Chapter 45

99 4 0
                                    

Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata at ngunit hindi pa makapagsalita agad dumapo ang aking mga mata sa aking kuya na mahimbing na natutulog habang hawak ang aking mga kamay.

Hinaplos ko ito sa buhok at tila mababaw ang tulog nito kaya dahan dahan itong nag angat ng tingin.

Sandali pa siyang natulala ngunit agad bumalik sa reyalidad, agad ako nitong niyakap at paulit ulit na bumubulong saakin.

Sandali siyang bumitaw at tumawag ng doctor sinuri ako nito at sinabing nagagalak siya na ako daw ay nagising na.

"Omo! My baby is finally awake! How are you hija are you fine?." Tanong saakin ni mommy.

"I'm fine mom, how many weeks i'm in a coma?"

Sandaling nag pout si mommy saakin at saka ako muling sinagot.

"Sa lala ng naging tama mo 3 months kang nakahiga, pinag alala mo kami ng hyung mo akala namin ay matatagalan kapang magising, mabuti nalang at nagkamalay kana." Aniya ni mommy at saka yumakap saakin.

Nilibit ko ang tingin sa aking silid.

"S-si Elijah? Dumadalaw ba siya?" Panibagong tanong ko.

Naupo si hyung sa aking tabi at humawak saaking kamay, kaya nangunot ang noo ko.

"Elijah visited you..." Sandaling huminto si hyung at saka muling tumingin sa akin. "he's staying here for 1 week but after that he never show again."

Agad nanlumo ang aking balikat sa aking narinig kay hyung. 1 week? pero hindi na ulit siya nagpakita pag katapos niya akong bisitahin.

Bakit?

"We understand him anak, you've been in a coma months and besides his busy rin siguro." Pag papagaan ni mom saaking loob.

Tumango naman si hyung at sinabing mag focus nalang daw muna ako sa pagpapalakas ng sa ganon ay makalabas na ako ng hospital.

Umuwi din sila dahil bumisita sila Iris saakin.

"You're so matagal na na-coma, araw araw kaming nandito but your kuya is so masungit." Pag kukwento ni Eloise saakin.

Natawa ako sa sinabi niya, kuya asher is so snob and masungit talaga hindi na bago lalo na at ayaw non sa maiingay na katulad niya.

"Paanong hindi mag susungit sayo e parati kang maingay." Pag sabat pa ni Luna habang natatawang binato naman siya ni Eloise ng maliit na unan na agad niyang nasalo.

"He hates nosy girls like you Eloise." Dagdag pa nitong si Iris.

Tumango naman ako at nakisali narin.

"Tama sila Eloise hyung Asher hates noisy girls like you, He prefers quiet and introvert girls rather than extrovert." Pag sangayon ko at saka lumipat ng tingin kay Iris na nag iwas ng tingin saakin.

Ngumisi ako.

"I smell something fishy ha." Sabi ni Luna habang sinasagi sagi pa si Iris.

"What is it Luna?" Inosenteng tanong ni Eloise.

"Umamin kanga Iris may something ba sainyo ni Asher?" Naka pamewang na tanong ni Eloise.

Umiling naman ito bilang sagot.

Tumaas ang kilay ko, dati palang ay pansin ng si hyung ay tila interesado dito kay Iris.

I support him, i like Iris too for him.

Hyung likes a girl who is introvert and quiet like me, in short i'm his standards.

Umirap naman itong si Eloise. "Inaagawan mo pako! Sakanya na nga lang ako loyal e." Pag arte nito.

Sa sobrang asar nitong si Luna ay agad nitong binatukan si Eloise at sinabing hindi sila bagay.

Napuno ng kwentuhan at asaran ang buong silid ko hanggang sa mag gabi ay doon lang nila napag pasyahan na mag paalam saakin.

I'm still wondering why Eli is not visiting me.

AUTHOR'S NOTE:

Sa tingin niyo gawan ko ng sariling story ang kuya ni Dixie??

The Only Girl In Section DangerousWhere stories live. Discover now