CHAPTER 2
AFTER TWO YEARS.
Abala sa harap ng mesa si Drake habang may gabundok na mga papeles sa harapan niya. He has to finish all the work before he goes on vacation. Dalawang buwan ulit ang pinaplano niyang bakasyon kaya medyo matagal tagal din siyang mawawala.
Mabuti na lamang at mayroon siyang assistant na maasahan sa oras na kailangan niya.
Ilang linggo na rin siyang busy at halos hindi na nakakapagpahinga at nakakatulog ng maayos dahil sa dami ng trabaho.
Habang abala siya sa hawak na papel ay biglang tumunog ang personal phone niya. Napatingin muna siya dito bago ibinaba ang hawak na papel saka seryosong sinagot ito.
"Yes?"
"Boss, ipapaalam ko lang na ligtas silang nakauwi kagabi. Nasa mansion na po sila at mukhang naghihintay sa pagbisita mo."
Napasandal siya sa executive chair saka bahagyang hinilot ang noo.
Yes, he's talking about his parents. Simula ng ipasa sa kanya ang lahat ng mga negosyo nila ay wala ng ginawa ang mga magulang niya kung hindi mag travel around the world. Halos kalahati na ata ng bansa sa mapa ay napuntahan na ng mga ito at hindi rin katakatakang bawat bansa ay may iniuuwi ang mga itong souvenir para sa kanya.
Umabot na ata sa sampung kahon ang lahat ng mga bagay na pasalubong ng mga ito sa kanya. Simula sa magnet sa ref, keychain at kung ano anong pang bagay na galing mismo sa bansang pinanggalingan nila. Ang iba'y ipinamimigay na lamang niya sa mga kasambahay kaysa naman masayang lalo na kung pagkain at madaling ma-expired.
At uuwi lamang ang mga ito kapag may espesyal na okasyon tulad ng birthday niya, pasko o bagong taon. O di kaya naman ay merong espesyal na okasyon na may kinalaman sa mga kaibigan ng kanyang ama.
"Good. Always remember, don't let your guard down. Kapag may nangyari sa mga magulang ko alam nyo kung ano ang mangyayari sa inyong lahat. Keep that in mind."
Napalunok ng laway ang lalaking kausap niya saka ito utal na sumagot. "C-Copy, boss."
Parehong retired agent at assassin ang mga magulang niya at hanggang ngayon ay lihim niyang pinababantayan ang mga ito kahit saan man magpunta. Wala siyang pakialam kahit saang dulo pa ng mundo makarating ang mga magulang niya, makasiguro lang siya sa kaligtasan ng mga ito.
Baka tuluyan na siyang masiraan ng ulo kapag may nangyari sa mga ito.
Pagkatapos niyang makipag usap dito ay agad na niyang ibinaba ang telepono saka ibinalik ang sarili sa trabaho.
Sandali siyang napahinto saka bumuntong-hininga.
Alam niyang anytime ay biglang susulpot ang mga magulang niya lalo na't naging busy siya at hindi man lang nasalubong ang mga ito. Tiyak din niyang nagtatampo na ang kanyang ina sa kanya.
Kung kailan kasi marami siyang trabaho saka naman sumulpot ang mga magulang niya. At minsan ay nagugulat na lang din siya sa trip ng mga ito.
But he needs to be careful, upang hindi makatunog ang mga magulang niya sa lahat ng pinaplano niya. Dahil tiyak niyang tututol ang mga ito once na malaman nila ang lahat ng gagawin niya.
Habang abala si Drake sa papeles na hawak ay biglang bumukas ang pinto. Ni hindi niya nagawang sumulyap man lang dahil sa pagiging abala niya.
"Claus, I told you that I have so many papers to work, so please. Ayoko ng istorbo." Mahinahon niyang ani.
"Kailan pa kami naging istorbo sayo ng daddy mo?"
Mabilis pa sa alas kwatro siyang nag-angat ng ulo saka tumingin sa mga magulang niya.
BINABASA MO ANG
His Obsession Series 1 (Drake Montenegro)
RomanceWarning: Mature Content| R-18 Second Generation Of Agent Series "You love him, but I love you. I'm fucking obsessed with you and i'll do anything to make you mine. And that's a promise." ----- Drake