Chapter 8
MARAHAN AT BUO ng pag-iingat na hinahalikan ni Drake ang mga labi ni Mira. Humahaplos na rin ang mga kamay nito sa baywang at likod ng dalaga.
Bahagya pang napapa ungol si Mira sa tuwing kakagatin ni Drake ang mga labi niya. Tila nagdadala ng libo libong kuryente sa buong katawan niya ang mga halik nito.
Parang nanlalambot ang buo niyang katawan na tila sumama na sa hangin ang buo niyang lakas.
Naglalakbay sa kaibuturan niya ang nakakakiliting kuryente na dulot ng mga halik at haplos ni Drake sa kanya.
"Hmm. Drake!" Mahinang ungol ni Mira habang hinahalikan ni Drake ang puno ng kanyang tainga pababa sa leeg.
Paharap na nakaupo sa kandungan ni Drake si Mira habang patuloy ang mainit nilang tagpo.
Tahimik ang buong kwarto at tanging mumunting halinghing at ungol ang maririnig na nagmumula sa kanilang dalawa.
"Aahhh Drake." Muling ungol ni Mira na siyang nagpagising sa katinuan ni Drake.
Kahit nahihirapan ay pinilit niyang itigil ang ginagawa niya kay Mira.
Wala sa plano niya ang makuha ang katawan nito lalo na kung alam niyang hindi pa siya nito mahal. Puso ni Mira ang gusto niyang makuha at bunos na lang kung ibibigay nito ang katawan. Kaya hindi niya pwedeng I-take advantage ang kalagayan nito para lang makuha ang gusto niya.
Oo mahal niya si Mira at kung siya lang ang masusunod ay gusto niyang siya ang makakuha ng kainosentehan nito, ngunit hindi makakaya ng puso niya na gawin ito sa dalaga.
"Baby, let's stop this. H-hindi pwede 'to." Nahihirapang ani Drake.
Tumingin si Mira sa mukha ni Drake na tila nahihirapan. Ramdam din niya ang bukol nito sa loob ng suot nitong sweat pants.
"W-why? Hindi ba ako maganda? Akala ko ba mahal mo ako?" Parang nagtatampo pang tanong ni Mira.
Alam niyang mali ang ginagawa nila ngunit tila nakaramdam siya ng inis sa binata dahil sa pagtigil nito. Kahit pa nga ramdam niya ang paninigas ng pagkalalaki ay minabuti pa rin nito na tumigil. Naiinis siya dahil sinabi nitong mahal siya ngunit parang hindi ito natutuwa sa ginagawa nila. Pakiramdam tuloy niya ay hindi siya maganda at tila naapakan ang ego niya.
Naihilot naman ni Drake ang palad sa noo pababa sa ilong dahil sa tanong ni Mira.
Kung alam lang nito kung gaano siya kabaliw dito. Kung gaano niya kagusto na maangkin ito. Pero alam niyang mali.
Mali na nga ng kidnapin niya ito at ipilit ang sarili niya dito. At lalong magiging mali kung gagawin niya iyon. Malaki ang kasalanan niya kay Mira at ayaw niyang kamuhiaan siya nito ng husto kapag nalaman nito ang lahat ng ginawa niya.
Sinapo ni Drake ang magkabilang pisngi ni Mira saka ito hinalikan sa noo bago tinitigan.
"Mahal na mahl kita, Mira. Pero mali ito. At wala sa plano ko ang gawin ito lalo na alam kong hindi pa ako ang laman ng puso mo. Kaya kong maghintay Mira. At gagawin ko yon para sayo."
Nakagat ni Mira ang ibabang labi upang pigilan ang pagngiti. Pakiramdam niya ay may nagliliparang paru-paru sa loob ng tiyan niya dahil sa mga sinabi ni Drake.
Hindi niya alam na ganon kalalim ang pagmamahal nito sa kanya. At masaya siyang malaman iyon.
"Mira, pwede ba akong magtanong?"
Tumango si Mira at mariing tumingin sa mata ng binata. Tinapatan ni Drake ang tingin nito sa kanya.
Hindi niya alam kung ano ang isasagot nito sa tanong niya ngunit kailangan niyang malaman ang totoo.
BINABASA MO ANG
His Obsession Series 1 (Drake Montenegro)
RomanceWarning: Mature Content| R-18 Second Generation Of Agent Series "You love him, but I love you. I'm fucking obsessed with you and i'll do anything to make you mine. And that's a promise." ----- Drake