 7

96 13 3
                                    

                         CHAPTER 7

NANG MAKALABAS ng kwarto si Drake ay naabutan niyang abala sa kusina si Mira. Sandali niya itong tinitigan bago siya tumikhim kaya naagaw niya ang atensyon nito.

Ngumiti si Mira kaya bahagya din niyang nginitian ito. Hindi alam ni Drake kung bakit tila nagbago ang pakikitungo nito sa kanya.

Imbis na magalit, ay parang tila naging maamo sa kanya at maalaga pa ang dalaga. Malaki ang kasalanan niya dito. Hindi man niya gusto ang nangyari, ngunit wala na siyang magagawa pa. Nangyari na at habang buhay niya itong pagsisisihan. Hindi man niya ito napagsamantalahan ng tuluyan, ngunit tinangka pa rin niya, kaya sa tuwing titingin siya sa dalaga ay may hiya at guilt siyang nararamdaman.

"Maupo ka na. Kakain na tayo." Ani Mira.

Napataas naman ang isang kilay ni Drake ng makitang naghahain na ito sa mesa.

"You need help?" Tanong niya dito ngunit agad itong umiling saka ngumiti. Palihim pa niyang nahawakan ang puso sa biglaang pagwawala nito dahil sa pagngiti ni Mira sa kanya.

You fucking heart..

"No need. Tapos naman na akong magluto." Nakangiting sagot naman ng dalaga saka ito umiwas ng tingin kay Drake.

Halos hindi makatingin si Mira ng diretso sa mata ni Drake. Para kasing nanlalambot ang tuhod niya sa uri ng titig nito sa kanya. Para bang may kung ano sa mga titig nito.

At parang inaarok nito ang kaloob looban niya. Para ring nahihipnotismo siya sa mga titig nito.

Tumango si Drake saka umupo sa harap ng mesa. Ni hindi nito inalis ang titig sa dalaga kaya halos magwala ang puso ni Mira.

"You really cooked huh?" Namamanghang ani Drake.

Hindi siya makapaniwala dahil alam niyang walang alam na lutuin si Mira. Kilala niya ito kaya nagugulat siya sa mga nalalaman niya dito.

"Oo naman. Wala ka kasing bilib sa akin eh." Mayabang na sabi ni Mira.

Napangisi si Drake habang nakamasid lang ito kay Mira at habang nilalagyan nito ng kanin ang plato niya.

"Anong niluto mo?" Nagtatakang tanong ni Drake.

Napatingin sa mesa si Mira saka ngumiti.

"Ay oo nga pala, wait lang." Saka ito tumalikod at may kinuhang dalawang plato sa likuran nito.

"Charannn!" Masaya at pagmamalaking ani Mira. Taas noo itong tumingin kay Drake.

Ibiniba nito sa mesa ang dalawang plato na naglalaman ng itlog at hotdog.

Yung itlog hindi mo maexpain kung sunny side up ba ito o scrambled egg. Yung hotdog naman, ay may mga parting sunog.

Ilang beses kumurap-kurap si Drake. Nagpalipat lipat din ang tingin niya sa mukha ni Mira at sa niluto nito.

"See? I cooked." Nagmamayabang na ani Mira.

Nakagat ni Drake ang ibabang labi upang pigilan ang pagtawa. Naitakip pa niya ang isang kamay sa noo saka yumuko ng hindi mapigilan ang pagngiti. Ilang beses pa itong kumamot sa noo.

"Hindi kasing sarap ng mga niluluto mo, pero pinaghirapan ko yan." Ani Mira.

Tumango-tango si Drake habang pigil sa pagtawa. Bahagya pa siyang tumalikod at mahinang tumawa.

Nang mapansin naman ni Mira na tumatawa si Drake ay agad niya itong pinaningkitan ng mata. Nakapamaywang siyang tumingin sa binata.

"Tinatawanan mo ba ako? Hindi mo ba gusto yung niluto ko?" Inis na sabi ni Mira.

His Obsession Series 1 (Drake Montenegro) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon