Chapter 5

141 10 1
                                    

                         CHAPTER 5

MABILIS NA LUMIPAS ang isang linggo. At sa buong isang linggo ay nagkulong lamang si Mira sa loob ng kwarto. Lumalabas lang siya sa tuwing kakain o maliligo. Wala kasing sariling banyo ang kwarto na tinutulugan niya.

Ayaw man niyang makita at kausapin si Drake ay wala naman siyang magawa. Lalo na kapag may kailangan siya dito. Tulad na lang nung nakaraang araw ay bigla siyang dinatnan ng buwanang dalaw. Ayaw man niyang magtanong sa binata ay wala na siyang magawa pa. Lalo na't kailangan niya ng napkin na magagamit. Ayaw naman niyang mamaho siya sa loob ng kwarto.

Ang ipinagtataka lang niya ay parang napaghandaan na nito ang lahat. Lahat kasi ng kailangan niya ay mayroon ito. Kahit anong hingiin niya dito ay naibibigay nito. Tulad na lang ng isang box ng libro na ibinigay nito sa kanya.

Kahit sa harap din ng mesa tuwing kumakain sila ay hindi niya ito kinakausap o sinusulyapan man lang. Lagi rin niya itong sinisinghalan at sinisigawan.

Hindi nga niya alam kung ano ba ang nagustuan ni Drake sa kanya. Isa kasi siyang simple at boring na babae. Walang espesyal sa pagkatao niya para mabaliw ito sa kanya. Kaya nga mabilis niyang natanggap noong nagkahiwalay sila ni Lexus.

Hindi nga niya alam kung paano ba nito gagawin yung sinasabi nito na paiibigan siya nito. Gayong nakikita pa lang niya ito ay kumukulo na ang dugo niya. Gusto niya lagi itong singhalan para matauhan sa kabaliwan nito.

Mabait si Drake. Sa pagkakakilala niya dito noong mga bata pa sila ay lagi nitong pinagbibigyan ang mga kaibigan nila. Maalaga ito at laging maaasahan tuwing kailangan. Kaya hindi niya inaasahan na gagawin nito ang ginawa pagdukot sa kanya.

Sa loob din ng isang linggo ay wala siyang ginawa kung hindi magbasa ng mga librong ibinigay ni Drake sa kanya. Mabuti na lamang na kahit baliw ito at ikinulong siya nito sa isla ay may pagka considerate pa rin dahil binigyan siya ng mapaglilibangan niya.

Halos nakasampu na ata siyang libro at halos maubos na niya ng hindi namamalayan. Mabilis din lumipas ang oras sa tuwing nagbabasa siya.

"Grabe, nakakaiyak naman 'tong libro na 'to." Ani Mira habang binabasa niya ang gitnang parte ng libro.

Huminga siya ng malalim saka inilagay ang bookmark bago siya tumayo saka nag-inat. Nauuhaw siya at nagugutom kaya nagpasya siyang pumunta sa kusina.

Nang makalabas siya ng kwarto ay agad niyang sinilip si Drake. Wala ito sa loob ng bahay kaya nagmadali siyang naghanap ng makakain sa kusina.

Agad siyang napangiti ng makita ang mga pancit canton sa loob ng pantry. Kumuha siya ng dalawa saka nagsalang ng kaserolang may lamang tubig.

Hindi siya marunong magluto ng kahit anong ulam na putahe o any dish, pero marunong siyang magluto ng mga instant noodles at pritong itlog at hotdog. Na perfect na nga niya iyon at hindi na ito nasusunog, dahil sa tuwing uuwi siya ng apartment niya sa Paris ay iyon ang kinakain niya.

Nakakakain lang siya ng mga lutong ulam o matinong pagkain sa tuwing kakain siya sa mga restaurant o bibisita sa mga kaibigan niya.

Habang hinihintay niyang kumulo ang tubig ay kumuha siya ng isang basong tubig sa ref.

Agad niya itong ininom. Ngunit nasa kalagitnaan pa lang siya ng pag-inom ng tubig ng biglang makarinig siya ng ingay na nagmumula sa labas.

Nanlaki ang mata niya at mabilis na binitawan ang baso bago pinatay ang bukas na lutuan.

Tumakbo siya palabas ng bahay at hinanap ang tunog ng chopper.

Napanganga siya at mabilis na tumakbo palapit dito. Hindi niya pinansin si Drake na nakasalubong niya. Tinatawag siya nito ngunit hindi niya ito binigyan ng sulyap man lang.

His Obsession Series 1 (Drake Montenegro) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon